"Sorry" ngumiti na lang ako at kumain na lang ulit kami.

Pagkatapos kumain ay hinatid na ako ni Hero sa classroom. "Iintayin kita mamayang uwian ah" sabi niya sa akin. I just smiled, nasanay na ako ng ganito. Kami lang ni Hero ang magkasama at masaya naman kami kahit ganon.

Umupo na lang ako sa desk ko at nilabas ko na lang yung notebook ko para sa next subject. Bago ko pa man malapag yung notebook ko ay napansin ko naman na may nakasulat sa desk ko.

Arte mo.

Year of the snake ba?

Luminga-linga ako sa classroom at nakita ko naman na nakatingin sa akin yung ibang girls. Huminga na lang ako ng malalim saka ko nilabas yung cologne ko. Binuhusan ko yun at saka ko pinunasan gamit yung panyo ko. Narinig ko naman na nagtatawanan na yung iba.

"Oh, may bago na naman ba Key?" nakita ko naman si Chen. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayokong madamay pa siya. "Ano ba naman yan? Parang mga taga-public school kayo!" sigaw niya.

"Ano ka ba Chen, huwag ka na lang makisali. Okay lang naman ako eh" ngumiti na lang ako sa kanya.

"Basta kapag sobra na, sabihin mo na lang sa akin ha" sabi niya bago niya ako nilayuan.

Nagpatuloy lang kami sa klase nung hapon na iyon. Nung uwian na, nakita ko naman na nasa labas na ng classroom si Hero. Looking cool as always. "Uwi na ba tayo?" tanong niya sa akin.

"Ahh... may aayusin muna ako. Di ko pa kasi nabibigay kila Audrey yung resignation form ko para sa drama club eh" sabi ko sa kanya. Kung tutuusin eh gusto ko na talagang makauwi eh, kaso nga lang ayoko namang ma-list pa ako as inactive member, lalo naman na may problema yun. Kaya kailangan ko ng i-turn yung form ko sa president ng Drama club... si Audrey.

"Sure ka ba na magqui-quit ka? Di ba nakwento mo rin sa akin na yun talaga ang gusto mo?" tanong naman ni Hero sa akin. Tama nga siya, hilig ko yung pag-acting, pagsayaw at pagkanta and to throw it all away suddenly, medyo nakakapanghinayang nga.

Tumango na lang ako. "Mas maganda naman kung ganun di ba? Besides, hindi ko na kailangan yang drama club at Prism para lang magawa ang gusto ko" nginitian ko siya.

"That's my girl" ginulo niya yung buhok ko.

"Magkita na lang tayo sa locker area ha" kinawayan ko na lang siya. Dumerecho na ako sa club room. Wednesday ngayon, every Wednesday ang club meeting namin kaya alam ko na nandyan sila. Sana Prism lang ang nandito.

Kumatok muna ako. "Pasok" narinig ko ang boses ni Lyah. Good, hopefully sila nga lang yun. Pumasok na ako at napahinto na lang ako halfway sa pinto kasi nandoon rin pala si Chace sa loob. Parang agad agad na nagbalik yung mga nangyari last week, sana sinama ko man lang si Hero.

"Oh, nakalimutan kong member ka nga pala dito" natatawang sabi ni Yancy. Umirap naman kaagad sa akin si Audrey at napansin kong naghalf-smile si Chace sa akin.

"Tanungin niyo nga kung bakit nandito yung babaeng yan" sabi ni Audrey.

Yung babaeng yan. Ang sakit lang pakinggan, dati lang ang tawag sa akin ni Audrey ay bestie o kaya Key, di ko naman alam na common noun na lang ako sa kanya ngayon.

"Narinig mo naman siguro si Audrey di ba?" sabi naman ni Marley. Napailing na lang ako, even after hearing my side wala pa rin nagbago. Si Audrey pa rin talaga ang kinakampihan nila, hindi naman sa naghahanap ako ng karamay pero ayoko naman ng napagkakaisahan ako ng ganto.

"Isu-submit ko lang naman yung resignation form ko, I'm quitting the club" sabi ko habang nilabas ko yung papers sa bag ko.

Mukha naman na nagulat ng kaunti si Chace sa sinabi ko. "Really? I think that's good" sabi ni Yancy.

"About time naman na naisip mo yan" sabi ni Audrey. Pagtingin ko sa kanya ay tumingin naman siya kaagad kay Chace. "Right Chace? About time na nag-confess ka na sa akin"

So nag-confess na si Chace? Ano na ba status nila ngayon? Pero base sa nangyayari ngayon, hindi ba parang ginagawa lang niyang panakip butas si Chace? Ugh, annoying.

Inabot ko na lang kay Audrey yung papel, napansin ko na nakatingin sa akin si Chace habang ginagawa ko yun. "Kunin mo na lang yung gamit mo dito, para wala ka ng excuse pa para bumalik next time" sabi ni Audrey habang binabasa niya yung form.

Para bang wala ako dito sa room habang kinukuha ko yung gamit ko, nag-uusap lang sila normally. Parang yung ginagawa lang namin dati, darn it Key don't reminisce, it isn't worth it.

Once na naayos ko na sa bag ko yung mga gamit ko ay dumerecho na ako sa may pintuan. "Salamat na lang" nag-bow ako ng kaunti sa kanila, nagkatinginan kami ni Chace bago ako umalis.

"Bye Chace" sabi ko sa kanya bago ko sinara yung pinto.

Siguro mas okay na nga lang kung ganito, masaya naman yata si Chace sa kinalalagyan niya ngayon eh.

tL


Fools in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now