"Masakit pa ba ito?" tanong ko. Wala pang nakakaalam kung sino ang nagbato ng MANNB sa kanya. Sabi din kasi niya, mukang aksidente lang ang nangyari kaya pinabayaan na lang niya.

Inalis niya ang kamay niya at saka ulit nagsulat.

"Kapag ginagamit ko. Ano bang kailangan mo?" tanong niya ulit nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"Yung mga gamit kasi ni Marae nakalimutan kong kunin sa bag mo." tumigil siya sa pagsusulat saka tumayo.

"Oo nga pala. Buti pinaalala mo." pumunta siya sa kama niya kung nasaan nakalapag ang bag niya.

Binuksan niya ito pero may gulat sa kanyang mukha.

"Bakit?" tanong ko saka siya nilapitan.

Tumingin siya sa akin saka binaliktad ang kanyang bag.

Butas ang sa ilalim nito.

"Walang laman yung bag ko." sabi niya. Binato niya ang bag niya sa kama. "Sht! Yung pera ko nandun pa eh! Ang tagal kong inipon yun! Pinaghirapan namin ni Karl yun eh! Tsk! sht talaga! Yari ako kay Karl neto eh.!" umupo siya sa kama at tinakpan niya ang mukha niya ng dalawang kamay niya.

"Teka, pera niyo ni Karl?" close sila? Atsaka mayaman naman sila bakit parang nanghihinayang sila dun?

Inalis niya ang kamay niya sa muka niya saka tumingin sa akin.

"May mga raket kasi kami. Tapos naghahati kami sa kinikita namin." paliwanag niya

"Bakit niyo naman kailangang humanap ng raket? Madami naman kayong pera." sabi ko naman.

"Kailangan namin ng pera ngayon. Sila Karl, gipit sila ngayon dahil may sakit ang mga magulang niya. Kailangan niya ng malaking pera para mapagamot sila." sabi ni Cath. May problema pala si Karl. Pero bakit hindi siya magsabi sa amin? Siguro sa isip niya hindi pa din namin siya kaibigan.

"At ako naman, kailangan ko ng pera. Hindi dapat kasi malaman nila Mama na gagastos ako ng malaking pera na binibigay nila sa akin. Kailangan kong bayaran ang prof ko para hindi ako ma kicked out at para hindi din makarating sa mga magulang ko ang ginawa ko." paliwanag naman niya.

"Ano bang ginawa mo? At bakit parang napakabigat niyan?"

"Nag... Nagnakaw ako." yumuko siya. Hindi ko aakalain na magagawa niya yun. Kasi bakit kailangan niyang gawin yun? Kung pwede niya namang bilhin? Ganun ba ka importante yun sa kanya?

"Ano ba ninakaw mo at bakit parang kailangan mo malaking pera?" tanong ko.

"Wag mo nang alamin. Magtataka ka lang." sabi niya kaya hindi ko na siya pinilit pa.

"Okay. Pero napano ba yang bag mo? Saan naman sumabit yan?" tanong ko na lang.

"Hindi ko din alam. Sumakay lang naman ako sa sasakyan nila Ken tapos pumasok na ako sa bahay diretso dito sa kwarto ko. Hindi ko talaga maalala na sumabit itong bag ko." sabi niya. Kinuha ko ang bag ni Cath at pinagmasdan ang butas.

Ang laki ng butas at mukang hindi ito sumabit. Mukang sinadyang butasin talaga.

Tinignan ko ang loob. Wala na ngang laman. Kinapkap ko ang loob baka kasi may makapkap ako at hindi ako nagkamali.

Nilabas ko ang isang rosas na kulay dark red. May note dito at nakasulat:

Masama ang kumuha ng hindi sa'yo. Bad yan. Magagalit si Papa Jesus.'

"Eh gag! Pala yan eh. Bad bad na nalalaman tapos kukunin laman ng bag ko?! Atsaka paano niya nalagay to sa bag ko?" Inis na sabi ni Cath.

"Si M. kaya may gawa nito?" Tanong ko.

Umiling si Cath. "Hindi ko naman siya nakita kanina. Sa laki niyang yun, malamang agad ko siyang makikitang binubutas yang bag ko. Baka nga hindi pa siya nakakalapit sa akin tanaw ko na siya eh."

"Kung ganon, sinong pwedeng maglagay nito? Sila Jef?"

"Hindi din. Buong byahe ko yakap ang bag ko at puro kalokohan lang sila sa loob."

Kung ganon, sino? At paano nagawa yun ng taong yun?

"Mukang alam ko na kung sino." Sabi ni Cath at tumakbo palabas ng kwarto niya.

Agad ko naman siyang sinundan pababa ng bahay nila. Nakita ko siyang sinugod ang ate niya.

"Bakit mo sinira bag ko?! Nasaan ang mga gamit ko?!" sigaw ni Cath sa harap ng ate niya.

"Aba malay ko sayo! Wag ka ngang namimintang jan. Kita mo naman na buong araw lang ako nagtetext dito!" galit din na sigaw ng ate niya.

"Ikaw lang naman pwedeng gumalaw ng gamit ko eh! Alam ko ginawa mo yun habang naliligo ako!!" sigaw naman ni Cath.

"Ang kulit mo! Baka naman pinasok yung kwarto mo ng ibang tao! Wag ka nga mang istorbo!" sabi ni ate niya at umakyat na sa taas.

"Cath baka hindi naman talaga yung ate mo. Atsaka baka yung katulong or guard niyo ganun." nilapitan ko siya.

"Kung isa sa mga katulong o gwardiya, edi konektado sila sa grupo ni M.? Edi isa sa kanila ang nag lagay ng rosas sa bag ko?" napaisip ako sa sinabi niya. Kung ganon, wala kaming ibang pwedeng mapagkatiwalaan na tao.

"Tara, sabihin natin ito sa iba. Kailangan nating kumilos."

Aalis na sana kami pero may nakita ang mga mata ko sa kinauupuan ni Ate Rhyne kanina. Ang ate ni Cath.

Hinawakan ko si Cath sa braso bago siya makaalis habang nakatitig ako sa bagay na nandun sa sofa.

Napatigil si Cath sa paglakad at napatingin sa gawing tinitignan ko.

"Papano siya nakakuha ng ganyang rosas?" Tanong ko.

Kinuha namin ang rosas na nasa sofa at pinagmasdan. Katulad ng rosas na natanggap ni Cath. At ang mga rosas na natanggap ni Marae. Isang super dark red na rosas na mukang pinitas lang kung saan.

Nagkatinginan kami ni Cath. Walang sabi sabi, umakyat kami sa taas at pinuntahan ang kwarto ni Ate Rhyne.

"Ate!" kumatok siya sa kwarto ni Ate Rhyne.

Bumukas naman ang pinto at sumalubong ang nakakunot na noo na ate niya.

"Ano? Sabi nang hindi ako ang sumira ng bag mo eh!" Hindi pinansin ni Cath ang sinabi mg ate niya.

"Ate, sinong nagbigay sayo nito?" Tanong niya sa ate niya at pinakita ang rosas na nakita namin sa sofa.

"W-wala! Bigay yan ng katext ko. Akin na nga yan!" Sabi ni Ate Rhyne sabay agaw dun sa rosas.

"Sino ba yung katext mo, ate?" Tanong ni Cath. Eto na. Magkakaroon kami ng ideya kung kanino ba galing itong mga rosas.

"Kay Simon. Schoolmate ko." sabi lang ni Ate niya

Simon? Sinong Simon? Bagong member nila M.? O ibang grupo siya?

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon