28

362 49 1
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

18th Day of Agreement

E M I L I A

Eto kami ngayon ng barkada. Naglalakad papunta sa classroom.

At hanggang ngayon napapansin kong di sil mapakale lahat. Ano ba problema ng mga 'to?

Nasa harap na kami ng classroom pero di ko sinasadya na mapatingin sa Section B1.

Dapat pala hindi na ako tumingin. Di ko maalis ang tingin ko sa kanila. Si Aubrey hinalikan si Alex sa cheeks.

Mukhang hinatid ni Alex si Aubrey sa classroom niya.

Napansin ata ng barkada kung saan ako nakatingin kaya pinapasok na ako sa classroom ko.

Umalis na ang boys at hanggang ngayon tulala pa rin ako sa nakita ko.

"Bes, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Andrea.

Tumingin naman ako sa kanya at umiling.

Totoo naman eh. Hindi naman ako okay. Sino ba naman ang magiging okay kung nakita mong hinalikan ng isang babae ang taong mahal mo diba?

Diba sabi nya nililigawan niya ako? Ay teka hindi na nga pala.

"Girl, wag mo na lang pansinin yung nakita mo. Magiging okay din ang lahat." Pagch-cheer up sa akin ni Irene.

"Sana nga." Ngumiti ako ng konti.


**


Lunch break na namin ngayon at kakain na kami.

Pero nakaramdam ako ng ihi kaya nagpaalam muna ako sa barkada.

Habang papunta ako sa CR. May nahagip ang mata ko.

Dalawang tao magkayakapan. Psh. PDA masyado, pero bakit parang kilala ko yung lalaki? Never mind.

Papasok na sana ako sa CR pero natigilan ako.

"Bee, are we okay?"

Boses yun ni Aubrey ah. Tiningnan ko ulit yung dalawang PDA at tama nga ang hinala ko. Si Aubrey nga yun at sa kasamaang palad si Alex pala ang kayakap niya.

"Of course we are."

Nagkabalikan na ata sila.

Papasok na sana ulit ako sa CR kaso meron akong narinig kaya napatigil ako.

"I love you.."

Alex, please don't say I love you to her. Di ako aalis papuntang ibang bansa basta wag mo lang sasabihin yan sa kanya pero kung sasabihin mo yan. Suko na ako.

I waited for how many seconds pero wala akong narinig na sagot at papasok na sana ulit ako pero huminto ako. Gusto ko marinig.

At may narinig akong nagsalita sa loob ng CR. "Ano ba yan akala ko papasok na?!" Sino yun?

Natigilan na naman ako. Teka nakailang tigil na ba ako? Pero iba 'to, nasaktan ako sa narinig ko.

"I love you too.."

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon