02

988 65 29
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

1st Day of Agreement

A L E X A N D E R

This is it. Magpapakita na ako sa kanya.

"Neil, okay na ba?" Tanong ko habang nag-aayos ng buhok.

"Yep! Sigurado ka na ba diyan?" Tanong niya sabay hawak sa balikat ko pero tinanggal ko ito agad.

"Oo naman. Tsaka nandito na tayo eh. Wala ng urungan." Kampante kong sinabi at napatango na lang siya.

Nga pala, alam niyo ba kung ano ang gagawin ko? Pinuno ko 'yung hallway ng mga rose petals. With matching balloons pa. Tapos may dinikit akong rose sa locker niya at maliit na teddy bear.

"Oy! Pare, mag-ready ka na. Nandiyan na raw sila!" Bulong ni Neil. Pero teka anong sila?

"Sila?" Takang tanong ko.

"Sila Andrea at Emi!" Sigaw niya.

"Sinong nagsabi sayo?" Bakit kasama si Andrea? Diba si Emi lang?

"Wag na maraming tanong basta papunta na sila dito." Sabi niya at tinulak niya ako sa likod ng hagdanang malapit sa locker ni Emi.

Meron nga pala kaming tatlo pang mga kaibigan. 'Yung isa pinsan ko at meron nga pala kaming banda. Kilala 'yun dito sa campus namin. Ang pangalan ng banda namin ay Aeruminous Five.

"1.... 2.... 3.... GO!" Nako, ayan na!


(You can play this while reading the ff. story)

"Teka lang. (4x)
Meron akong nakita."

"Pare ko, Pare ko, Pare pare ko
Oh kay gandang dalaga."

"Sandali. (4x)
At aking lalapitan."

"Kay bilis kaagad umalis
At bigla kong naiwanan."

"Tuwing umaga'y nakikita.
Pagpasok sa eskwela.
Lahat sa kanya'y napapalinga."

"Bago pa ko maunahan.
Akin ng lalapitan.
Miss miss ano nga bang pangalan?"

"Ikaw na na na na.
Pwede bang magpakilala?
Larawan mong magara.
Hindi na mabura."

"Sa sa sa isip ko na na na.
Pwede bang magpakilala?
Gandang aking nakita sadyang nakakahalina."

"Na na na na na na na.." Kanta nilang lahat. Nang matapos ang kanta nagsalita agad si Emi.

"Uhm... Guys, ano 'to?" Tanong ni Emi.

"Secret admirer, labas na!" Sigaw ni Neil. Eto na, tinatawag na ako. Dahan dahan akong lumabas habang dala ko ang bouquet of yellow roses. Her favorite flowers.

Nakita ko siyang gulat na gulat.

"I-Ikaw? Ang secret a-admirer k-ko?" Nauutal niyang tanong.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon