01

1.3K 70 29
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

Hay. Eto na naman ako gumagawa na naman ng love letter para kay Emi. My name is Alexander Lopez. Tinatanong niyo ba kung sino si Emi? Siya lang naman 'yung babaeng mahal na mahal ko.

Ba't ba kasi ako ganito ka-torpe? Five years na ako mula 'nung nanliligaw ako sa kanya at hanggang ngayon pa rin naman. Pero 'di ko inaakala na matitiis kong hindi ako magpakilala o magpakita man lang sa kanya. Tindi ko.

"'Tol! Ano ba 'yang sinusulat mo?"
Siya nga pala 'yung bestfriend ko si Neil Martinez. Simula Grade 1 ko pa 'yan kaibigan.

"Tinatanong pa ba 'yan?" Sagot ko. Nandito nga pala kami sa classroom namin at hinihintay na lang namin ang next subject.

"Hay nako! Ba't ba ayaw mong maghanap ng iba? Sa dinami dami ba naman kasi ng babaeng mamahalin mo, e, si Emi pa? Try mo kaya maghanap ng iba?" Aba.

"Ba't ba pinipilit mo kong maghanap ng iba ha?" Inis kong tanong.

Nakakainis na 'to. Pagnakikita niya kasi ako na may dalang chocolates, teddy bear, bulaklak o kaya naman sumusulat ng love letters. Sinasabi niya 'yan lagi.

"Chill lang pare, nagbibigay lang ako ng opinyon." Nakataas pa ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya.

"Paano ba namang hindi ako maiinis? E, ikaw 'tong makulit. Paulit ulit mo na lang 'yan sinasabi. Nagsasayang ka lang ng boses mong panget kasi 'di ko rin naman pinapakinggan diba?" Napabuntong hininga na lang siya. Ibig sabihin lang niyan ay talo siya sa akin. Hahaha!

"Oo na. Panalo ka na. Hayst! Kung hindi mo naman pala kaya maghanap ng iba, edi magpakilala ka na lang sa kanya." Natigilan naman ako sa pagsusulat.

"Oh ano? Sasabihin mo na naman bang Pare, 'di pa ako handa. Tsaka natatakot ako mareject, yan ang sinasabi mo sa tuwing sinasabi ko sayo na magpakita ka na sa kanya at alam mo ba? Simula first year high school pa 'yang linyahan mo noh!" E? Simula first year ko pa 'yun sinasabi? "Hay. Sige ganito na lang kapag hindi ka pa nagpapakilala kay Emi within twenty days magiging alalay kita ha."

"Ha?! Alalay? Utot mo!" Ano ako? Magiging alalay niya? Heh.

"Woah! So natuto na palang sumuko ang isang Alexander Lopez a.k.a THE heartthrob of THIS university?" Mapangasar niyang tanong. Napairap naman ako.

At nga pala kilala ako dito. Heartthrob daw ako rito pero 'di ako katulad ng iba na mayabang at syempre dahil heartthrob nga raw ako, halos lahat ng mga babae rito nagkakagusto raw sa akin.

Pero ewan ko na lang kay Emi at oo, 'di rin ako sumusuko sa mga pustahan pero in good things naman.

"Paano kung nagpakita ako sa kanya bago pa mag twenty days?" Tanong ko.

"'Yun naman oh! Sige ganito, kung magpapakita ka na sa kanya in just..." Pinutol ko na 'yung sasabihin niya kasi ang bagal niya magsalita. Psh.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon