11

524 55 2
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

8th Day of Agreement

E M I L I A

After that scene kahapon, naging mas maingat sila sa akin. Alam mo 'yun? Tsk. Parang naging overprotective sila sa akin?

Eto rin isa sa dahilan kaya ayaw kong sabihin sa kanila kasi kung umasta sila parang nanay at tatay ko lang. Tsk. Alam ko namang concern lang sila sa akin kaso ayoko 'yung ako lagi ang inaasikaso.

Syempre except si Andrea kasi matagal na naman niyang alam pero ngayon mas naging overprotective na siya hindi katulad ng dati. 'Di ko nga alam ang dahilan e.

"Emi, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Andrea.

Tumango na lang ako.

'Di ko siya sinusungitan ha? Sadyang busy lang ako. Gumagawa ako ng reports ko para sa Science tsaka kanina pa 'yan tanong ng tanong.

Nga pala nasa ha—. "Emi, wag magpapagod." Biglang sabi ni Neil.

Bwiset e. Tsk. Nagmumuni muni ako tapos guguluhin. Pati nga rin ang mga boys protective masyado pero uy walang malisya ha. Alam ko namang taken na sila e at ako rin. Hahaha!

"Opo, 'tay." Pagbibiro ko sa kanya.

Okay so nandito nga kami sa ha—. "Emi, gusto mo tulungan kita?" Biglang tanong sa akin ni Ella.

Hayst. Makaalis na nga lang dito.

"Wag na po. Sige po, pupunta lang po ako sa locker ko ah." Pagpapaalam ko.

Okay bibilisan ko na. Nasa hang-out place kami. Yes! Walang umepal. Hahaha!

"Gusto mo samahan ka namin?" Aba? Sasama pa. Eh kita mong tinatakasan ko kayo?

"Wag na po." Sagot ko.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses niya. "Emi, sasamahan na kita pwede ba?"

Makakatanggi pa ba ako? Eh siya na yung nagyaya eh. Landi ko talaga. Hahaha!

Nilingon ko siya at nginitian. "Ah s-sige."

Ngumiti naman siya nang pagkalaki laki at lumapit sa akin sabay belat sa barkada.

Hahaha! Poker face sila eh.

"Bakit si Alex oo agad?" Takang tanong ni Irene.

"Ang daya mo!" Sabi ni Drake.

"Yeah right!" Pagsangayon ni Blaire. 

"Ikaw Emi ha." Pangaasar ni Ella sa akin.

"Napakada—HOY! BUMALIK KAYO DITO!" Di niya natuloy ang sasabihin niya.

Eh paano naman kasi nagwalk-out na kami take note walk-out it means naglalakad lang. Bawal daw tumakbo sabi ng mga nanay at tatay ko eh.

Pumunta na kami sa locker ko at guess what? Nagbalik na ang secret admirer ko. Pero hindi pa rin siya nagpapakita.

And alam niyo ba kung ano ang nasa loob ng locker ko? PATAY NA PUSA! JOKE!

Hahaha! Syempre sapakin ko kaya yung admirer na yun pagnagkataon!


Okay eto na. Ang binigay niya sa akin ay ang favorite kong bulaklak.  Yellow Roses. May kasama pa itong teddy bear.

Kinuha ko ito at inamoy ko yung yellow roses. Hmmm ang bango!

"Kanino galing 'yan?" Tanong bigla sa akin ni Alex. Ay may kasama pala ako!

"Ewan baka eto 'yung matagal ko ng admirer." Sabi ko habang nakatingin pa din sa bulaklak ko.

Tumango na lang siya with matching ngiti pa! Shet. Wag kang ganyan Alex baka lalong mainlove ako sayo.

Kinuha ko na yung kukunin ko at dala dala ko yun pabalik sa hang-out place namin.

"Umalis lang may ganyan ka na?!" Tanong ni Gelo sa akin.

Tengene. Tsk. Ang lakas ng boses! Pinagtitinginan tuloy kami.

"Hoy! Wag ka nga sumigaw!" Pagsaway sa kanya ni Alex.

"Oh kanino naman galing yan?" Tanong ni Chris sa akin.

"I'm not sure pero siguro galing 'to dun sa matagal ko ng secret admirer." Sagot ko.

"Eh?!" Excited na sagot ni Andrea. Tumango na lang ako habang nakangiti.

Napansin kong tumingin siya kay Alex at ngumiti ng nakakaloko. Huh? I smell something fishy. Never mind. Tsk.

Nagkwentuhan na muna kami ng barkada hanggang sa may dumating na isang lalaking estudyante.

"Excuse me po. Pinapatawag po sina Emilia Valdez at Alexander Lopez sa Guidance Office." Nagtaka naman kami dun.

"Sige, susunod na lang kami dun." Ako na ang sumagot.

Tumango na lang yung estudyante at umalis. Bakit kaya kami pinapatawag? At may ginawa ba kaming kasalanan?

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon