21

433 46 2
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2012 by chureitonct.

•••

15th Day of Agreement

A N D R E A

Hayst. Wednesday na pala?

Alam niyo? Kanina pa ako kinakabahan kasi baka may gawin si Aubrey kay Emi. Eh dito na nga yun nag-aaral pero nasa Section B1 siya. Malayo layo sa section namin.

Math time nga pala namin ngayon nang biglang may nagtaas ng kamay. Teka? May tinatanong ba si Ma'm?

"Yes, Emi?" Bakit nagtaas ng kamay si Emi?

Tumayo ito. "May I go out?"

"Yes, you may." Tapos lumabas na si Emi.

Teka lumabas ba kamo? Ng walang kasama? Nako! Baka anuhin dun yun ni Aubrey pero imposible rin kasi may klase sila tsaka malayo yung classroom nila sa amin.

Inhale, exhale. Inhale, exhale.

Sana walang mangyari sa bestfriend ko.




E M I L I A

Hayst. Ihing ihi na ako kaya lumabas na ako at pumunta sa CR.

Nang makarating ako sa CR umihi agad ako sa isang cubicle. Then, pagkatapos syempre lumabas na ako dun at naghugas ng kamay.

Nagitla naman ako ng makarinig ako ng malakas na pagbagsak. Ano yun?

Pagkatingin ko sa pintuan ng CR nakasarado ito pero may tao sa loob at tatlo sila.

Teka sina Aubrey 'to ah? Palapit sila ng palapit.

"Well well.. What do we have here." Nakangising sabi ni Aubrey.

"Excuse me. Lalabas na ako." Dadaan na sana ako ng biglang may humila sa buhok ko.

Napatingin ako dun at yung isa niyang kasama ang may hawak ng buhok ko. Nakangiti pa ito.

"I'm Rose, by the way." Kinilabutan ako sa ngisi niya.

Pero teka ang sakit nang pagkahila niya ah.

"A-ah ang s-sakit!!" Sigaw ko.

Binitawan naman niya yun agad at hinawakan ang isa kong kamay at yung isa pa niyang kasama hinawakan din ang kabilang kamay ko.

"Kyla." Siguro name niya yon?

Pero ANO BA WALA AKONG PAKE KUNG MAGPAKILALA KAYO.

Ngumisi din siya. Napapasigaw na lang ako sa higpit ng hawak nila.

"Ano ba! Sabi nang bitiwan niyo ko eh! Masakit!" Sigaw ko pa din.

Kita kong dahan dahang lumapit sa akin si Aubrey while her arms are crossed. "Masakit? Mas masakit pa 'to!"

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang kamay niyang lumanding si pisngi ko.  Aray ah.

"That's for being ugly." Wth.

Sinampal naman niya ako ulit. "That's for replacing me in Alexander's heart."

Di pa ako nakakarecover pero sinampal niya ulit ako. "That's for loving him."

"And this is for everything." At malakas niya akong sinampal.

Pagkatapos nun binitawan na ako nina Rose at Kyla.

Napaluhod na lang ako. Ramdam kong itinaas ni Aubrey ang mukha ko sa paghila ng buhok ko pataas. "We're not done yet."

At sabay sila umalis. Sa pagalis nila, bigla na lang sumikip ang dibdib ko at unting unti akong di makahinga.

"AHHHH!!"

Ang sakit! Nasaan ba yung gamot ko?! Shit! Nasa bag ko nga pala!

Pinipilit kong makakuha ng hangin. Tumayo ako kahit nahihirapan ako at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan para makalanghap ng sariwang hangin but everything went black.



A N D R E A

Teka? Break time na ah? Bakit hanggang ngayon di pa rin yun bumabalik?

"Andrea, baka naman nauna na o kaya naman kasama na ng boys." Sabi ni Ella.

Baka nga. Sana nga.

Lumabas na kami sa classroom. Then, nakita namin ang boys na naghihintay sa amin sa labas pero wala pa rin si Emi.

"Oh nasaan si Emi?" Tanong sa amin ni Alex.

"Di niyo ba kasama?" Takang tanong ni Ella sa kanila.

"Hindi." Maigsing sagot ni Neil.

Bigla naman akong kinabahan. "Naki! Baka naano na yun ni Aubrey." Kinakabahang sabi ni Irene.

Ha? Aubrey? Lagot na!

"Tara sa CR baka nandun pa yun." Pagaya ko sa kanila.

Tumakbo naman kami agad papunta sa CR at pumasok kami agad except for the boys, syempre. Pero wala kaming nakita.

May lumabas sa isang cubicle kaya humarang ako sa kanila. "Ah Miss?"

"Ano po yun?" Tanong nito sa amin.

"May nakita ba kayong babae dito na nakajacket na blue?"

Napaisip naman ito bago tumango dahan dahan. "Ah opo. Nadatnan nga po namin siyang walang malay pero may tumulong naman na po sa kanya. Dinala po ata siya sa cinic."

Walang malay? Sabi na nga ba eh. Yung bruhildang yun kakalbuhin ko yun eh. Pero teka may tumulong?

"Kilala niyo ba kung sino yung tumulong?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi po pero lalaki po at new student lang din po siya dito at sabi po niya kaibigan daw po niya yung nahimatay."

Lalakeng kaibigan ni Emi? Wala naman akong kilala except sa Aeruminous Five.

Kahit naman nagtataka ako ay tumango na lang ako. "Ah sige, thank you." Tsaka kami lumabas sa CR.

"Oh nasaan si Emi? Nandun ba?" Hopeful na tanong ni Alex sa amin.

"Nasa clinic siya ngayon sabi nung— HOY!" Hindi na niya pinatapos si Ella at tumakbo na siya. Siguro pupunta dun yun sa clinic.




A L E X A N D E R

Pumasok na ako sa clinic at tinanong kay nurse liit kung nasaan si Emi. Tanda niyo pa siya? Yung unang pagkahimatay ni Emi? Hahaha! Ang epic nun eh!

"Ah Ate Mars, kay Emilia Valdez po." Sabi ko.

Oo nga pala, alam ko na ang pangalan niya Ate Mars ang name niya. Oh diba? Planeta. Hehehe.

"Ah nandun may kasama nga pala siya dun na lalaki, Alex."

May kasamang lalaki?

Pumunta agad ako sa room ni Emi at nakita kong si Emi kumakain at sinusubuan siya nung lalaking kasama niya at mukhang masaya pa sila.

Hindi ko kilala yung lalaki. Hindi siya pamilyar sa akin.

Napayuko na lang ako. Dati ako yung laging nandiyan para sa kanya kapag hinihimatay siya pero ngayon hindi ako.. kundi isang lalaking hindi ko kilala.

Locker Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon