Ngumiti ako dito at naalala ko nung niligtas ako ni Prince Night. Sadyang mabait sya kaso ewan ko ba kung bakit parang tinatago nya ito at wala syang pake kung katakutan sya ng iba .

'Kaya simula nun nagkagusto na ko kay Prince Night at ipinangako na maisasayaw ko ulit sya ' dagdag pa ni Kaera na buong buo ang diterminasyon .




'Need ko ng matulog Raven. Tomorrow is the day. Makikita ko sa malapitan si Prince Night my loves ' sabi nito at sabay tumalon papunta sa kama nya .

'Good night Raven '

'Good night rin Kaera ' sagot ko at ipinikit ang mga mata ko .

Yes tomorrow is the day . Makikita ko na naman malapitan si Prince Night .

Hay! Pede bang wag na dumating ang araw ng bukas??

***

'R-Raven tara na baka naghihintay na roon si Prince Night' hyper na yaya sakin ni Kaera .

Hindi ba nakakalabas ang guro namin ay hinihitak na nya ko palabas .

'Dahan dahan Kaera baka madapa tayo ' ani ko .

Dahil patakbo akong hinihitak ni Kaera papunta sa Garden of thorn .


'Ano ka ba Raven ba ka nandun na si Prince Night my loves ' sagot nito .

Napangiti naman ako dahil roon . Sobrang saya ni Kaera at halata sa mukha nya ito.

Sa tingin ko nakakabawi na ko sa kanya . Way ko narin ito ng pagpapasalamat .

Pagdating namin roon ay biglang nabato si Kaera . Nandun na nga si Prince Night .

Nasa lap nya yung itim na pusa na sa pagkakatanda ko ay si Dark . Nakatingala ito sa kalangitan .

Ako lang ba o nagliliwanag talaga sya katulad ng araw .

Ngyon ko lang nakitang sobrang liwag ni Prince Night . Ang payapa ng mukha nya at ngyon ko lang nakita ito .

'Pinch me Raven.......please, totoo ba ito nagliliwanag ba talaga si my loves ko ?' Ani ni Kaera .


Tumingin ako rito at umiling iling. 'Tara na Kaera '

Naglakad kami papunta sa kinaroroonan ni Prince Night . At sa tingin ko na pansin nya ng narito na kami .

'Prince Night s-sorry kung naghintay ka ' paghihingi ko ng tawad.

Ngunit parang wala itong balak sagutin ako . Tumingin lang ito kay Kaera na nasa tabi ko .

Tuloy si Kaera ay Biglang nahiya at namula ang mga pisngi nito .

'K-kaibigan ko sya ' ani ko .

Kala ko sasagutin nya ko kaso nagulat kami ni Kaera ng bigla nyang nilahad ang kamay nya sakin .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon