Binalik ko ang tingin ko sa aking baso at tinignan ang pagsisimulang magmoist ng baso dahil sa lamig galing sa tubig.

"Tanggap ko na pong ganito ang set-up naming dalawa ni Sean." sabi ko nalang. "Nasanay na rin po ako."

Ininom ko naman ang tubig. Wala akong itinirang patak.

"Sandra..." sabi nalang ni Manang dahil alam niya nang wala na siyang magagawa para magbago pa ang isipan ko.

Nilagay ko ang baso sa may sink bago ko siya nilingon ulit at ngumiti. "Sige po. Akyat na ko. Magpahinga na rin po kayo."

"Hindi ka man lang ba muna kakain?" pahabol niyang tanong akin bago ako tuluyang makalabas ng kusina.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi na po." sagot ko't hinayaan na niya akong lumabas ng kusina.

Every step that I'm taking in the stairs gets heavier and heavier habang papalapit ako ng papalapit sa pangalawang palapag ng bahay.

Pinakiramdaman ko muna ang loob ng kwarto mula sa labas. It's quiet. Imposible namang agad na siyang nakatulog.

Huminga ako ng malalim bago naglakas-loob na buksan na ang aming kwarto. Ang paglagaslas kaagad ng tubig muli sa banyo ang narinig ko. He's taking a shower.

Nothing surprised me. Parang gaya lang ng dati, nagkalat ang condom sa lapag na hindi niya pa nalilinis at ang kaniyang underwear at damit na nakakalat sa lapag.

Our bedsheet's also a mess. Parang pinangyarihan ng isang matinding gera ang kama. Nakalawlaw pa ang comforter sa may lapag kasama ng ibang unan.

I placed my bag on the coffee table inside our room. I tied my hair into a messy bun and rolled up my sleeves before I started to clean his mess like I always do.

I threw the dirty clothes in the laundry basket and the used condoms in the trash can.

Next, I folded the comforter and also put it in the laundry basket along with the dirty clothes. Hindi ko na pinalitan ang punda ng unan ngunit pinagpag ko ito. Mabuti nalang at wala masiyadong bakas sa sapin ng kama, lahat ay nasa comforter.

As soon as I'm done with the bed, I heard the bathroom door opened.

I immediately averted my gaze to him because of a reflex action, but I didn't look away. My eyes felt like it were glued to his half-naked body. Kitang-kita ko pa ang ibang butil ng tubig na kumikinang at naglalakbay sa bawat hiwa ng kaniyang abs.

"Quit staring at me." he rudely said when he noticed that I was staring at him.

I shook my head and looked away from him, nagkukunwaring inaayos-ayos pa ang pagkakalatag ng unan sa kama.

"May pupuntahan nga pala kami bukas nila Nikki. Baka mga midnight na ko makauwi." pagpapaalam ko sa kaniya habang abala sa pag-aayos.

"So?" he quickly reacted. "Why'd you have to tell me?" he asked like it's not an important thing.

"Hmm... Nagpapaalam lang ako para malaman mo na gagabihin ako bukas at kung nasaan ako." I tried to explain my side.

Paminsan-minsan kasi'y tumatawag ang magulang naming dalawa dito sa bahay upang kamustahin ang kalagayan naming dalawa. He should know about my whereabouts lalo na't gagabihin talaga ako ng todo. Nikki won't let me leave earlier than ten or eleven.

"Okay then." sabi nalang niya't umupo sa kama.

"Magsho-shower lang ako--"

"Cut it out." he cut me off. "I don't care kung saan ka pupunta or pumunta. You don't have to tell everything that you'll do. It doesn't even matter to me. Gawin mo ang kung ano ang gusto mong gawin. I don't care. I just really don't."

Napayuko naman ako at kinagat ang aking ibabang labi. "O-Okay." sabi ko nalang.

Nagmadali akong pumasok sa banyo at saka binuksan agad ang shower. Hinayaan ko lang ang pagdaloy ng tubig sa aking mukha at katawan kasabay ng pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi.

I know that I have to accept these consequences. I'm the one who chose this! Ito ang kapalit ng kagustuhan ko. I was fine with it at first but right now, hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ko. I love him so much but I also have my limits. Hirap na hirap na akong pagdikit-dikitin ang puso kong paulit-ulit na nababasag. Nakakapagod na.

But what can I do, right?

I love Sean Jacob Sarmiento, the man of my dreams...

And I'm his secret wife, Cassandra Talavera or should I say, Cassandra Talavera-Sarmiento.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon