MFALC Chapter 22: Temptation

Start from the beginning
                                    

Nasa malalim na pag-iisip si Tyron nang biglang marinig niyang bumukas ang pintuan ng banyo. Mabilis niyang binalingan ito at nanlaki ang mga mata, nang makita si Cassie na suot-suot ang kanyang puting long sleeves.

Kitang-kita ng mga mata ni Tyron ang hubog ng katawan ng dalaga, alam niyang wala itong suot na kahit anumang saplot sa ilalim ng puting damit na iyon kaya napasambit na lang siya nang,


"Wear your own clothes, Cassie. We need to talk." nangangalit ang mga ngipin na anas nito na halatang nagpipigil lang ng kanyang galit.

"What if I don't want to?" mapang-asar na wika nito saka sumandal sa pintuan ng banyo.

Nakita pa ni Tyron na itinaas ng dalaga ang kanang kamay nito para idantay sa pintuan, kaya't sumilay sa binata ang makinis nitong mga hita. Mabilis namang umiwas ng tingin si Tyron dito bago humarap sa balcony.

"Then I will surely drag you out of this room without wearing any clothes." matigas na anas ng binata bago napahilot ng kanyang sentido.

"Hahaha!" nakakainsultong halakhak naman ang pinakawalan ni Cassie sabay sabing. "Are you sure about that Tyty? You know I love to be naked, especially in front of you." mapang-akit na turan ng dalaga bago nahiga sa kama.

Nilingon naman ito ni Tyron at nagulat siya dahil isa-isa nang binubuksan ni Cassie ang butones ng suot nitong puting sleeve. Mapang-akit ang mga matang nakatitig lang ito sa binata habang kagat-kagat pa ang kanyang ibabang labi.

Ang mapang-akit na tingin na iyon ni Cassie, ang isa sa katangian na meron ang dalaga. Kaya nitong dalahin ang sino man sa ibang dimensyon, na s'yang nakakapag-pabaliw sa katinuan at buong sistema ng kalalakihan.

Aaminin ni Tyron na nadadala na siya sa kanyang nasisilayan, ngunit segundo lang ang lumipas nang rumehistro ang imahe ng kanyang asawang si Amara at ang matamis na ngiti nito, na para kay Tyron ay nakakapag-paalis ng kanyang kalungkutan at nagbibigay ng positibong pananaw sa kanyang buhay.

"Stop what you're doing, Cassie!" bulyaw niya rito saka nagmadaling naglakad papunta sa pintuan. "I'm not insane, so you better leave now." saad ng binata nang buksan nito ang pintuan.

Natigilan naman ang dalaga sa kanyang ginagawa saka tumayo sa kanyang pagkakahiga. Nanlilisik ang mga mata na tumingin ito kay Tyron at segundo lang ang lumipas nang sarkastikong ngumiti ito.

"Fine..." tanging saad ng dalaga saka itinuloy ang pagtanggal ng natitirang butones. Mabilis hinubad ni Cassie ang white sleeve ni Tyron na bumagsak lang sa sahig. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa binata habang mapang-akit na nakatingin sa mga mata nito.

Diretso't seryosong nakatingin lang din si Tyron sa mga mata ni Cassie, na pilit ipinapakita na hindi siya apektado sa hubad at kurbado nitong pangangatawan.

Ilang hakbang pa ang ginawa ni Cassie nang mabilis nitong nahablot ang batok ng binata. Mabilis napaglapat ng dalaga ang kanilang mga labi, maagap niyang isinara ang pintuan bago isinandal si Tyron doon. Pilit kinukuha ni Cassie ang kanang kamay ni Tyron para alalayan ito papunta sa pagitan ng kanyang mga hita.

Ngunit di hamak na mas malakas si Tyron kaya't mabilis nitong naitulak ang dalaga, "What the hell Cassie! Ganyan ka na ba ka-desperada ngayon?!" singhal nito sa dalaga.

"I don't f*cking care, Tyty!" bulyaw nito pabalik saka muling lumapit kay Tyron para halikan ito.

"Stop it Cassie!" pagpipigil ng binata saka hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Listen... I know you're smart enough to do this stupid things Cassie, hindi mo kailangang gawin 'to." pangaral ni Tyron.

"No! You're all that I need Tyron, ikaw lang ang gusto ko!" naluluhang sambit ng dalaga saka napayuko sa sobrang kahihiyan.

Naawa naman si Tyron dito kaya maagap niyang niyakap ang dalaga, "Cass, hindi na tayo pwede. Mahal ko si Amara at hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanya." pag-aalo niya rito habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

Nang marinig iyon ni Cassie ay buong pwersa niyang itinulak si Tyron sabay sabing, "No! You're mine Tyty! You're mine..." humahagulgol na usal nito bago mabilis na binuksan ang pintuan.

"Cassie wait!" pagpipgil ng binata kaya mabilis itong nilingon ng dalaga. "Suotin mo ito." nag-aalalang usal ni Tyron saka iniabot ang puting sleeve na suot kanina ng dalaga.

Mabilis naman itong hinablot ng dalaga sabay sabing, "We're not done yet Tyron, this is just only the beggining. I will make your family suffer!" naglilisik ang mga matang pagbabanta nito saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Naiwan namang tulala si Tyron sa kanyang mga narinig mula sa dalaga. Tinanaw na lang niya ito na tumatakbo papalayo at nang akmang papasok na ito sa loob ng elevator, ay muli siyang tinapunan ng matatalim na tingin ni Cassie bago tuluyang pumasok sa loob ng lift.

Biglang kumabog ng husto ang dibdib ni Tyron ng mga sandaling iyon. Nakaramdam siya ng takot para sa kapakanan ng kanyang pamilya, dahil sa pagbabantang iyon ni Cassie.

Nagmamadaling hinagilap ni Tyron ang kanyang telepono bago sinubukang tawagang muli ang kanyang asawa, "Babe, please pick it up." nag-aalalang sambit niya sa hangin, ngunit patuloy pa rin sa pa-ignora ng kanyang mga tawag si Amara.

"F*ck!" bulyaw niya sa hangin bago napahilot ng kanyang sintido.

Sinubukan na ring tawagan ni Tyron ang kanyang mga anak, ngunit nakapatay ang mga telepono ng mga ito. Nang tawagan naman niya ang Three Ty's Pastelerya ay nasabi ni Jackie na hindi raw pumasok si Amara ngayong araw.

Bagsak ang mga balikat na napaupo na lang si Tyron sa kama, bago napahilamos ng kanyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Iniisip niya kung paano niya makakausap si Amara para mabalaan ito tungkol kay Cassie.

"Bahala na." aniya bago nag-impake ng kanyang mga gamit. Mas inisip ni Tyron ang kapakanan ng kanyang pamilya kesa sa meeting na kanyang pakay sa Cebu.

Mabilis natapos si Tyron sa kanyang pag-aayos at mabilis tinungo ang lobby para mag-checkout. Hindi na nagawang maligo ni Tyron, dahil para sa kanya ay mas importante ang makita niya ang kanyang pamilya na nasa maayos at ligtas na kalagayan.

Isa pa sa isipin ni Tyron ay kung paano niya ipapaliwanag kay Amara, na walang namagitan sa kanila ni Cassie ng gabing iyon at pawang kasinungalingan lang ang kanyang mga narinig mula sa dalaga.



*****

Updated! 😂😂😂

Sorry na, kagabi pa sana ito kaya lang busy ang lola niyo.

Anyways highways, sa mga hindi pa po nakaka-join sa FB Group, sali na kayo.
Just Search: THELABSSQUADWP

Palike na rin po ng page ko:
Everjoy Condes #anaknikikodora
@EverjoyCondes.anaknikikodora

D'yan ko ipopost 'yung mga FB Version ng stories ko.

Oh siya! Kitakits mga labs! ❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

My First and Last Crush ✔️Where stories live. Discover now