MFALC Chapter 22: Temptation

13.7K 451 34
                                    

Chapter 22


Nagising si Tyron nang tumama ang sikat ng araw diretso sa kanyang mukha. Mabilis niyang inilibot ang kanyang paningin para hagilapin ang kanyang telepono.

Nakita naman niya agad ito na nakapatong sa night stand, kaya't mumukat-mukat niya itong kinuna para tingnan ang oras. Ngunit nang binuksan ng binata ang kanyang telepono, ay napamulagat ito sa kanyang mga nabasa.


From: My pretty Babe ❤️

Tyron, bakit kayo magkasama ni Cassie?! Answer me!


"What?!" gulat na usal nito bago tumayo sa kanyang pagkakahiga. Nagpatuloy pa si Tyron sa pagbabasa ng mga mensahe sa kanya ni Amara dahil sa pag-aalala.


From: My pretty Babe ❤️

Kasama na naman ba ito sa mga kalokohan mo? Ano bang ginawa kong kasalanan sayo Tyron, bakit paulit-ulit mo akong sinasaktan?

From: My pretty Babe ❤️

Akala ko ba meeting ang ipinunta mo d'yan? Talagang gumawa ka pa ng paraan para makapag-solo kayo ng babaeng yan!

From: My pretty Babe ❤️

D*mn you Tyron! Sumagot ka! Kung hindi lalayasan ka namin ng mga bata!

From: My pretty Babe ❤️

Sagutin mo ang tawag Tyron! D*mn it!


Iilan lang iyon sa mga nabasa ni Tyron mula sa kanyang asawa. Mabilis niyang ibinaba ang telepono sa kama, bago napasuklay ng kanyang buhok pataas gamit ang kanyang mga kamay.

"What happened? Bakit wala akong maalala?" inis niyang anas sa hangin habang pilit iniisip kung anong kaganapan ang nangyari kagabi.

Inalala niyang mabuti ang bawat detalye simula nang huli silang magka-usap ni Cassie sa CoffeeShop, bukod pa roon ay wala na siyang matandaan na nakasama pa niya ito pagkatapos nila roon.

"Argh!" galit niyang usal sa hangin bago kinuhang muli ang kanyang telepono para tawagan si Amara.

Ilang beses pa niyang sinubukang tawagan ito, ngunit hindi sumasagot ang dalaga, "Babe, pick up your phone, please." balisang saad ni Tyron habang ang isang kamay ay nakasabunot pa rin sa kanyang buhok.

Ilang minuto pang tinatawagan ito ni Tyron bago napagpasyahang bumangon na sa kanyang pagkakahiga. Mabilis tinungo ng binata ang banyo para makaligo. Mamayang alas diyes kasi ng umaga nakatalaga, ang susunod nilang schedule para sa pangalawang araw ng conference.

Ngunit nang buksan niya ang pintuan ng banyo ay bumungad sa kanya ang hubad na katawan si Cassie. Nakita niyang abala ito sa pagsho-shower kaya napatulala na lang si Tyron sa kanyang nasisilayan.

"Would you like to join me, Sweetie." malanding turan nito na nakapagpabalik sa katinuan ng binata.

"What the f*ck are you doing here, Cassie?!" bulyaw niya rito at mabilis na nilisan ang banyo.

Nagpabalik-balik sa paglalakad si Tyron sa pintuan ng balcony, dahil sa pag-aalala kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila kagabi ng dalaga.

Nakita naman niya na suot pa rin niya ang itim na slacks na gamit niya kahapon, ang tanging naiba lang ay ang puting long sleeves na suot niya at hindi na niya mahagilap kung nasaan ito.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon