MFALC Chapter 14: Strawberry Alert

17.6K 601 68
                                    

Chapter 14


Matapos ang mainit na eksena ng mag-asawang Tyron at Amara, ay mabilis nagbihis ang mga ito para ipaghanda ng agahan ang kanilang mga anak.

"Ano ka ba Babe, kakaligo lang natin eh." natatawang saad ni Amara dahil sa kakulitan ni Tyron. Pilit nitong nilalagyan ng chocolate syrup ang kanyang pisngi habang abala sila sa paghahanda ng pancake ng mga bata.

"I didn't do anything." pagkukunwaring turan ng binata, na animo'y isang mabait na tupang walang bahid kasalanan.

"Tsss..." napapailing na lang si Amara sa kakulitan nito at nang mahawakan niya ang isang piraso ng pancake ay mabilis niya itong nilagyan ng strawberry syrup bago nilantakan. "Hmmm... Ang sarap." masayang saad ng dalaga habang patuloy sa paglasap ng kanyang kinakain.

Nang balingan naman ni Amara ang kanyang asawa ay nakakunot noo lang itong nakatingin sa kanya, na parang sinusuri ang bawat galaw na kanyang ginagawa.

Mabilis namang nginuya ni Amara ang pagkain sa kanyang bibig bago ito nagsalita, "Why are you staring at me like that, Babe?" nagtatakang tanong niya rito bago uminom ng tubig.

"B-babe... Since when did you like strawberry syrup?"

Natigilan naman si Amara sa pagsimsim ng kanyang inumin nang marinig ang sinabi ni Tyron. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na baso, bago binalingan ang kanyang plato na may lamang pancake with strawberry syrup.

Kahit kailan ay hindi nahiligan ni Amara ang pagkain ng strawberry. Hindi naman sa pagiging pilian at maarte, ngunit hindi gusto't hindi rin nakasanayan ng kanyang panlasa ang lasa ng nasabing prutas.

Unti-unting binuklat ng dalaga ang mga pancake na may strawberry syrup sa kanyang harapan, ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong sobrang dami pala nang nailagay niya rito. Marahan niyang nilingon si Tyron habang ang mga mata ay parang nagtatanong kung bakit niya kinakain ito.

"Babe, what's wrong?" pagtatanong nito bago hinaplos ang kanyang likuran.

Hindi na naman sumagot pa si Amara at nagmamadaling umalis sa kusina upang dumiretso sa kanilang silid.

"Babe!" rinig niyang tawag ni Tyron ngunit hindi na ito binigyang pansin pa ng dalaga.

Mabilis niyang ikinandado ang seradura ng pinto bago sumandal dito. Habol ang hiningang napahawak na lang siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng palo nito sa sobrang kaba.

"Is it possible that I'm..." hindi na naituloy ni Amara ang kanyang sasabihin nang mapagtanto ang kanyang naisambit. "I'm pregnant?!" namimilog ang mga matang anas nito sa hangin bago napatuptop ng kanyang bibig.

Sandali pang nag-isip si Amara kung anong magiging reaksyon niya nang mga sandaling iyon. Ang ipinagtataka niya ay kung paano siya mabubuntis, ganoong umiinom siya ng Birth Control Pills, na siyang dahilan para hindi makabuo ng supling ang dalawang taong nagtatalik.

"P-papaanong mangyayari 'yon?" nagtatakang saad ng dalaga. "Amara kalma, baka nagbago lang ang eating habit mo kaya biglang nagustuhan mo ang lasa ng strawberry." pangkukumbinsi pa nito sa kanyang sarili.

"Haaayyy... There's only one way to find out." tanging sambit niya bago tinungo ang kanilang banyo.

Maagap na hinagilap ni Amara ang kanilang kabinet para kumuha ng pregnancy kit doon. Nagmamadaling sinunod niya ang mga nakalathalang paggamit nito bago naupo sa gilid ng bathtub.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon