MFALC Chapter 2: Ang Babaeng "Suman"

24.9K 770 72
                                    

Chapter 2


AMARA's POV:

Habang nagda-drive ako, naisipan namin ng mga bata na i-suprise ang daddy nila sa office nito, para sabay-sabay kaming kumain ng lunch.

"Let's go kids." ani ko sa aking mga anak saka pinatay ang makina ng aking sasakyan.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit, bigla ko narinig si Reese na sumigaw, "Eeewww... You're so gross Tyler, bakit ka ba umutot!" rinig kong sigaw nito sa likod ng sasakyan. Kaya mabilis ko silang tiningnan sa rear view mirror.

"As if naman na mapigilan ko 'yon, Reese chocolate peanut ka talaga!" sarkastikong saad ni Tyler dito, kaya mabilis akong pumagitan sa dalawa bago pa sila mag-talo.

"Tyler! Watch your manners little guy. Ate mo pa rin 'yang kausap mo." maotoridad kong sambit dito, pero kilala ko ang anak kong lalaki, sasagot at sasagot ito dahil magaling mangatwiran ang isang ito. Nagmana ata sa akin, magaling mangatwiran lalo na kapag ginusto ko.

"Naynay, siya naman po nag-umpisa." inis na maktol pa nito.

"Why me? Ako ba 'yung umutot sa loob ng car? Jeez!" maarteng saad ni Reese sa kanyang kapatid, na kahit kinse anyos na ito ay hindi pa rin nawawala sa anak ko ang pagka-maarte.

"Mga anak tama na please, sumasakit ang ulo ko sa inyo." iritable kong saad sa mga ito saka napailing na lumabas ng kotse.

Minsan hindi ko macontrol ang temper ko when it comes to my kids. Hindi naman sa napipikon ako sa mga bangayan ng dalawa, pero kapag ganitong mga bagay hindi ko na talaga sila macontrol.

Hindi gaya sa Daddy nilang si Tyron, isang sabi't pangaral lang nito sa mga bata ay titigil na agad sina Tyreese at Tyler sa pagbabangayan. Haaaayyyy...

Habang naglalakad kami sa lobby ng company ni Babe, maraming mga employee's doon ang bumabati sa amin. Dahil bukod sa asawa ko, ay kilala rin dito ang buong pamilya namin, dahil nga obviously kami ang may-ari ng kumpanyang ito.

"Good Afternoon po Maam Amara." bati sa akin ni George, isa sa elevator man nang Anderson's Land Corporation.

Nakangiting tinanguan ko lang ito saka kami pumasok ng elevator ng mga bata kasama si Mia. Nasa pinakatuktok nang Anderson's Tower ang opisina ng asawa ko.

Bukod kasi sa opisina, ay tumatayong semi-pad na rin niya ito. Ipinaayos namin ang buong floor nito para kapag sobrang busy niya sa work ay hindi na niya kakailanganing umuwi pa sa bahay, dahil may kwarto na siyang pwedeng tulugan at the same time opisina niya pa.

Ting!

Nang marinig namin ang tunog ng elevator, madali kaming lumabas ng lift at dumiretso na sa opisina ni Tyron. Pero pagpasok na pagpasok palang namin sa glass door nito ay may humarang na sa aming matangkad na babae.

Mabilis kong sinipat ang itsura nito mula ulo hanggang paa, nakasuot ito ng isang black high waisted pencil skirt and white crop top, na halos lumantad na ang hubog ng kanyang dibdib dahil sa sobrang hapit nito.

Napataas ang kilay ko nang mapadako ang paningin ko sa heels niya, Aba five inches pumps for what? Sino ba ang babaeng 'to at hahara-hara sa dadaanan namin, hindi niya ba ako kilala?

Napabalik na lang ako sa realidad nang marinig kong tumikhim ito, "Ehem... Maam hindi ho kayo pwedeng basta-bastang pumasok dito." maarteng saad nito sa akin na nakapagpakulo ng husto ng dugo.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon