- nine

1.6K 81 13
                                    

Chapter Nine: Unexpected Job.

----------------------------------------

BAEKHYUN



"Baekhyun....ang itay mo..." Nawala ang excitement at ngiti sa mga labi ko nang marinig ko si Inay na umiiyak mula sa kabilang linya.


"B-bakit inay? A-anong nangyari?" Kinakabahan at naiiyak kong sabi. Narinig kong napabuntong hininga si Inay sa kabilang linya at hindi ko mapigilang hindi maiyak.


"N-nasa ospital a-ang itay mo...ayaw ko sanang ipaalam ito pero, wala akong maipapambayad sa ospital bill na narito. Anak, tumigil sa pagsasaka ang itay mo pero ginawa niya lahat para makapagtanim at ani ng palay, wala siyang pahinga at hindi ko mapigilan, hanggang sa..." Napatigil sa pagsasalita si Inay dahil sa sobrang iyak. napa upo ako sa upuan ng waiting shed at walang paki sa mga taong nakatingin sakin.


"Bigla siyang natumba at nawalan ng malay...kailangan daw operahan ang spinal cord ng tatay mo para makalakad muli. Sa ngayon, hindi makakalakad ang itay mo at malapit na maging baldado. Baekhyun, hindi ko na alam gagawin ko anak.." Napabuntong hininga ako at pinunasan ang aking sariling luha.

"Hayaan niyo inay, maghahanap ako ng trabraho dito at gagawa ako ng paraan para makapagpadala ako dyan." Pinipilit kong hindi umiyak ng malakas at pilit na ngumingiti.


Natapos ang tawag. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hanggang sa dumating na ang pangalawang bus at sumakay ako pauwi.



"B-BAEKHYUN!" Sinalubong agad ako ng Jongdae. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakaniya. Ang daming nangyari sa araw na to, parang hindi ko kayang magopen sa isang tao.


"Pumasok kana Jongdae." Pagod na sabi ko at napansin kong nakatingin siya sakin. "Mauna kana, hindi muna ako papasok ngayon masakit yung pakirandam ko." Dagdag kong sabi. Napaupo si Jongdae sa tabi ko.

"Kung hindi ka papasok, hindi rin ako papasok. May sakit bestfriend ko, nasasaktan ako pag nasasaktan o may sakit siya." Napatingin ako kay Jongdae at bahagyang napangiti. Sobrang seryoso niya. "Maraming Salamat pero, Jongdae bawal kang umabsent ngayon. Nasayo yung pinapagawang report ng principal at nang buong klase." Ani ko at nanlaki yung mga mata niya.



"Oh siya, Pumasok kana." Ani ko at napatingin nanaman siya sakin. "Baekhyun, maaga akong uuwi ha? Wag kang aalis dito." Bilin niya at napatango ako. "Oo na, sige na. Ingat ka." Ani ko.


Makalipas ang ilang segundo, nakaalis na rin si Jongdae at agad akong naligo, nag ayos at pupunta ako sa main office ni Mr.Park.





----------------------------------------



THIRD PERSON'S VIEW




"NO DAD!" Umaalingaw-ngaw ang boses ni Sehun sa buong bahay nila dahil sa sinabi ng kanyang ama.


"YES! YOU NEED A TUTOR! LISTEN, SEHUN. IF YOUR ALL GRADES WILL BE FAILED THIS SEMESTER, MAY KALALAGYAN KA SAKIN." Matigas na sambit ng tatay ni Sehun at sasagot pa sana siya pero wala na siyang nagawa dahil pumasok na ito sa sariling silid.



Halos gustong manapak ni Sehun dahil sa sitwasyon na kinakaharap niya ngayon. Napatingin siya sa main door at nakita niya ang kanyang pinakamamahal na Kuya.



"Chanyeol hyung!?" Agad na tumayo si Sehun at sinalubong si Chanyeol.

"WHERE DID YOU GO?! I CALL YOU MANY TIMES BUT YOU WONT RESPOND!" Sigaw ni Sehun at napapikit si Chanyeol at napabuntong hininga. "Have you seen Baekhyun yesterday night?" Tanong ni Sehun at biglang napakunot ang noo ni Chanyeol.




"N-no. I hate him, right?" Napatango naman ng bahagya si Sehun. "So. Why are you shouting?" Pagiiba ng topic ni Chanyeol. "Argh, that old man." Napatango si Chanyeol.


"He wants me to study hard." Napairap si Sehun. "He also hired some tutor for me." Bwisit na dagdag ni Sehun. Napangisi si Chanyeol at napatayo.


"You really need to study hard kid, entrance exam is coming soon." Ani ni Chanyeol at nagtungo sa hagdan para pumunta sa sariling kwarto ng biglang nagsalita ulit si Sehun.


"Hyung, where did you sleep?" Tanong ni Sehun. Nagulat si Chanyeol sa tanong ni Sehun. Hindi niya pwede sabihin yung tungkol sa condo.


"Hmmm...s-sa hotel. Hindi ko na kaya magdrive so, I stop by." Sagot ni Chanyeol at napatango si Sehun. "Okay." Sagot ni Sehun at tuluyang umakyat si Chanyeol sa sariling kwarto.



Lumipas ang oras. Nagambala si Sehun at Chanyeol dahil sa pinapatawag daw sila ng kanilang tatay. Dumaretcho na sila sa mini office ng tatay nila at doon sila nagusap.



"I'm leaving this house, for good and ibibigay ko sayo Chanyeol. Ikaw ang panganay and I think you both can stand from your own feet. You both grown enough." Daretchong sabi ng tatay nila at napakunot ang noo ni Chanyeol at tahimik lang si Sehun.


"Why?" Tanong ni Chanyeol.


"Because I want you both to know how to stand from your own feet." Sabi ng tatay nila. "I'm also a busy person and have a work to do. Your credit cards is disabled for now." Napatayo agad si Sehun.



"DAD WHY DID YOU DO THAT!" Sigaw ni Sehun at hinila naman siya ni Chanyeol paupo.


"Magtipid kayo. Know how to budget the money." Seryosong sabi ng tatay nila at pikit lang sa inis si Sehun. "500,000 every month. Balance it." Napatango si Chanyeol at sumang-ayon. Nagulat si Sehun.


"Hyung how dare you to agree?!"


Napangisi ng patago si Chanyeol. May isa pa siyang credit card na naglalaman ng iniipon niyang pera. Hindi alam ng tatay niya o ni Sehun yung dahil dun.




"I'm leaving tonight." Tumayo na yung tatay nila Sehun at gusto pa sanang habulin ni Sehun dahil sa credit card pero pinigilan siya ni Chanyeol.



"My brother, mag tipid ka na lang." Pangasar na sabi ni Chanyeol at lumabas na rin at dumaretcho sa sariling kwarto.





----------------------------------------




"Ano po iyon? Private Tutor?" Tanong ni Baekhyun kay Yixing.



"Hmm oo, ayun ang kailangan ni President Park para sa anak niya. Don't worry. 100k a day, free foods, pati bahay. You can stay sa mansion." Paliwanag ni Yixing. At napabilang si Baekhyun sa utak.


100 thousand, free foods, free shelter, wow?


"Magtututor lang naman po, diba?" Tanong ni Baekhyun at tumango si Yixing.



"Yes."








"Sige po, Secretary Zhang. Tatangapin ko po."

hyung • chanbaekhunWhere stories live. Discover now