- six

1.7K 89 60
                                    

Chapter Six: Puppy Pig

----------------------------------------

THIRD PERSON'S VIEW


"I like Baekhyun."


Biglang nasamid sa pagkakainom ng softdrinks si Kyungsoo sa narinig mula kay Sehun. Agad namang napaiwas si Baekhyun ng tingin kay Sehun.


"Nice One!" Ani ni Jongin at nakipag-apir kay Sehun.


"HOI PARK SEHUN, TUMIGIL TIGIL KA! WAG SI BAEKHYUN HA?! KABAGO BAGO NIYA DITO!" Bulyaw ni Kyungsoo at nanatiling nanahimik si Baekhyun. Napangisi naman si Sehun at napatingin kay Baekhyun.



"Do you think I'm just playing around? I'm serious, I like him." Sabi ni Sehun at napatayo si Kyungsoo at hinila ang kamay ni Baekhyun patayo.


"Baek, Halika na. Dangerous species yang si Sehun." Ani ni Kyungsoo at nagreact naman agad si Jongin.


"Grabe ka naman maka-dangerous, ikaw tong dangerous eh! Kausapin lang kita nanghahampas kana, Hayaan mo nga si Baekhyun sa tabi ni Sehun," ani ni Jongin at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. "Umupo ka na lang dito, dadating na yung order." Nakangiting dagdag ni Jongin.

Nagkatinginan si Baekhyun at Kyungsoo. "Pabayaan muna natin, Kyung. Sayang naman yung seafoods...ngayon lang ako makakakain nun." Nakangusong sabi ni Baekhyun kaya walang nagawa si Kyungsoo kundi umupo sa tabi ni Jongin.



Hindi alam ni Baekhyun at Kyungsoo, nakaplano na pala ang lahat.



"Eto na po yung pagkain niyo, Master Sehun." Dumating yung nerd na may dala-dalang kart at iniserve kay Sehun at kay Baekhyun ganoon rin kay Kyungsoo at Jongin.


"Very good ka ngayon ha? Sige bumalik ka na sa upuan mo." Ani ni Jongin at nagbow pa yung nerd bago umalis.



Takam na takam na nakatitig si Baekhyun sa Seafoods na nasa harapan niya. May lobster, crabs, lahat ng seafoods meron. Halos mapuno yung mesa nila dahil sa inorder ni Sehun.


"Eat well, Baekhyun." Nakangiting sabi ni Sehun at agad na sinunggaban ni Baekhyun yung seafoods na nasa harapan niya. Nagulat si Kyungsoo sa pinakitang pagkain ni Baekhyun. Hindi ito gumamit ng Kutchara o Tinidor, o miski Chopstick.



Kinamay lang ito ni Baekhyun at kumain na parang gutom na gutom, actually. Gutom talaga siya dahil biscuit lang ang kinain niya mula kanina dahil sa pagtitipid ng budget.



Hindi alam ni Kyungsoo. Nagkatinginan na pala si Jongin at Sehun. Kaya umacting na parang nasasamid si Jongin dahilan na napatingin sakaniya si Kyungsoo.



"AHCK! W-WATER!" Tumayo agad si Jongin at hinila si Kyungsoo. "Samahan mo ko!" Nahihirapang sabi ni Jongin at napataas ang kilay ni Kyungsoo. "Ano ako? Katulong mo?! Kung nahihirinan ka edi mamatay ka dyan!" Mataray na sabi ni Kyungsoo pero napatingin si Kyungsoo sa gilid at nakita niya yung Dean.



Isa siyang top student, dapat with good manners.


"Kyungsoo, Please!" Sabi ni Jongin at may matching ubo ubo pa at pakapit kapit sa dibdib. Napatingin si Kyungsoo kay Baekhyun. "Baek sandali lang ha? Wag kang aalis dito." Tumango lang si Baekhyun habang busy sa paglamon.




Naiwan sa mesa si Sehun at Baekhyun. Nakangiting nakatingin si Sehun kay Baekhyun habang pinagmamasdan ito kumain.



"Aigoo, piggy eater." Kumuha ng tissue si Sehun at hinawi ang muka ni Baekhyun para punasan ang sauce sa bibig nito. Nilapit pa ng mabuti ni Sehun ang muka sa muka ni Baekhyun.



hyung • chanbaekhunWhere stories live. Discover now