"Pero, Jarenze, kawawa naman siya. Tingnan mo nga at marami pa siyang dalang mga pasalubong ko sa inyo ni tita." Sabi ko ngunit masama pa rin ang tingin niya kay Kyle. 

"Oo nga naman. Kawawa naman ako." Malungkot na sabi ni Kyle.

"Fine! Pasok kayo." Sabi ni Jarenze at nilakihan ang pagbukas ng pinto. Umupo ako sa mahabang sofa habang si Kyle naman ay inilagay sa sahig ang mga dala niya.

"Anak, Abby." Napatingin ako kay tita nang lumabas siya mula sa kusina. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Kumusta ka roon?" Tanong niya.

"Okay lang naman po, tita. Hindi lang ako pinayagan ni Harvey na magtrabaho na." Sagot ko.

"Hayaan mo na, Abby. Ayaw niya lang siguro na mapagod ka. Kaya ka naman niyang buhayin na." Nakangiting sabi ni tita.

"Tama po kayo, Aling Rose." Biglang sagot ni Kyle.

"Tumahimik ka nga r'yan. Hindi ka naman kinakausap." Masungit na sabi ni Jarenze. Ngumiti lang si Kyle na ikinaasar ni Jarenze.

"Teka lang at kukuha ako ng makakain natin sa kusina." Sabi ni Jarenze at pumunta na sa kusina at sumunod si tita. Kaya naiwan kami ni Kyle sa sala.

"Hoy, Kyle, umamin ka nga. Bakit galit sa 'yo si Jarenze?" Tanong ko. Napakamot naman siya ng ulo.

"Kasi po may kasalanan ako sa kanya." Sagot niya.

"Ano naman ang kasalanan mo?" Takang tanong ko.

"Kasi po hinalikan ko siya ng walang paalam." Nahihiya niyang sabi. Napalaki naman ang mga mata ko.

"What?" Gulat kong sabi. Ngunit hindi na nakasagot pa si Kyle nang dumating na si Jarenze dala-dala ang isang tray na may lamang pagkain at juice naman kay tita. Inilapag niya iyon sa lamesa at umupo sa tabi ko. Tiningnan ko naman si Kyle na iba ang tinitingnan.

"Salamat sa pagkain." Sabi niya at akmang kukuha na ng sandwich nang hampasin ni Jarenze ang kamay niya.

"Aray!" Sabi ni Kyle at hinawakan ang kamay niynbg hinampas ni Jarenze.

"Sinabi ko bang kukuha ka? Ang kapal ng mukha mo." Mataray na sabi ni Jarenze.

"Oo, makapal talaga ang mukha ko. Nahalikan nga kita e." Sagot ni Kyle at kumindat pa kay Jarenze. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa.

"Iyang bunganga mo talaga walang preno." Naiinis na sabi ni Jarenze.

"Joke lang." Nakangiting sabi ni Kyle.

Huminto lang sa pag-aaway ang dalawa nang tumunog ang selpon ko. Agad ko naman tiningnan kung sino iyon. Pangalan ni Harvey ang lumabas sa screen. Lumayo muna ako sa kanila at sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot ko.

"Where are you? Sabi ni Jenny ay wala ka raw sa bahay." Tanong niya.

"Nandito ako sa apartment ni Jarenze." Sagot ko.

"Sino ang kasama mo?" Tanong niya.

"Si Kyle." Sagot ko.

"Hintayin mo ako r'yan. Pupunta ako." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Huwag na. Nandito naman si Kyle. May kasama naman ako." Sagot ko.

"I'll be there in fifteen minutes, love." Sagot niya at tinapos na ang tawag. Ibinalik ko na ang selpon ko aa bulsa at agad na bumalik sa loob. Si tita at Kyle lang ang nag-uusap habang si Jarenze naman ay tahimik lang sa gilid.

Nag-uusap lang kaming apat habang binubuksan ni tita at ni Jarenze ang mga pasalubong ko sa kanila.

"Hindi ba magagalit si Harvey nito, Abby?" Tanong ni tita.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now