-Forty Nine-

6.7K 103 8
                                    

Twitter→ @zyanntrxWP ♡

-Forty Nine-
Real Prince

Nanlalaki ang mga matang napatingin si Nam sa buong paligid. Hindi sa kanya ang kwartong ito. Agad niyang tiningnan ang katawan niya. Wari'y nakahinga siya ng maluwag nang makitang suot-suot pa rin niya ang damit niya.

Pilit niyang inaalala ang lahat ng nangyari pero bigo siya. Daig pa niya ang nagka-amnesia. Parang gusto niyang iumpog ang sarili niya, 'ni hindi niya alam kung paano siya nakarating sa lugar na ito o kung sino ang nagdala sa kanya. Napahawak siya sa sintido niya nang bahagya siyang makaramdam ng hilo. Marahan niya itong hinilot.

"Ano ba kasing nangyari? Shit, Nam! Kailangan mong maalala."

Agad siyang tumayo at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Moderno ang disenyo nito, halos lahat ng kulay ay puti. Halata sa mga gamit na lalaki ang may-ari. Bahagya siyang napaisip. Sino ang maaaring magdala sa kanya dito? At bakit 'ni isa ay wala siyang maalala.

"Gising ka na pala Nam. Nakatulog ka ba ng maayos?" Napangiti ang binata nang makita niya ang babaeng mahal niya. Halata sa mukha ng dalaga ang gulat nang makita siya nito pero agad rin niyang binalewala iyon. Ang mahalaga sa kanya ay ang mapalapit sa dalaga. Hindi na siya papayag na iwan na naman siya ng babaeng mahal niya. Pagod na pagod na siyang maging talunan. Lahat gagawin niya para mapasakanya ang dalaga.

Tila bumalik ang lahat ng galit ni Nam nang makita ang lalaki sa harap niya. Tumalim ang tingin niya dito. Sa mundong pinaniniwalaan niya ngayon, wala na siyang tiwala sa lahat ng tao. Alam niya kasing lolokohin lang siya ng mga ito at iiwan sa huli.

"Bakit ako nandito?" Tinatatagan ni Nam ang boses niya. Ayaw niyang magpakita ng takot sa taong sinira ang tiwala niya. Ang tingin niya ngayon dito ay katulad ni Jarvis.

Isang taong hindi niya dapat pagkatiwalaan.

Agad umiwas si Nam nang hawakan siya ng binata. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit. Wari'y ang lahat ng dugo niya ay pumunta sa ulo niya. Gusto lang niya ngayon ay makaalis sa lugar na ito. Ayaw niyang makasama ang isang tulad nito.

"W-wala kang matandaan?" Bahagyang nasiyahan ang binata. Gusto niyang makasigurado.

Gusto niyang masigurado ang lahat. Ayaw niyang magkamali. Walang maalala ang babaeng mahal niya. Nakaramdam siya ng saya. Tumalab ang itinurok niyang gamot sa dalaga. Ito ang paraan niya para makuha ang loob ni Nam. Hindi na siya katulad ng dati na papanuorin lang ang pag-alis ng babaeng mahal niya.

Tumango si Nam bilang sagot. Bahagya niyang ikinalma ang sarili niya. Gusto rin niyang malaman ang nangyari bago siya napunta sa lugar na ito.

"Aksidenteng nakita ko kayo kagabi sa bar. Pilit kang ipinapasok ni Jarvis sa kotse niya. Umiiyak ka ng mga oras na iyon kaya hindi na ako nagdalawang-isip na suntukin si Jarvis. Nahimatay ka kaya dinala kita dito."

Napaawang ang labi ni Nam sa narinig. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya dito. Parang mas lalong tumindi ang galit niya kay Jarvis.

"Bakit naman ako maniniwala sa'yo?"

"Mahal kita Nam at wala akong dahilan para magsinungaling sa'yo."

Hindi namalayan ni Nam na nakalapit na pala sa kanya ang binata. Hinawakan siya nito sa braso pero agad rin niya itong inalis. Bahagya siyang dumistansya dito. Ang tanging gusto lang niya ay makauwi at makapagpahinga.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now