-Eighteen-

9.3K 150 16
                                    

-Eighteen-

Honeeey?!

Jarvis' Pov

"Ji, do you like Annoying Girl?"- diretsong tanong.

Actually ngayon ko lang ulit nakita si Ji na  may pakialam sa ibang tao pagkatapos ng break-up nila ni Ann. Alam ko naman ang pinagdadaanan nya, alam kong masakit yun. Kaya ngayon nagtataka ako at gusto kong makonpirma kung tama nga ang hula ko. 

"Ya'... But she's my

 

friend... O--only."- sagot ni Ji, napangiti naman ako. Interesado talaga ako sa Annoying Girl na yun, malakas ang loob nya kumpara sa mga babae dito sa campus.

She's one of a kind.

Lumabas na ako ng room, nami-miss ko na ding asarin si Annoying Girl.

Nam's Pov

Nakakainis kang Evil Gangster ka!! >_____< Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?

"Kayo na pala ni Papa Jarvis, 'di mo man lang sinasabi sakin."- napatingin ako sa bestfriend ko. P-pero teka bestfriend ko ba talaga 'to? Bakit 'di man lang nya ako dinadamayan? Bakit parang natutuwa pa 'to sa nangyayari?

"Hindi kami Hanna, wala kaming relasyon ng bantot na yun."- sagot ko sa kanya. Pero mukang hindi naniniwala si Hanna kahit sinabi kong hindi kami ni Evil Gangster.

"Eeh? E, ano yung picture na nasa Announcement board kanina? Ano yun drawing lang."- tanong nya.

Hindi ko alam ang isasagot sa tanong nya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako yung nasa picture kasi halatang halata dun na ako yun.

Waaaaaah! Ano gagawin ko?

"Kita muna girl wala kang maisagot. Bestfriend mo naman ako e, kaya sabihin muna yung totoong nangyari bago mapunta dyan sa kiss nyo na yan?"- tanong sakin ni Hanna.

"Hindi ko alam Hanna, hindi ko alam kung paano nangyari."- sagot ko

Kahit ako talaga hindi ko alam kung paano humantong sa ganon yun.  Bakit ba kasi ang pakialamera ko pa, yan tuloy napapala ko.

"O? Bat ganyan mukha mo Nam?"- napatingin ako kung saan nanggaling yung boses. Si Nem pala.

"Wala, Nem."- sabi ko nalang.

"Ah, Nem alam muna yung about sa pictur----"- agad kong tinakpan yung bibig ni Hanna. Aaarrgh! Nakakasura ang ingay talaga ng babaeng ito. Bakit ba di matigil bunganga ng babaeng 'to? Waaaaah! Sana di pa alam ni Nem. Sana di pa nya nakikita at wag na sana nyang makita.

"Ah, oo nga pala yung about dun kaya ako nag-punta dito, totoo ba yun Nam?"- nagpapalit-palit ang tingin nya saming dalawa ni Hanna.

Agad kong nasapo ang kamay ko. So alam na nya. Waaaaah~ ang bilis naman. Anong sasabihin ko? 'Bat kasi ako nagka-bestfriend na kasing ingay nitong si Hanna?

"Ah... Eh?"- waaaaah~ bakit wala akong maisip na pwedeng ipang-palusot, bakit ngayon pa kung kelan kailangan ko na. Hindi ko alam ang isasagot kay Nem, nakatingin lang sya sakin na parang tinitingnan kung totoo ba or hindi ang isasagot ko. Waaaaa~ para syang imbestigador. >_____<

"She's my girlfriend."- sabay-sabay kaming napalingon ng biglang may nagsalita.

Si Evil Gangster na naman.  Nakakaasar na talaga sya ha? Bakit nya ba 'to ginagawa?

"Anong girlfriend ka dyan?"- singhal ko sa kanya.

"Alam ko naman na gusto mo ako kaya nga sinasagot na kita e."

O________O

Lumaki ang mata ko sa sinabi nya. Naka-shabu ba 'to kung anu-ano na pinagsasabi.

Ano pating pinagsasabi nitong girlfriend? Eh ni hindi ko nga yang pinapangarap maging boyfriend ko. Never! As in  At ano daw sinasagot na nya ako? Wow! Ang kapal ng mukha ng evil gangster na to.

"Ano!? Kambal, ikaw nanligaw sa kanya?"- tanong ni Nem na halatang gulat na gulat rin.

Grabe super gandang joke naman nyan kung nagkataon. Ako? Manliligaw sa isang mabantot na tulad ni Evil Gangster?.

"Nem, 'wag ka ngang maniwala dyan, naka-shabu ata yan e."- sagot ko, baka mamaya kung ano na isipin ni Nem.

"Aminin muna sa kanila HONNEEEEY na girlfriend kita, promise hindi ako magagalit."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, parang ganito

O___________O

What the! >_____< Anong honeeey ang pinagsasabi nito at ano daw hindi daw sya magagalit kapag sinabi ko na girlfriend nya ako? Hindi ba sya nandidiri sa mga sinasabi nya?

Nasubrahan ata ito sa shabu e, nababaliw na sya ngayon kung anu-ano na tuloy pinagsasabi.

"Pwede ba Evil Gangster, tumigil kana sa pang-gugulo sakin."- sabi ko sa kanya.

Simula ng dumating sya sa buhay ko, andami ko ng naging problema at mga kamalasan sa buhay.

"Hala Nam! Masakit ang i-deny. May boyfriend ka na pala, di mo man lang kwine-kwento sakin."- sabi ni Nem na halatang nag-papanggap na nagtatampo.

"Kyaaaaaah~ Nam nakakakilig kayo para kayong mag-asawang nag-aaway. Hihihi... At ang cute ng endearment nyo HONEEEY."- sabi ni Hanna na talagang inemphasize yung honey. 

"Ako nga pala si Nem, twin sister ni Nam ^____^. 'Wag mong sasaktan 'tong girlfriend mo ha? Pagpasensyahan muna kung medyo pasaway 'tong kambal ko."

"NEM!!"- tumingin ako kay Nem ng masama, nag-peace sign lang naman ito. Aaaargh! Parang ang dali ko ata nitong tatatanda.

Nakita ko naman si Evil Gangster na nakangiti ng nakaloloko. Nagawa nya pa talagang ngumiti ha? Alisin ko kaya mga ngipin nito para di na makangiti at para makaganti na rin ako. >>:P *evil laugh*

"Dali ka nga dito HOONEEEY ko."- pagkasabing-pagkasabi nya nun bigla nya akong niyakap. Napahawak naman ako sa dibdib nya. Hindi ako makagalaw, ano ba tong nangyayari sakin? Nagulat ata ako.

Pinipilit kong makawala sa kanya pero hindi ko magawa, masyado syang malakas kumpara sakin. Pero pinilit ko pa rin magsalita kahit papaano.

"Humanda ka sakin Evil Gangster."- bulong ko sa kanya kahit nasa dibdib pa rin nya ang mukha ko.

Hindi ko sinasadyang maamoy yung pabango nya sa damit, pero ang bango pala ng bantot na ito ha.

"Oh? Ang sweet mo talaga honeeey. I love you too."

Bumalik lahat ng pagkasura ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya.

Aaaaarggh! >___< Anong I love you tong pinagsasabi nito? E, wala naman akong sinasabing i love you? Humanda ka talaga Evil Gangster.

"Kyaaaaaah~ ang sweet nila. Nakakainggit naman, sana ganyan din maging boyfriend ko"- narinig kong sigaw nila Hanna at Nem.

to be continued...

A/N: Yes! Nakapag-update din. ^_________^ hahaha.. So ano naman masasabi nyo sa pag-amoy ni Nam sa dibdib este sa damit ni Jarvis? Hahaha! Alam ko gusto nyo rin maki-amoy.

Dedicated to @xxxibgdrgnkiss, thanks sa laging pagco-comment .

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon