-Forty Three-

6.3K 97 5
                                    

Twitter→ @zyanntrxWP

-Forty Three-

Guilty

Nakatitig lang ako kay Evil Gangster. Hawak-hawak ko yung kinuha kong t-shirt nya. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Nanlalamig kasi yung kamay ko. Ano ba 'to? Masyado lang ba talagang malamig?

Remember Nam, bibihisan mo lang sya. Tama! Bibihisan ko lang sya. Wala namang nakakakaba dun diba? Na ang isang lalaking may six packs abs at super hot ay bibihisan mo kaya kalma lang.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Habang mas lumalapit ako sa kanya mas lumalakas yung kabog ng dibdib ko. Feeling ko bibitayin ako. Alam kong OA pero yun ang nararamdaman ko.

"E-vil Gangster, bibihisan lang kita ha?" pagpapaalam ko sa kanya. Oo ako na itong baliw. Kahit alam kong hindi sya sasagot nagawa ko pa rin tanungin.

Hinawakan ko yung baba nung t-shirt nya. Hinanda ko na ang sarili ko. Huminga muna ako bago pumikit. Hindi naman ito ang first time na makikita ko ang katawan nya. Dahan-dahan kong inalis ang t-shirt nya. Nagpapasalamat nalang ako na hindi sya gising. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang itsura nya habang hinuhuban ko sya. Nakatitig sya sakin habang naka lip bite. Agad akong napailing. Nagiging manyak na talaga ako.

"N-am.." kumabog ng sobrang lakas ang puso ko. Napatingin agad ako mukha nya. Gising ba sya?

Hinaplos ko sya sa mukha. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. I never thought na maiinlove ako sa kagaya nya. Tanda ko pa nga noon na halos isumpa ko sya. Galit sya sakin pero nagawa pa rin nya akong puntahan kahit umuulan. Nakaramdam ako ng awa, Bakit nya hinayaang mabugbog sya?

Pinahid ko agad ang nagbabadyang luha sa mata ko. Kinuha ko agad yung damit saka sya binihisan sya. Tumayo ako at pumunta sa banyo para kunin ang first aid kit.

*ring ring*

Napatigil ako sa paglalakad ng mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Nem. Bigla kong naalala, hindi nga pala ako nagpaalam. Naku! Siguradong lagot ako.

"H-ello."

["Nam! Mygosh! Where are you?"]

"Ah, Nem please pasabi nalang kay Mama umalis ako. Nem, kailangan ako ngayon ni Evil Gangster. Nandito kami sa condo nya. Uuwi rin ako dyan promise."

Narinig kong bumuntong hininga sya.

["Sige Nam, sasabihin ko kay Mama pero Nam mag-ingat ka. Okay?"] napangiti ako sa sinabi ni Nem.

"Thanks Nem." then I hanged up.

"Ihahatid na kita." napalingon ako sa nagsalita. Si Evil Gangster. Lumapit agad ako sa kanya at pinaupo sya sa couch.

"Later. Kailangan munang gamutin 'yang sugat mo." kinuha ko yung first aid kit.

"Nam." parang hindi na sya lasing ngayon sa paraan ng pagsasalita nya. Bumalik na sya sa dati.

"Okay, ihahatid mo ako mamaya pero gagamutin ko muna 'yang sugat mo." alam ko kasing kahit anong gawin ko sya pa rin ang masusunod. "Please." nag-puppy eyes pa ako para mas effective. Seryoso syang nakatingin sakin kaya kinabahan ako.

"Shit Nam!" nagulat nalang ako ng sumigaw sya. Lumayo sya sakin at hindi man lang ako tinitingnan. Ano bang problema nya?

Galit na ba ulit sya sakin? Napatungo nalang ako.

"Sorry, Evil Gangster... Ah.. Ano.. h-indi ko naman—"

"Fuck! Change your clothes!"

Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Ano daw? Change your clothes. Ganon na ba ako kapangit? Tiningnan ko ang damit na suot-suot ko. Nanlaki ang mata ko at agad napatakip sa katawan ko. Napatakbo agad ako sa banyo.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now