"Sabay na tayong bumaba. Hintayin kita." Sagot niya. Binilisan ko ang pagkuha ng damit at agad na bumalik sa banyo upang magbihis.

Paglabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa kama at napatingin siya sa akin nang makita niya ako. Agad siyang tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Magulo ba ang buhok ko?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing. You're beautiful, love." Seryoso niyang sabi. Agad akong napaiwas ng tingin.

"Tara na." Pag-iiba ko ng usapan. Nauna akong naglakad palabas ng kwarto at sumunod naman siya.

Pagdating namin sa kusina ay nakahanda na ang lahat sa lamesa. Talagang ako na lang ang hinihintay. Naroon si Jenny na nakatayo sa isang gilid at naghihintay sa ano mang iutos sa kanya. Pinaghila naman ako ni Harvey ng upuan kaya agad na akong umupo. At katulad nang palagi niyang ginagawa noon ay nagsandok siya ng kanin at ulam at inilagay sa aking plato.

"Nasaan pala si Manang Nora?" Tanong ko nang nagsisimula na kaming kumain.

"Pinaalis ko." Napahinto ako sa pagkain dahil sa kanyang sagot.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Wala silang ginawa nang mga panahon na 'yon. Hinayaan ka nila na saktan ka ni Angelica." Seryoso niyang sabi.

"Baliw ka ba? Wala ka noong nangyari 'yon. Ikaw ang walang ginawa noong sinugod ako rito ni Angelica, Harvey. Wala namang kasalanan 'yong tao tapos pinaalis mo." Galit kong sabi.

"Just eat your breakfast, love." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Kaya pala hindi ko na nakikita s Manang Nora dito dahil pinaalis niya.

Lumipas ang isang linggo pagkatapos nang kasal namin ay naging okay naman ang lahat. At nagulat ako isang araw ay muling bumalik si Manang Nora sa bahay ni Harvey. Sinabi ni manang na pinapabalik daw siya ni Harvey. Dahil ba sa akin kaya pinabalik niya si Manang Nora?

Ngunit minsan ay hindi rin kami nagkakasundo ni Harvey. Ayaw niya na kasi akong payagan na magtrabaho kay Mr. Lagatuz at dito na lang daw ako sa bahay niya. Ano naman ang gagawin ko rito? Kakausapin na naman ang mga gamit sa loob ng bahay niya? Pero dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko siya sinunod. Kahit na pinagsabihan niya na ako na huwag na raw akong magtrabaho ay tuloy pa rin ako. Katulad ngayon ay nandito ako sa labas ng office ni Mr. Lagatuz sa may lamesa ko.

Masyado yata akong maagang umalis sa bahay kaya wala pa si Mr. Lagatuz nang dumating ako. Ilang minuto pa ang hinintay ko at nakita ko siyang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko at may kasamang isang babae. 

"Good morning, sir." Pagbati ko. Nagulat naman siya nang makita ako.

"Hija, bakit nandito ka?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa naging tanong niyang 'yon.

"Po? Magtatrabaho na po ako, sir." Nakangiti kong sagot.

"What? Akala ko ba hindi ka na magtatrabaho rito?" Takang tanong niya.

"Sino po may sabi?" Nagtataka kong tanong.

"Si Harvey, hija." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Talagang gusto niyang ikulong na lang ako sa bahay niya.

"Sorry, hija. Pero sinabi kasi ng asawa mo na hindi na raw kita papapasukin sa trabaho. Kumuha na nga ako ng bagong secretary ko." Sabi niya at itinuro ang babae na nasa likod niya. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang kunin ang bag ko at nagpaalam na kay Mr. Lagatuz.

"Sige po, sir, alis na po ako." Paalam ko. Tumango naman siya kaya agad na akong umalis roon.

Paglabas ko ng building ay may itim na kotse na nakahinto sa harap mismo ng entrance. Lumabas mula sa sasakyan ang driver ni Harvey at yumuko pa nang makita ako. Pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto sa back seat kaya sumakay na ako.

"Saan po tayo, ma'am?" Magalang niyang tanong.

"Kay Harvey." Sagot ko. Agad niyang pinaandar ang sasakyan.

Pagdating namin sa kompanya ni Harvey at mabilis akong pumasok sa loob. Binati pa ako ng security guard ngunit tuloy-tuloy pa lang ako sa paglalakad. Siguro kung hindi lang ako galit ay binati ko rin siya. Tutal ay alam ko naman kung saan ang office ni Harvey ay hindi na ako nagtanong pa. Ngunit nakatingin pa rin sila sa akin katulad ng palagi nilang ginagawa sa tuwing pumupunta ako rito.

Pagkabukas ng elevator ay lumabas ron si Kyle. Napahinto siya nang makita niya ako.

"Ma'am Abby, good morning po." Pagbati ni Kyle sa 'kin.

"Walang good sa morning ko." Masungit kong sabi at pumasok na sa loob ng elevator. Napakamot naman si Kyle ng ulo habang palabas ng elevator.

Pagkaraan ay bumukas na ang elevator sa floor kung saan naroon ang office ni Harvey. Diretso ang paglalakad ko patungo sa office ni Harvey. Hindi na ako kumatok at agad na binuksan ang pinto ng office niya.

"Love, why are you here? Did you miss me?" Gulat niyang sabi na ikinainis ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Why?" Takang tanong niya na para bang nakalimutan kung anong ginawa niya.

"Bakit mo sinabi kay Mr. Lagatuz na hindi na ako magtatrabaho?" Galit kong tanong sa kanya.

"I told you, love, hindi ka na magtatrabaho 'di ba? Alam kong hindi mo pa rin ako susundin kaya ako na ang nagsabi kay Mr. Lagatuz." Saad niya.

"Ano sa akala mo na ikaw ang masusunod sa lahat?" Galit kong sabi.
Agad siyang tumayo at lalapit sana sa akin nang magsalita ako.

"Huwag kang lalapit sa 'kin. Naiinis ako sa 'yo." Galit kong sabi. Ngunit hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa harapan ko at agad akong niyakap.

"I'm sorry, love. Ano na lang ang sasabihin ng tita mo at ng mga magulang ko kapag nag trabaho ka? Baka sabihin nila na hindi kita kayang buhayin dahil nagtrabaho ka pa." Mahina niyang sabi habang yakap pa rin ako.

"Kahit na. E 'di sabihin ko sa kanila na ginusto ko naman magtrabaho." Wika ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Please, love. Ayokong mag-away tayo dahil lang dyan. Gusto mo ibigay ko sa 'yo ang card ko. Bilhin mo lahat ng gusto mo. I don't care." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Hindi na. Uuwi na lang ako." Sagot ko at aalis na sana nang hindi niya bibitiwan ang magkabilaan kong kamay.

"Stay here, love. Sabay na tayong umuwi mamaya." Sabi niya.

Kinabukasan pagkagising ko ay wala na si Harvey sa tabi ko. Siguro ay maaga pa siyang pumasok sa trabaho. At siguradong boring na naman ako rito sa bahay niya buong araw. 'Di bale na tutulongan ko na lang ang mga kasambahay rito sa paglilinis. Sa ganon ay may gagawin naman ako.

Agad na akong bumangon at inayos ang sarili ko at pagkaraan ay bumaba na ako at pumunta sa kusina. Ngunit agad din akong napahinto sa pagpasok nang makita ko roon si Harvey na abala sa pagsalin ng niluto niyang ulam sa isang lagayan. Siya ba anh nagluluto ng ulam namin tuwing umaga? Ang alam ko ay hindi siya marunong magluto at prito lang ang alam niya. Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang makita niya ako sa may pinto.

"Good morning, love." Pagbati niya sa akin.

"G-good morning. Akala ko ay umalis ka na?" Tanong ko at umupo. Agad niya namang inilagay sa lamesa ang niluto niyang tinolang manok. Marunong na siyang magluto o 'di kaya ay kunwari lang pero si Manang Nora talaga ang nagluto?

"Marunong ka na magluto ng tinolang manok?" Tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Yes, love. Sabi ko naman sa 'yo dati gusto kitang paglutuan ng iba pang putahe. Hindi lang puro prito." Sagot niya at ngumiti. Agad siyang nagsandok ng kanin at ulam at inilagay iyon sa pinggan ko. Tinikman ko naman ang niluto niyang tinola. Nakatingin siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Kumusta ang lasa?" Tanong niya.

"Okay naman. Masarap." Sagot ko at sinimulan ng kumain.





Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now