MFALC Chapter 18: Meet and Mate

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayos naman ako." ngiti ko rin sa kanya bago ako umupo sa table namin ni Tyler.

Nakita kong mabilis namang humagilap ng upuan si Adam bago ito naupo sa tabi ko. Nginitian ko lang ito ng alanganin, dahil nahihiya ako sa kanya. Ikaw ba namang malasing sa harap ng lalaking hindi mo pa gano'n kakilala, hindi ka ba mahihiya? Nahihiya ako dahil baka kung ano-ano ang mga nasabi ko sa kanya noon.

"I'm glad you're here, ang tagal nating hindi nagkita." pambabasag nito para magsimula ng usapan.

"Ahh... Oo nga, palagi lang kasi akong nasa bahay, preggy eh." natatawa kong saad sa kanya saka inginuso ang tiyan kong may umbok na.

"W-wow! C-congrats!" usal nito kaya muli ko siyang nabalingan ng tingin. Parang biglang lumungkot ang mga mata niya nang sabihin ko sa kanya na buntis ako, hindi naman ako assumera ng taon pero lungkot talaga ang nakita ko sa mga mata niya eh.

"T-thank you." alanganing sagot ko naman dito saka umiwas ng tingin, masyadong nakakailang 'yung mga titig niya. Ang creepy.

Pumagitna na naman sa amin ang katahimikan, parang gusto ko nang umalis sa kinauupuan ko. Ang awkward lang sa pakiramdam ng ganito, lalo pa't alam kong pinagseselosan ito ng asawa ko.

"Oh shoot!" biglang bulalas ko dahil nakita ko si Tyron na papalapit na sa table na kinauupuan namin ni Adam. Seryosong nakatingin lang ito sa amin, kay Adam particularly. "B-babe!" bati ko rito bago humalik sa labi ng aking asawa.

Humalik din naman ito sa akin habang ang tingin niya kay Adam ay hindi napuputol. Inakbayan ako ni Tyron at pilit ko namang inililihis ang gawi namin papalayo sa kinauupuan ko kanina.

Nagulat na lang ako nang biglang harapin ni Tyron ang gawi ni Adam, "Mr. Cabrero." bati nito saka nakipagkamay sa binata.

"Nice to see you again, Mr. Anderson." magiliw na tugon naman nito sa asawa ko.

Sandali pang nakabinbin ang kanilang mga kamay sa ere, na parang nakikipagtagisan ng ego sa isa't isa. Wala ni isa sa kanila ang bumababa ng tingin, ni kumurap ay hindi nila ginagawa.

Kaya naman para mabawasan ang tensyon na namumuo sa aming tatlo ay mabilis akong yumakap sa bewang ni Tyron sabay sabi nang, "B-babe, kanina ka pa hinihintay ni Tyler." saad ko sa kanya at sa awa naman ng diyos ay bumitiw ito sa kanyang pakikipag-tagisan.

"Sige Mr. Cabrero, mauna na kami." pamamaalam ko kay Adam bago pilit na hinihila ang katawan ng asawa ko papalayo rito.

Nakita ko pa na nagtanguan ang dalawa bago kami tuluyang makaalis ni Tyron sa lamesang iyon. Nang balingan ko ang mukha ng aking asawa, nakita ko na sobrang dilim na nito. Kinakabahan na naman ako sa puntong ito, dahil kahit hindi ito umiimik alam na alam kong may malalim na naman itong hugot.

Nasa ganoong posisyon kami nang biglang yumakap si Tyler sa bewang ng kanyang Ama, "Daddy! Mabuti na lang at nakarating ka po." masayang wika nito bago hinila ang kamay ni Tyron. "Dad, doon po tayo."

Nakangiting tumango na lang ako sa aking mag-ama habang tinatanaw ang mga ito na papalapit sa mga activities ng eskwelahan. Haaayyy... Mabuti na lang at dumating ang anak ko, kahit papaano ay napawi niya ang galit na namumuo sa kay Tyron.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon