MFALC Chapter 18: Meet and Mate

Start from the beginning
                                    

Amara: Have you forgotten? Ngayon ang program ni Tyler sa school. Sinabi ko na sa'yo 'yon noong isang araw, remember?

Tyron: Sh*t! I forgot about it. Sige na Babe, I'm leaving the office, I'll be there in 15mins.

Amara: Haaayyy... Be careful okay? Hintayin ka namin, magsisimula na ang program.

Tyron: Okay po, see you Misis. I love you!

Amara: I love you too, Babe.

After that the line went off. I rapidly fix all my stuff before leaving my office. "Ginger, cancel all my meetings today."

"Okay po sir Tyron." mabilis na sagot nito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.

I glance at her face for a moment and wondering kung saan ko nakita ang babaeng 'to. Halos ilang buwan na siya sa opisina ko, pero bigla akong naging curious sa kanya. Parang may something eh.

"Sir, may problema po ba?" biglang pagtatanong nito sa akin.

"Ahh... N-nothing, sige na I have to go. Call me if anything happens here." ani ko saka dumiretso palabas ng aking office pad.



*****



AMARA's POV:

Ala una na nang tanghali pero wala pa rin si Tyron, sinabi ko naman kasi sa kanya na may program si Tyler sa school puro oo lang ang sinasagot nito sa akin.

Haaaayyyyy... Tinitingnan ko ngayon ang anak ko na nakabusangot ang mukha, habang pinapanood ang mga kaklase niya. Hindi kasi ito nakasali sa ibang activity dito sa school, dahil karamihan sa mga laro dito required ang Tatay.

Nagprisinta ako kung pu-pwedeng ako na lang ang maglaro para sa asawa ko, pero hindi pumayag ang mga teachers ni Tyler. Dahil nga wala pa ang magaling kong asawa hindi tuloy nakasali ito sa mga activities.

"Are you okay, little guy?" pagtatanong ko sa anak ko habang hinihimas ang buhok nito.

"Naynay, bakit wala pa po si Dad?" patatanong nito habang nakatingla sa akin.

"He's coming baby, na-traffic lang." pagpapalusot ko sa anak ko. Nakita ko na muling itinuon ni Tyler ang atensyon nito sa kanyang mga kaklase, kaya naman iniyakap ko na ito sa aking bewang. "Dadating din ang Daddy mo, promise."

Mabilis naman itong humiwalay sa akin bago ako muling tiningala, "Promise?" anito kaya nakangiting tumango na lang ako sa kanya.

"Tyler... Come join your classmates." biglang anyaya ng teacher nito kaya ngumiti na lang ako sa anak ko, dahilan para mabilis itong tumakbo sa gitna ng field.

Tinanaw ko na lang ang aking anak na papalayo sa aking kinatatayuan. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang may tumikhim sa aking likuran.

"Ehem..."

Rinig kong wika nito kaya mabilis ko itong binalingan. Nakita ko si Adam na ngayon ay nakangiting humarap sa akin, "Hey, how are you?" pagtatanong nito.

My First and Last Crush ✔️Where stories live. Discover now