HHBW-28

69K 1.2K 31
                                    

Chapter Twenty-Eight
The Truth behind Your Rage

Rohan

10 Years Ago.

"Kailan ka ba iiwan ng body guard mo? Matanda ka na, ah." Naramdaman ko ang mga titig sa akin ni Rowin nang umandar ang sasakyan. Nadaanan ko kasi ito sa gilid ng daanan kaya pinasakay ko na lang.

"Nakikisakay ka na nga lang papalayasin mo pa ang body guard ko," sagot ko naman sa kanya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

"Bakit parang ang sama naman ng pakiramdam mong nakisakay ako sa 'yo. Ganyan ka na ba Rohan? Ikaw na nga itong may kotse at negosyante ganyan ka pa sa akin."

"It was your choice to be an Agent. You could have my position too." I said.

"Well this is what I want," ani naman ni Rowin.

Palaisipan pa rin ang trabaho nilang dalawa ni Mia. I could have give Mia a good life but she chose the hard path. "I still couldn't understand you and Mia.Why do you risk your lives for other people?" Napailing -iling na sabi ko.

"I've seen Mia's dedication to other people and she really love her job..."

Hindi na nakapagpaalam si Rowin at tuwang-tuwang bumaba. Mia was waiting for her outside. He ran into her. Mia gave her an embrace.

I might be punishing my own self for watching it over the window because I was supposed to be the man hugging her right now. I could've burry my face and feel her warm body.

I didn't want her to be an Agent. I just wanted her to be right by my side. Is that so wrong?

When does love becomes wrong?

"Sir, shall we go?"narinig kong saad ni Gerard habang nakatitig ako sa kanilang dalawang masayang naguusap.

"Wait..."sabi ko kay Gerard at bumaba ako ng kotse.

Naiwan si Mia sa labas dahil may kausap ito sa telepono. I took steps closer to her. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. My heart is aching as I stare at her.

"Rohan..." She uttered my name. I love the sound of it.

"Hindi ka na ba talaga babalik sa akin?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob kong tanongin ito sa kanya

"R-Rohan...nasa loob si Rowin."

"Pwede bang ikaw naman, piliin mo naman ako? I don't care what kind of life I have to live with you, basta piliin mo lang ako," like a fool a begged for love again...pero una palang alam ko naman na ang sagot. Hindi na siya umimik at tinalikuran niya ako.

***

Yinaya ako ni Rowin sa bar. Ilang minuto na siyang late sa oras na sinabi niyang magkikita kami. And for the first time, I am feeling uneasy while waiting for him.

"Hey, sorry. Nag-overtime lang ako sa isang kaso, nakapag-order ka na ba?" bumukas ang pintuan dito sa VIP Room at iniluwa si Rowin. Umupo siya kaagad sa tabi ko. Nagsalin agad siya ng alak sa baso niya.

"Oo nga pala-" napatigil naman siya nang bigla ulit tumunog ang cellphone niya. Napailing na lang siyang sinagot ito at sinenyasan ako.

Nang makaalis siya ay napatingin ako sa baso na nasa lamesa.

I fished out the sachet from my pocket. Kumuha ako ng isang pill. I was able to obtain this from that man I previously met here. Napahinto ako at napatitig. I'm really doing this...I'm desperate enough to come up with a plan. I'll have to show Mia his real side even if I have to be the bad person.

I've got these thoughts that maybe Mia will come back to me if I can get Rowin out of the picture...

Binuksan ko ang capsule at nilagay iyong drugs sa baso ni Rowin.

Ilang sandali pa, pumasok siya sa loob.

"Pasensya ka na, medyo hindi ako naintindihan ni Jake kanina sa pinapagawa ko well anyway, shall we drink?"

Nang makaupo naman ito ay biglang nahulog pa nito ang wallet niya. Kaya naman pinulot ko ito. Bigla itong nabuksan nang hinawakan ko. May mga nahulog na papel.

Napatigil ako nang makita ko ang isang larawan.

It was our picture on our 6th Birthday... I stared at the picture. Napakabata pa namin noon. I still remember this Birthday. Nakasimangot ako sa picture at hinalikan naman ako ni Rowin sa pisngi. Umiiyak ako sa birthday kong ito dahil mas maraming regalo si Rowin at siya lang ang kinakamusta ng mga kama- anak namin.

Hinablot naman niya ang picture na hawak ko. Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Para bang masaya siyang nakita ang larawan. Napansin ko ring hawak na niya ang baso niyang nilagyan ko ng drugs.

"Look how fast time hits us. We're so cute here. Gawin kaya ulit natin itong picture na ito?"

Hindi ko alam kung bakit biglang inatake ng isipan ko ang mga alala no'ng bata pa kami ni Rowin. Since I am always the silent one, he always makes a way to talk and tell me non sense things then I would laugh at it.

The more I think about it, it was Rowin who knows first how I am feeling...

Nang binaling ko ang tingin ko sa kanya ay akmang iinomin na niya ang alak sa baso niya ngunit bigla ako'ng napatayo.

I wasn't even able to think at the moment. Kusang gumalaw ang katawan ko at kinuha ang baso sa kamay ni Rowin.

"What the? Ininom mo na yung sa 'yo, magsalin ka kaya ulit." Reklamo naman nito. Dahil tatangkahin na sana niyang agawin ang baso sa akin ay ininom ko agad ito.

My regrets and guilt slowly consumed me... Hanggang saan ba ako dadalhin ng galit ko?

***

His Hired BedWarmer (Enticed Series 1)Where stories live. Discover now