-Chapter 21-

122 10 3
                                    

#PheRa
Chapter 21

A/n: Pause muna tayo kila Clemchi ah.. Alamin naman natin ang stay ni Ara sa Pinas n_n

Ara's POV

Ibang iba na pala ngayon sa Pinas. Mayroon na palang K to 12, dumaraming populasyon ng puregold hehe at mas nadagdagan ang SM sa bawat lugar lalo na at napakainit ng klima dito ngayon kaya eto todo disguise muna ko para makapag-mall.

Kung ang Pinas e maraming pagbabago, sa akin naman eto pa rin ako.. si Ara na nagtatago sa katauhan ni Ada. Nakuwento na siguro ng pinsan ko na nakapasok ako sa grupong MINT na sikat na sikat ngayon sa South Korea. Mahigpit ang manager ko kaya lagi akong tumatakas sa kanya. Hindi ko naman kasi mababago yung pagkatao ko kahit ako na si Ada ngayon.

Huminto muna ko dito sa stall ng Zagu. Gaaaa namiss ko to!

"Isang double dutch nga miss", order ko sa babae.

"Anong size po ma'am?", tanong nung tindera.

"Large po.."

"Ma'am, naubusan po kami ng sago, okay lang po bang nata de coco na lang po ilagay sa shake nyo?"

"Pusang gala naman oh! Este sige sige walang problema", malungkot kong sagot dun sa tindera.

Almost 5 years kong inasam to tapos wala namang sago e yun nga yung gusto ko >3

Pagkakuha ko nung shake ko tumambay muna ko sa gilid ng Zagu. Nakakatakot kasi sa may food court or sa mga fast food chain, maraming tao, baka may makakilala sa akin so tiis tiis muna sa mga gilid-gilid lang tutal noon ganito rin lang naman ako... Haaaay namiss ko to! Simple lang naman yung disguise ko. Wala akong kamake-up make-up, hindi rin ako nagshades.. ay sus! Mas obvious yun. Naka-cap lang ako, nakapusod ang buhok, nakamaong pants at black t-shirt lang. This is life! Napaka-komportable.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Tinignan ko sya sa peripheral view, hmm.. lalaki. Naka-cap din, maong pants at black t-shirt. Natawa ko ng palihim. Haha ang cool! Mukha kaming couple. In fairness, yummy naman ang katawan ni kuya. Matangkad din at maputi. Haha malandi pa rin ako... Bigla akong nalungkot. Malandi man ako sa isip pero sa puso't kaluluwa ko, isa lang naman ang lalaking minahal ko. :'( Si..

"Miss, natanggal yung sintas ng sapa---"

"Stephen?"

"Ara?"

AY nagkalokohan na. Si Stephen nga. Hindi ko kinaya,kumaripas ako ng takbo palayo. Hingal kabayo pa ko.. Grabe, nasapo ko ang dibdib ko. Abot-abot ang paghabol ko sa hininga ko. Malayo-layo na rin itong natakbo ko, mukha tuloy akong tangang nagtatatakbo. Napaupo ako dito sa may bench sa labas ng mall. Kakaunti lang ang tao sa naupuan ko. Buti hawak ko pa din yung Zagu ko, mabilis pa sa alas-kuwatro e naubos ko na. Nauhaw ako grabe! Dali dali ko namang itinali yung sintas ko..

"Panyo oh.."

"Sala--- teka?" Paglingon ko, si Stephen na naman! Hindi ito ang pinlano ko kapag nagkita kami :'(

Flashback

"E paano kapag nagkita kayo ulit pagbalik mo dito?", si pinsan Clemchi

"Imposible yun couz.. kaya nga ko mangingibang-bansa e para di ko na sya makita.."

"E paano nga kung sa di inaasahang pagkakataon e nagkita kayo..Ano'ng gagawin mo? Paano kung makasabay mo sya sa jeep? O makasabay sa elevator? Sabi nga nila di ba kapag iniiwasan mo ng sobra.. Lalo sayong magpapakita.."

"Simple lang ang gagawin ko. Babayagan ko sya! Isisigaw ko na wala syang balls! Manloloko sya! At hinding hindi ko na sya mapapatawad..", sagot ko sa kanya.

Thou Shall Not Mess With A Gangster #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon