-Chapter 25-

34 7 1
                                    

Clemente's POV

Day 1

Hindi natuloy ang shooting kahapon dahil uma-attitude number 97 ang bida ng pelikula. Napaka-unprofessional! Pati tuloy si direk, mainit na mainit ang dugo sa aming lahat! Ugh! Alam ko namang may kinalaman ang naging sagutan namin kaya umaarte yung mokong na 'yun. In fairness ah, mukhang hindi niya na kailangan ng acting coach dahil ang husay husay niya ng umarte.

Okay, nakakafrustrate! Alam ko na acting coach niya ako, may extra payment yun! Pero dahil sa nangyari sa unang araw ng pagsasama namin, tingin ko malabong magkasundo talaga kami. Spell awkward? Mukhang pangalan na namin ang depinisyon sa salitang 'yan.

"Kung magresign kaya ako?"

Bakas sa mukha ni Epi ang pagkagulat sa sinabi ko. Napagdesisyunan ngapala ni direk na ishoot muna yung mga eksenang wala si Ranzel para makausad naman yung project namin.

"Gaga ka ba talaga bessybells?! Ano'ng pumasok sa kukote mo at magreresign ka? Hello Chi? Kakapasok mo pa lang sa Seija."

"I know, ewan ko ba. Nakakainis kasi."

"Ang alin?"

"Ayaw ko kasing makatrabaho si Mr. Arbenza"

"Zeusko day! Ano ka ba friend, mabait yang si Papa Ranz. Nung una ko siyang nakilala, lahat sa Seija binabati niya. Hindi siya pa-famous. Ewan ko nga bakit siya nagkaganyan ngayon e. Baka naman may problema yung tao, huwag mo na lang pansinin", dire-diretso niyang payo sa akin habang nakaharap siya sa salamin at nagbubunot ng kilay niya.

"Bessybells, ako nga kasi yung problema niya", pag-amin ko sa kanya.

"Ay day, umaambisyon ka na naman, ikain mo 'yan baka nalilipasan ka na"

"Seryoso nga kasi Epi. Tanda mo pa ba yung kinuwento ko sa'yo about kay Mr. R? Yung akala ko siya na si Mr. Right yun pala hindi?"

"Oo bes tanda ko pa, hindi naman ako ulyanin saka paulit ulit mo ba namang ikwento malam---"

"Si Ranzel at Mr. R ay iisa", putol ko sa kanya

"--what?! You mean.. Wait, pamura lang ah? P*ta bakit hindi mo agad sa akin sinabi?! Problema nga ito, kailangan natin ng tulong.. May alam akong makakatulong sa atin"

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa pag-asang matutulungan ako ni Epi sa problema kong ito. Seryosong seryoso ko siyang tinignan at itinanong kung sino.

"Madali lang, tawagin natin ang wonderpets! Go wonderpets, yey!"

Booggsshhh

Hindi na ako nagdalawang isip pa, sinuntok ko agad siya sa mukha.

*******

Lumabas na kami ng kwarto para sumabak sa trabaho. Out of sight pa din ang mokong kaya naging maayos ang trabaho ko. Lagi akong nasa tabi ni direk para kapag may revisions sa script, maaayos ko agad.

Naiinis lang ako kasi, parang hari pa din dito ang mokong na 'yun. Kung ayaw niya magshoot, ayaw niya. Walang pwedeng pumilit, kahit pa yung direktor namin. Ganun ba talaga kapag mayaman? Haaaaaaay.

Akala ko naman magiging okay na ang araw na ito ng biglang kinausap ako ni direk.

"Ms. Perez, malapit ko na ding isalang si Rhayl (Screen name ni Ranzel) so mas makabubuti kung ihahanda mo na siya. Puntahan mo na siya at gabayan.", nagthumbs up pa sa akin si direk na walang kamalay malay na ipinapadala niya na ako sa impyerno.

Ipinagtanong tanong ko sa mga staffs kung nasaan yung mokong na 'yun. Kung pwede lang talagang mag-resign kaso Seija na 'to e. Ang hirap pakawalan.. ang hirap. Sobra.

Natagpuan ko ang impakto na nakaupo malapit sa dagat. Lakas loob ko siyang nilapitan. Huminga muna ako ng malalim bago bumati sa kanya.

"Hi Rhayl!", ngiting ngiti kong bati. Okay, halatang halata na ang peke ng ngiti ko. Tumingin lang siya sa akin. Parang ang lungkot lungkot ng mga mata niya.

"Uhm, tara start na tayong magscriptreading?", aya ko sa kanya nang hindi siya matinag sa kinauupuan niya. Hays! Ang hirap naman po nito Lord :(

Bigla siyang tumayo. Sinenyasan niya akong ibend yung mga paa ko.

"Huh?", takang tanong ko sa kanya. Inulit niya lang ang senyes at pumunta siya sa may likuran ko.

Fvck!

Pumasan lang naman siya sa akin. Sa gulat ko napaupo ako.

"Nahihibang ka na ba?!", sita ko sa kanya.

Umiling naman siya.

"Hindi ako nahihibang. Seryoso ako."

Anak ng tokwa. Seryoso talaga siya?

"Kung ayaw mo, pwede ko namang isumbong ka kay direk o kaya ipa-ban ka na sa buong Pilipinas bilang writer."

Seriously? He gotta be kidding me.

"Alam mo naman siguro ang impluwensya ng mga Arbenza no?", he smirked.

"FINE"

Pinilit ng petite kong katawan na ipiggyback ride ang walang pusong si Ranzel.

"Ya tigidig tigidig!", hiyaw pa niya na tuwang tuwa na nahihirapan ako. Nakapasan pa siya sa akin nyan ah? "FASTER LADY!" Bwisit talaga! Nung isinisigaw niya yung tigidig tigidig, aba't pinindot pindot pa yung pimples ko sa mukha! E siya naman ang dahilan ng pimples ko! Hindi dahil sa in love ako ah? Dahil ito sa stress sa kanya! Peste! Hindi ko nga alam kung saan ako humugot ng lakas para mabitbit siya hanggang sa isa sa mga cottage ng resort.

"Nahihirapan ka na ba Ms. Perez?", tanong niya habang prenteng nakaupo sa may cottage.

Hingal na hingal pa ako at ang sakit ng likod ko, pero pinilit ko pa ding ngumiti sa kanya.

"Sus. Trabaho naman 'to. Yakang yaka."

"Oh really? Good. Where's the script anyway?"

"Diba may kopya ka?"

"I left it in my room e"

"Ah sige, buti dala ko yung sa akin." Inilabas ko na sa sling bag na dala ko yung original copy ko ng script.

"Here." Iniabot ko na sa kanya yung script.

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na naganap. Inihagis niya ng malakas yung script patungo sa dagat. Hindi ko alam kung magagalingan ako sa kanya dahil ang layo niya bumato o masasapak ko siya dahil sa ginawa niya

"Bakit mo ginawa yun?!"

"Nahihirapan ka na ba ngayon, Clemente?! We're just starting.. you'll see.", he grinned.

"You're unbelievable, Ranzel.", malamig kong tugon sa kanya at tumakbo pabalik ng dagat para kunin ang sulat kamay kong script.

-to be continued-

Comments and Votes are highly appreciated.

Tweet me @twinEL using this #MAIDS2

-twinEL-

Thou Shall Not Mess With A Gangster #Wattys2015Where stories live. Discover now