-Chapter 24-

41 9 1
                                    

Clemente's POV

Ang galing ni direk. Kudos sa husay niyang maghanap ng perfect venue para sa eksena ngayon.

The calm effect of the ocean, ugh! This place is like a paradise. Hindi ko akalaing may ganito palang kagandang beach resort sa Batangas. Ito yung pinapangarap kong lugar nung isinusulat ko palang yung script ng movie. Naeexcite na akong mag-shoot! This is so perf for Broken Wings.

"Guys, attention please. Nandito na ngapala yung papalit sa role ni Dominic" - si direk yan. Nainjured nga pala si Dominic na gaganap dapat bilang Ezekiel, ang ultimate karibal lang naman ni Ranzel sa movie so dapat gwapo din siya! Hahaha sino kaya ang napili?

Anak ng tinapa.



Is that Stephen?! O_O

"Meet Stephen. The new Ezekiel of Broken Wings"

Oh Zeus! What's happening in this world? I'm doomed!

"Hi everyone, this project will be my comeback movie. Thank you for giving me this opportunity.", bati ni Stephen sa lahat ng staff..kasama ako. Pero bakit parang sa akin lang siya nakatingin? Parang may nais sabihin ang kanyang mga mata.

Well, excited na akong ibalita ito kay Ara. Magugulat yun for sure. Ang magaling niyang ex, nandito lang naman malapit sa akin. But Stephen is not my business. Pinsan ko si Ara at nainis din ako ng iwanan niya itong bigla pero hindi ko naman nalilimutan na naging mabuti siya sa akin.

Naalala ko bigla yung itsura ni Ranzel kanina nung biglang sinubuan ko siya ng maraming chips sa bibig. Hahaha! Nanlaki yung mga mata niya dahil halos mabulunan siya. Serves him right. HAHAHA!

"You're creepy Ms. Perez. You're smiling for no reason"

What the? May asungot na naman sa paligid.

"Problema mo? No reason? How did you say so? Nasa loob ka ba ng utak ko? "

"Hindi. Nasa loob ng puso mo.", pabulong niyang sabi. Halos hindi mo na nga marinig sa sobrang hina pero dahil pambihira ang pandinig ko, sigurado ako sa narinig ko..

"Huh?", tanong ko para ulitin niya yung sinabi niya. Gusto kong makasigurado. Ohmaygaasss.

"Sabi ko, ang pangit mo kasi."

"A-anong sinabi mo?!" Bwisit! Inaano ko ba siya? Ang kapal ng mukha!

"Creepy ka na nga, pangit pa at bingi!" Nakasimangot niyang sabi. "Tuwang tuwa ka ngayon noh? Palibhasa nandito yang uhuging artistang laos na yan"

Ang bitter talaga! Kung pinakinggan nya lang yung paliwanag ko noon, hindi sana siya nag-iisip ng ganyan sa amin ni Stephen.

"E ano naman sa iyo? Pakialam mo kung ganon nga? Mind your own business Arbenza.."

"Wow. Just wow. Fine then Ms. Perez. Congratulations. Mukhang mag-eenjoy ka sa shooting ng movie mo. Ang galing mo talagang writer, ang galing mong magpa-ikot ng tao!"

Nakuyom ko yung mga palad ko. This is too much! Sobra na siya! Anong karapatan niyang saktan pa akong muli? Di pa ba sapat na mas pinili niya ang ibang tao kaysa sa akin? Na mas pinili niya si Juno? Nangingilid na ang luha ko nang bigla siyang tumalikod. Ayokong magpadala sa galit. Nakaraan na iyon. Mas pinili kong kumalma.

"Yeah you're right", nakayuko kong sabi. Ayokong may makakita ng pagpatak ng mga luha ko. Sapat na yung sakit na naramdaman ko noon. Ibang iba na ang noon sa ngayon. "But please Mr. Arbenza, huwag na huwag mo ng pagsasalitaan pa ulit ng masasakit na salita si Stephen."

"Pag-iisipan ko." With that, he left me standing there. Just like before. Tss.

Lumingap ako sa paligid. Busy ang lahat sa pag aayos ng mga gamit kaya hindi pansin ang pagtatalo naming dalawa. Kadarating pa lang namin, nagtalo na agad kami. Napaka-awkward nito. Bakit ba kasi si Ranzel pa ang makakatrabaho ko? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Hindi ko kayang magtagal pa dito sa labas, gusto kong mapag-isa at umiyak ng umiyak kaya minabuti kong pumunta na sa room na nirent para sa mga staffs.

Hanggang ngayon ba naman Ranzel hindi mo ako papalayain?

Nakakapagod.

Past is past. Di mo ba alam yun?

Sana hindi ka na lang ulit bumalik sa buhay ko.

-to be continued-

Votes and comments :)

-ate el

Thou Shall Not Mess With A Gangster #Wattys2015Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora