-Chapter 2-

596 31 18
                                    

Clemente's POV


Waaaaaaaaaaa!!! WE LOVE YOU R!!!!!!!!!

Halos mabingi na ang tainga ko sa ingay mga tao dito sa school. Nakakunot ang noo ko habang takip takip ko ang mata ko dahil sa tindi ng sikat ng araw. Hindi ko makita kung nandyan na ba yung hinihintay namin dito. Pero gaano man kainit, gaano man karaming tao ang kailangan kong banggain, handa akong suungin yun. Ganon naman talaga kapag gusto mo diba? Parang pabebe girl lang iyan, walang makakapigil samin! Oha? Teka, nagtataka na siguro kayo kung may artistang parating? Actually, walang artista. PARANG artista sa kagwapuhan, MERON! Kanya kanyang banner

Nagkakagulo na naman dito sa school..Tulakan everywhere! Huminto muna ako kakasiksik sa mga tao. Kinuha ko muna yung panyo ko sa may bulsa ko. Pano ba naman e tagaktak na ang pawis ko sa mukha. Ayoko namang ang dugyot dugyot ko kapag nakita ako ng mahal ko. Fan girl e. Sa mga fan girls out there! Alam kong alam nyo yung pakiramdam. Yung kahit mapagod ka kakapila sa dami ng taong gusto rin siyang makita, balewala lahat ng hirap mo kapag nakita mo na rin siya. 

Ayan na! narinig ko na yung busina ng kotse ni Ranzel. Ang babyloves ko! Busina pa lang ng kotse niya kabisado ko na. Pati lahat ng fan page niya, kasali ako! Hihihi.

Niready ko na ang sarili ko. Inilabas ko na yung inihanda kong banner para mapansin niya na ako.

"WOOOOOOOOOOOOO RANZEL!! WE LOVE YOU!"

Nakikisiksik din ako dito sa nag-uumpukang kababaihan..

Ewan ko nga kasi ang OA namin. Ang gwapo naman kasi talaga ni papa Ranzel ko. Hawi pa lang niya ng bangs niya e makalaglag panty na, paano pa kaya kapag nginitian ka niya? Sa totoo lang, hindi lang si Ranzel ang hinihintay ng mga tao dito. Pati na sila Tooey at Blue!

Sikat na sikat sila sa school namin. Ang lakas maka-F4 ng kasikatan nila yun nga lang tatlo lang sila dito. May iba pang mga gwapo sa school pero silang tatlo talaga yung pinakasikat. Paano ba naman hindi ka talaga lugi sa kanila. Ang pogi na, athletic at matatalino pa! Papangarapin mo talaga sila. Haaaaaayy. Si Ranzel yung pinaka-misteryoso sa kanila. Tahimik lang kasi yun. Walang kibo, tapos kung makatingin ay nako! Parang papatay.. papatay sa pagmamahal! Hihihihi! Marinig ko lang siyang magsalita ng mahaba, heaven na siguro! Si Tooey din naman may pagkatahimik pero palangiti naman siya sa mga bumabati sa kanya. Si Blue naman may pagka-palikero. Playboy talaga! Araw-araw ata e bago yung girlfriend. Eewie siya! Manwhore! Buti pa si Ranzel ko. Wala akong nabalitaang nag-girlfriend siya, uhm flings siguro pwede pa.

Haha.. Ranzel KO. Inangkin ko na talaga e noh?

Bwisit naman oh! Ang sikip. Hindi ko masilayan ang bebe ko. Psh! Nagiging wild pa lalo ang lahat nung dadaan na malapit sa amin si baby boy ko!

Tabi! Tabi! Kailangan ko siya makita ngayon! Ang aga ko pumasok para makita siya noh! Syempre bago mag-aral, kailangan may inspirasyon muna! 

ARAY! Nasisiko na ako dito tapos ay nakoo! OUCH! "Ano ba naman yan ate!", sita ko dun sa naka-siko sa akin. Patience! Patience! Teka! Aray naman! OU---Sino bang tumulak sa akin? Nawalan na ako ng balanse at---

Tuuggsssshhh


poink


poink


poink


Huwaisdis?


Tae? nakatitig ako sa sahig ngayon. Natulak lang naman nila ako sa...

Ha?

Taena! Zeus ko! This is not happening! tell me! This.is.not.real.


Oh noes!


nasubsob ako sa..


T.A.E!


Tumingin si Ranz sa kinaroroonan ko..


OMO! Not now. Don't look at me beybeh!


Huwag mo muna ako tignan ngayon please? Huhuhu

Bakit may tae dito sa school?! 


May naligaw na aso huhuhu medyo malapot pa, nagtatae ata yung aso!


Kainis! 


Hindi ito ang pinapangarap ko para mapansin ni Ranz ko.

 Anyaree po? Haist! Nakakahiya!!

Tatayo na sana ko at kakaripas sa CR ng biglang tumigil ang tibok ng puso ko. Joke lang, I mean tumigil yung ikot ng mundo ko.

"Miss, oh"

May nag-abot ng bimpong kulay asul na may nakaburdang bench&bath. 

Ha? Kilala ko tong kamay na ito ah? May maliit na tattoo na parang phoenix. Inabot ko naman at akmang bubuka na ang bibig ko para magpasalamat pero

Pagtingala ko..

Nag-awitan ang mga anghel sa langit..


lub dub

lub dub

lub dub

lub dub


nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi na normal ang pintig nito. kahit amoy na amoy ko ang bagsik ng amoy ng pupu ng doggie, amoy na amoy ko din ang halimuyak na hatid ng lalaking nasa harapan ko.






















tinulungan po ako ng prince charming ko. Hart hart na this, hihihi.


*****

"Gee!! Tinulungan ka daw couz ni Ranz matapos ka masubsob sa uhm sa ano, sa capital T capital A with capital E?", si Ara yan pinsan ko, dito din sa Arbenza International Academy nag-aaral. Sila Ranzel Khayl Arbenza ngapala yung may-ari ng school namin. Halata naman sa name no? Sabi ko nga e.

"Ay nice! Paalala mo pa! sige.. pagduldulan mo pang sa t.a.e", sagot ko at marahas na isinubsob ang mukha ko sa unan na hawak hawak ko. nakakahiya kasi! Napansin nya nga ako sa ganong pangyayari pa!

"Sikat ka na couz, napansin ka na ng crush mo! Ayyiiieee", humahagikgik pa ang bruha. Sinusundot sundot pa ang tagiliran ko. Di ko alam kung kikiligin ba ako o hihilingin ko na lang na lamunin na ako ng lupa ngayon. Ugh! Kaasar!!!

"Huwag mo na akong sabayan Ara please!", napipikon kong sagot.

"First time na may pinansin si Ranzel ah? Swerte mo girl! , pampalubag loob niya sa akin/

"Alam ko. Pero alam mo ba kung ano yung ibinulong niya sakin nung tinulungan niya ako?"

Inilapit ni Ara yung tenga niya sa akin para marinig yung sasabihin ko.


"Sabi niya.."


"Next time, be careful ms. Clumsy. You look stupid. You owe me your life now."



Thou Shall Not Mess With A Gangster #Wattys2015Where stories live. Discover now