-Chapter 18-

180 13 6
                                    


Clemente's POV

Hinatid ako ni Stephen kila Ara. Ayoko kasing makita ako nila mama at papa na ganito. Parang dinaanan ng bagyo. Umalis din agad si Stephen dahil tinawagan sya ng manager nya dahil sa isyu na lumabas sa dyaryo. Para akong batang nagsumbong kay Ara. ―

"Hayup talaga yang matronang hilaw na yun! Kung nandun lang ako kinalbo ko na yun!" Umiiyak na rin si Ara, alam kasi namin na maliban sakin, malaking dagok din to kay Stephen at damay na din sya. Umiyak lang kami ng umiyak buong magdamag.

"Paano na kami ni Ranzel? Paano na si Stephen?", humagulgol na ko. "Kasalanan ko 'to e! Malas ako!"

Niyakap lang ako ni Ara. At kahit hindi na kami nag-usap, kumalma ako.

Ranzel's POV

Hindi ko alam ang dapat maramdaman ngayon. Hindi ako makapaniwala. Nandito ako ngayon sa bahay nya.

--ni Juno...Heto ako at nakaupo sa kusina nila.

"Sige inumin mo na yang kape habang mainit, buti kasya sayo yung naiwang damit dito ni Pen."

Kapatid nya yung si Pen, well, hindi ko naman nakita yun ni minsan kasi nasa auntie daw nya nakatira dahil walang anak yung auntie nya. At nabiyuda pa. Hindi ako kumikibo. Andun pa din yung galit... Galit na iniwanan nya ako noon. Lakas ng loob ko sabihing naka-move on na ko ah! Tapos ngayon di ako makasalita? Pwe!

"Huwag ka namang ganyan R..please magsalita ka..Magalit ka, sige ayos lang but please kausapin mo naman ako", yumuko sya upang magtama ang aming mga mata. Nag-iwas ako ng tingin.

"I have to go.." sabi ko sabay tayo na.

"Teka! ". Pinigilan nya akong umalis. Ang higpit ng hawak nya sa braso ko.

Peste! Saka pa may nagtugtugan sa labasan (dun sa may kapit-bahay nila) ng Pare ko ng Parokya ni Edgar. Takte naman. Hindi man lang nag-match yung kanta sa eksena? Nawala na naman ako sa sarili. Nakayakap na pala sakin si J.. I mean Juno.. Ugh whatever!

"Please R, magpapaliwanag ako.."

"Para saan pa ba JUNO?", pinagdiinan ko talaga yung pangalan nya habang pinipilit kong alisin yung pagkakayakap nya sakin.

"Para mag-sorry dahil naging mahina ako.. Hindi totoo yung mga sinabi ko noon sa'yo R.. I.. I still love you"

"Huwag na nga tayong maglokohan Juno. Mula pagkabata..tayo na ang magkasama.. Pero sinira mo. Aalis na 'ko"

Hindi pa din nya ako binibitawan.

"Makinig ka muna sakin R.. Then I'll let you go if that's what you want.."

"Okay. Spill it out."

Flashback..

Third POV

Masayang pumunta si Juno sa tagpuan nila ni Ranzel. Kung titignan mo sa panlabas na anyo, hindi mo iisiping mahirap lang sya at sporty pa. Mahinhin ang kanyang mga galaw at napakaamo ng mukha. Pero heto sya at umaakyat sa bakod ng eskwelahang pinapasukan ni Ranz. Recess na kasi ni Ranzel at iyon lang ang pagkakataon nilang magkita dahil palaging maraming naka-gwardya kay Ranz, anak mayaman kasi. Kailangan nya pang umakyat ng bakod dahil hindi papapasukin ang isang gaya nyang mahirap. Tago ang lugar ng tagpuan nila para malaya silang makapag-usap. Naiinip na ang dalaga dahil mag-tatatlumpung minuto na syang naghihintay sa binata subalit wala pa din ito. Naging abala na lang ang kanyang isipan habang nakaupo sa ilalim ng puno ng acacia. Naalala nya kung paano sila nagkakilala ni Ranzel. 8 years ago na yun. Nene at Totoy pa sila noon. Pangarap na pangarap ni Juno na ipagpatuloy ang pag-aaral nya kaso ayaw syang pag-aralin ng ama nyang lasenggo. Sayang at namatay pa ang ina nyang nagtya-tyagang pag-aralin sya sa elementarya. Matalinong bata si Juno kaya ayaw nyang maging mangmang. Patago syang pumapasok sa St. Catherina de Salma para makinig at matuto. Malinis ika nga magtrabaho itong si Juno at hindi sya nahuhuli ng gwardiya o nang sino man maliban sa isang bata-si Ranzel. Laking pasasalamat ni Juno nang hindi sya isumbong nito. Nilampasan lang sya nito ng makita sya nito. Isang hapon nun, pauwi na si Juno ng makita nyang binubully si Ranzel ng mga batang mas malaki pa dito. Naawa si Juno at iniligtas ang kawawang si Ranzel. At dahil dun naging magkaibigan sila at nakapag-aral si Juno ng libre sa eskwelahang iyon matapos sustentuhan ng baon ni Ranzel ang tuition fee nya. Ngayon ay working student sya pero hindi sya pumasok sa pinag-aaralang sekondarya ni Ranzel. Lubhang mahal kasi talaga ang tuition fee dito. Nakulong nga pala ang tatay nya sa kasong attempted murder dahil nakipagbasag-ulo at napuruhan ang binugbog nito. Yung kapatid naman nyang si Pen, nasa tiyahin nya.. Kaya umiikot lang ang mundo nya kay Ranzel. Napangiti sya ng balikan ang mga alaala.

Thou Shall Not Mess With A Gangster #Wattys2015Where stories live. Discover now