-Chapter 15-

222 15 6
                                    

Clemente's POV


Mababaliw na ata ako kay Ranzel! Ugh! Pinagsusuntok ko ngayon ang kawawang unan dito sa kwarto ko. Paano ba naman, magcoconfess lang ng nararamdaman sa phone pa! Nagtapat nga sya na may feelings din sya sa akin pero pagkatapos nun e apat na araw na syang hindi nagparamdam sa akin. God, 4 days yun!


Para akong mapaparanoid kung ano ang nangyari sa kanya. Sinubukan kong puntahan siya sa kanila pero napag-alaman ko na nagpunta pala sya ng Japan. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakahinga na ako ng maayos kasi alam ko na kung nasaan siya o maiinis ako dahil hindi man lang sya nagpaalam sa akin.



Hindi ko tuloy alam kung kami na ba o ano e. Kainis! Sinuntok suntok ko pa ulit yung unan hanggang sa masira na ito. Sana man lang linawin nya man lang ang lahat sa akin hindi yung nang-iiwan sa ere. Kuuuu. Mga lalaki nga naman ang hirap intindihin!



Napatingin ako sa sirang unan. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. "Patay ako kay mama!"



Aish! Naman kasi e! At nagkikisay ako na parang bata. What's the real score between me and him? Sana man lang nag-long distance call sya. Miss na miss ko na yung kaartehan nya. Minsan nga pakiramdam ko naging psycho na din ako gaya nya. Pano ba naman naging fave ko na ang white dahil sa kanya. Nagiging maayos na din ako sa sarili dahil madidirihin yun.



Narinig kong bumukas yung pinto. Si Ranvell pala. Dinala sya ni Mang Domeng dito kanina dahil hinahanap daw ako ng bata. Ang weird lang na maliban sa paghatid ni Mang Domeng kay Ranvell e may bitbit din syang dalawang bodyguard na nakabantay sa sala. 



Naputol naman ang mahabang isipin na iyon ng marinig ko ang tinig ni Ranvell.


"S-sorry. Ranvell wiwi", sabi nya habang tumatalon-talon pa. Ako naman naghahanap ng pamalit sa damit nya.  "Okay lang yun baby bear, it's not your intention naman, right? Let's go na sa Cr baby, you take a bath na rin."



Pagbukas ko ng pinto, bumungad naman samin yung mukha ni Ara na may mudpack.



"Ay kabayong bundat!", I  shrieked. " Ara naman! Bigla-bigla ka sumusulpot!" 



"Sorry naman beh ha? E manghihingi sana ko ng you-know-what kasi biglaan ako nagkaroon, nakalimutan ko bumili. Oh hi there little Ranvell!", pamewang nyang sagot. Kumaway lang sa kanya yung alaga ko.



"Oh sya kumuha ka dyan sa pangalawang drawer malapit sa kama. Isa lang ha!" Kilala ko yang si Ara e. Paniguradong isang buong plastic ang kukunin nya. Hindi uso sa kanya yung patingi-tingi



"Sira-ulo ka Clemchi! Ano tingin mo sakin adik sa napkin?", she exclaimed. Sinagot ko naman sya ng "K"

Thou Shall Not Mess With A Gangster #Wattys2015Where stories live. Discover now