-Chapter 29-

40 5 1
                                    

Clemente's POV

I'm sooooooo stupid. I almost believe in happy ending. I almost gave in. Almost.

Babe? Bakit hindi ko yun naisip? Ang tanga tanga ko pa din. Dapat naninigurado muna ako bago ako gumawa ng aksyon dahil lahat ng ikikilos ko may kapalit.

So may girlfriend pala siya. I sighed. It's been a week mula nung mangyari yung katangahan ko. The shooting went well naman. Na-finalize na ang script at gumagaan na ang gagawin ko.

Heto ako ngayon sa room namin nila Epi. Nakaheadset at nag-eemote. One week na akong nagpapanggap na masaya no! I badly need this time alone to sort things out. Feel na feel ko yung pinapakinggan kong kanta, the scientist by coldplay.

Ang sakit! Unti unting nagbalik sa alaala ko lahat ng masasayang oras na kasama ko si Ranzel. Yung ihahatid nya ako sa may sakayan pagkatapos ikikiss niya yung forehead ko bago ako sumakay ng jeep. Namimiss ko din yung kapag dumadaan siya sa classroom, kikindat pa siya sa akin tapos mukha siyang ewan! Kainis! Bumubuhos na ang mga pesteng luha sa mata ko.

Nakakatawa talaga ang tao, brokenhearted na nga, makikinig pa ng sad songs para saktan lalo ang sarili. Why dwell in the past, right? Bakit nga ba? Haaaays. Hindi ko din alam. Masokista ata ako.

"Bessybells! Ano ba yang iniiyak mo dyan? Nakita mo na no?"

Huh? Ano ba tong sinasabi ni Epi? Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa harapan ko. Inalis ko ang headset ko at matamang tumingin sa kanya.

"Ano ba yung sinasabi mo?"

"Goodness, di mo pa alam? Okay, wag ka na lang muna lumabas."

"At bakit naman aber?", tanong ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng sasabihin niya

"Basta. Enough na yung kadramahan mo this week okay? Mukha ka na kasing zombie bes. Ako yung nahihirapan sa'yo."

Pagkatapos nun, lumabas na siya at naiwan akong nagtataka sa sinabi niya. Wrong move Epi. Nature na ng tao na mentras mong pigilan, lalong magpupumiglas. Nacurious na ako kaya nag-ayos ako ng sarili ko at lumabas na ng kwarto.

Hmm.. Wala namang kakaiba sa paligid. Tanaw ko na nasa dagat yung cast.. dun sila nagshoot ngayon.

Parang tanga tong si Epi. Lakas mangtrip nun ah. Dahil nga sa ka-lampahan ko ayun may nabangga na naman akong tao.

"Sorry miss---- teka, you look familiar". Kilala ko tong magandang babae na nasa harapan ko ngayon.

Nginitian niya ako.

"Patay na ba ako kaya ipinadala ka ng langit?"

Humagikhik yung babae. Ang cute nya! Aha. Naaalala ko yung mukha na ito.

"Ikaw yung babae.", napaturo ako sa kanya.

"I think I know what you're saying. Ikaw yung dinala ko sa clinic dati?"

"Ay oo! Sabi na e. Pero parang nakita pa kita sa ibang lugar e. Model ka ba? Baka kasi nakita na kita sa mga billboards, yung mga ganun?"

"Naku, sobrang papuri naman yan. Mas maganda ka pa nga sa akin"

Nahampas ko pa sya sa braso. Mahina lang naman, akala mo close na close na ano? I love her na! She's sooooo mabait!

"Sus. Nakakahiya tumabi sa'yo. Mukha kang artista."

"Eto naman. Teka, ikaw lang ba mag-isa dito?", takang tanong niya sa akin.

"No, actually I'm here for work. Ikaw?"

"Work? I thought nagrerelax ka lang dito. Ang ganda kasi nung place no?"

"Yes indeed."

Naglakad lakad na kami habang nagkukuwentuhan.

"Ikaw ba? What brought you here?", tanong ko sa kanya.

"Binisita ko lang yung boyfriend ko. He's here din kasi for work."

"Really? Ano bang work ng boyfriend mo?"

"He's an actor."

Shocks! Ano daw?

"A-artista? May shooting sila dito?"

As far as I know, yung team lang namin ang may shooting dito ngayon.

Now, is it Stephen? Ranzel? Kinabahan ako bigla. Napatitig ako sa babaeng nasa harap ko.

"Y-yung boyfriend mo ba..."


"Juno!", a guy shouted behind us.
"I've been looking for you nandito ka lang pala."

J-juno?

Kaya pala.

Kaya pala sobrang pamilyar siya sa akin. Naalala ko na. Naalala ko na yung huling pagkikita naming dalawa. Nakita ko sila ni Ranzel na magkayakap sa ulan.

I smiled bitterly. So she's Juno?

"Ooppss, hinahanap na pala ako ng boyfriend ko. It was nice meeting you pala Miss---?"

"Babe, she's Clemente." Nakalapit na pala siya sa amin.

"Magkakilala kayo?", Juno asked him

"Scriptwriter namin siya."

"Omg. Really? I heard so many good feedbacks about you Ms. Clemente. Hindi ko na pala ipapakilala yung boyfriend ko.. sino nga ba namang hindi makakakilala sa isang Ranzel Arbenza?", she looked at him and smiled innocently.


Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. Nanliliit ako. Mas higit siya sa akin ng milya milya. Nginitian ko sila bago magpaalam. Atleast hindi naman ako Ipinagpalit sa mas pangit sa akin. Hahaha mas masakit yun.. Mataas naman pala ang standards niya. Feeling ko ang ganda ko din kasi kahilera ko yung ganda ni Juno dahil naging ex ko si Ranzel. Ha ha ha. Mukha akong tanga kasi tumatawa ako habang umiiyak.

And then I saw Epi. Humahangos pa siya nung malapitan niya ako. Then he hugged me.

"Sana lalaki ka na lang bes tapos ikaw na lang mamahalin ko", biro ko pa sa kanya.

"Gaga! Kadiri ka. Ssshh tahan na mukha kang baliw. Sabi sayo wag ka na muna lumabas e"

"Okay lang yun. Okay lang. Sanay na ako. Sanay akong masaktan"

Kapag talaga nandun ang salitang pag-ibig, kaakibat nito ang salitang sakit. Parehong mabigat na emosyon.

Thou Shall Not Mess With A Gangster #Wattys2015Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang