Isa Ako Dun

653 5 0
                                    

Isa Ako Dun
ni Lana Pangilinan
...

Isa ako dun sa mga makasalanan.
Isa ako dun sa mga batang walang pakialam kundi puro pansarili lamang.
Isa ako sa kanila pero minahal mo pa din ako ng lubos.
Isa ako sa kanila pero hindi mo ako hinsugahan nung ang puso ko ay naghihikahos.
Isa ako sa kanila pero para sa akin ay pinasan mo ang krus.

Higit at kailanman ay hindi nagkulang, pagmamahal mo para sa aming mga kasalanan.
Pagibig na bumago sa sanlibutan, hindi ako karapat-dapat pero akin pa ding nakamtan.

Panginoon, ang pagpapatawad na walang dalawang-isip mong ibinigay, ang dugo at pawis mong pinantubos mo sa aming mga kasamaan, ang katotohanang nabuhay ka para mamamatay, sobra-sobra Panginoon. Sobra-sobra ang pag-ibig mong alay.

Hindi ko alam noon kung bakit ba ako nabubuhay, alam ko na ngayon, nabubuhay ako para magpuri sayo ng walang humpay.
Hindi ko alam noon kung ano ang mangyayari sa aking buhay, Hindi ko pa din alam sa ngayon pero kampante ako sa plano mo at alam ko na ikaw ang sa akin ay aalalay.

Hindi sapat ang kahit ano sa kadakilaan mo, Hindi sapat ang kung ano mang material na kayang ibigay ng mundo.
Nag-iisa ka Panginoon. Walang kapantay at kagaya, tagapag-ligtas ng mga tao.

Ngayon, isa na ako dun sa mga kabataan.
Isa ako dun sa mga kabataang nagpupuri sayo.
Isa na ako dun sa mga kabataang nabigyan ng pangalawang pagkakataon dahil sa pagligtas mo.

Isa ako dun. Isa ako sa mga aakyat at sasama sayo para ipagpatuloy ang pagpupuri sa kabutihan mo. Walang hanggan, kailan pa man, nag-iisa ka Panginoon, sa langit o lupa man.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now