Pagbalik

1.7K 22 1
                                    

Pagbalik
by Lana Pangilinan

Nagsimula tayo nang dahil sa isang Biro na sineryoso.
Isang biro na naging dahilan para maging tampulan tayo Ng tukso.
Isang biro na naging dahilan para mahulog Ang loob mo.
Isang biro na naging dahilan para magkaroon ako Ng interes sayo para magulo Ang sistema ko.
Sinubukan ko ang sarili kong magkagusto sayo.
Kaso Hindi ko kinaya.
Bigla-bigla, basta-basta at sobrang bilis na nakuha mo ang loob ko.
Kaso pilit akong binabagabag na "nagbibiruan Lang Naman tayo."
Dagdag mo pa Ang palaging Sabi nila na wag akong mahuhulog sayo dahil Ang totoo, Hindi mo Naman ako sineseryoso​.
Kaya sige, Sabi ko ayoko.
Pero Hindi ko lubos maisip kung bakit pa Nung sumuko ako sayo ay pilit mong sinabi, pilit mong ipinilit sakin na iintayin mo ako!
Na kahit anong mangyari andyan ka lang sa tabi ko!
Na kahit anong mangyari handa kang maghintay dahil sobrang importante ko sayo.
Kaya Sabi ko, sige mahal, hintayin mo ako. Hintayin mo akong mawala Ang takot ko na baka iwan mo din ako.
Na baka pag Mahal na Kita masira lang din tayo. Na baka magaya Lang tayo sa mga magulang ko.
Kaya hinayaan ko yung sarili ko na mag-isip at hanapin yung ako, kase Mahal hindi magiging maayos yung tayo kung Hindi buo yung ako.
Kaso pagbalik ko, Nung maayos na ako, Nung nahanap ko na yung sarili ko, Nung handa na akong maging tayo, Wala ka na! Wala na lang bigla-bigla yung tayo!
Kase Mahal di Gaya Ng sinabi mo, Hindi mo napanindigang iintayin mo ko.
Kase Mahal, pagbalik ko, may iba ka ng gusto.
Pagbalik ko ang pakilala mo sa akin, tropa mo.
Pagbalik ko, imbes na masubukan Kong sumugal at maging masaya para sayo, Lalo lang nadagdagan yung mga takot ko.
Gusto Kong magmura, gusto Kong murahin ka pero hindi ko magawa!
Nasaktan mo ko, di Gaya Ng pangako mong pananatilihin mong maligaya ako.
Pinaasa mo ako Hindi Gaya Ng pangako mong magiging masaya tayo.
Umasa ako na baka sakaling makalimutan ko lahat ng sakit kapag naging tayo.
Kaso Hindi ganon Mahal, dinagdagan mo Lang yung lahat Ng takot at galit ko sa Mundo.
Kaya Mahal pag nagkita ulit tayo, Utang na loob, wag kang ngingiti sa akin ulit, Kasi masakit.
Wag ka ng babalik sakin kase tumitindi lang yung sakit.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon