Sa Pangalawang Pagkakataon

3.1K 37 7
                                    

Sa Pangalawang Pagkakataon
by Lana Pangilinan

Nagsimula Tayo na alam mong meron saking masakit.
Simula't sapul pa lang alam mo na nanubuhay akong may hinanakit.
Kase simula pa lang alam ko Yung pakiramdam ng pinagkakaitan.
Simula pa lang alam ko na yung pakiramdam nang nasasaktan at second option ka lang.
Pagiging Tanga nga daw kung tutuusin.
Pagpayag maging pangalawa, pagpayag na minsan masaya, pagpayag na pampalipas oras ka lang niya!
Pinilit Kong lumayo sayo dahil alam ko na sa simula't sapul na ganon lang din ang magiging papel ko sa buhay mo.
Pero anong ginawa mo?
Lumapit ka at pinagpilitan mo! Na hindi ka katulad niya at dito ka Lang sa tabi ko! Na hindi mo ako iiwan dahil nagiisa lang ako sayo!
Dahil akala ko totoo, na baka nga posibleng may magmahal sa tulad ko, kahit papano umasa ako, na baka sakiling kapag sinubukan Kong sumugal sayo magiging maligaya ako.
Pero putangina ang Tanga Tanga ko! Bakit ba ako naniwalang kahit papano may halaga ako sayo!
Bakit ba ako naniwalang na baka nga totoo, baka nga posibleng totoong Mahal mo ako!
Baka... Baka Lang.
Baka Lang talaga dahil sa pangalawang pagkakataon nasasaktan nanaman ako!
Nasasaktan ako dahil Nakita ko yung saya sa bawat kislap Ng mata mo habang nagtatawanan kayo na parang kayong dalawa lang ang tao sa Mundo.
Sa Mundo niyo kung saan masaya kayo, sa Mundo niyo na walang ako!
Nasasaktan ako dahil hinayaan ko yung sarili Kong magkaganito.
Hinayaan ko yung sarili ko na maging pangalawa nanaman sa buhay Ng taong Mahal ko.
Hinayaan ko yung sarili ko na maging tanga ulit.
Hinayaan ko yung sarili ko na tiisin nanaman ng paulit-ulit yung sakit!
Nasasaktan ako Kasi alam ko sa sarili ko na mas pipiliin ko pa ring manatali sa tabi mo.
Nasasaktan ako dahil alam ko na Basta ako ang kilala at nginingitian Ng pamilya mo hindi ko bibitawan yung posisyon ko.
Nasasaktan ako dahil sa pangalawang pagkakataon... Hahayaan ko na masaktan ako. Basta wag Lang ulit ako iwan, wag mo Lang akong iiwan, handa akong mamatay sa sakit habang nakangiti kapag kaharap ko kayo.
Kapag kaharap ko kayo at bes ang tawagan niyo.
Sige kunwari ayos lang kahit bes with benefits kayo.
Ayos lang kahit na nagmumukha akong tanga dahil kunwari iba ang alam ko.
Kunwari hindi ko alam na may nag-eexist na kayo.
Kunwari hindi ko alam na may namamagitan sa inyo.
Ayos lang sakin Mahal ko.
Sasarilihin ko na lang yung sakit.
Sa pangalawang pagkakataon para sayo, magpapakatanga ako. Sa pangalawang pagkakataon hahayaan ko yung sarili ko na mawasak ulit para sayo.
Hindi para sa kanya kundi para sayo...
Para sayo na nangako na iisa Lang ako.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now