Bakit?

7.8K 109 21
                                    

Bakit?
by Lana Pangilinan

Sa bawat letra ng iyong pangalan,
Na kahit anong pilit ko ay Di ko malimutan,
Sa bawat salitang iyong binitawan,
Na pilit ko mang Di paniwalaan ay akin pa ding pinaringgan.
Sa bawat subok ko na ikaw ay kalimutan,
Mahal hindi ko magawa.
Pilit bumabalik sa aking ala-ala kung paano mo ako pinaniwala na hindi mo ko iiwan.
Na hindi ka tulad niya O tulad Nino man. Na hindi mo ko pababayaan.
Pilit Kong naaalala kung paano ka nangako, ang pangako mong napako, na ako lang.
Dahil simula ng dumating siya, nang nakilala mo siya, nagsimulang puro na lang siya.
Unti-unting nabura ng siya yung ako. Unti-unting nabura niya yung tayo. Dahil simula ng dumating siya?
Mas pinagtuunan mo na ng pansin yung kayo.
Ngayon mahal may mga tanong ako,
Bakit nagkaganon?
Bakit iniwan mo akong nalulunod sa mga tanong kung may pagkukulang ba ko Sayo, anong meron siya na wala ako, bakit hindi mo natupad yung pangako mo...
Mahal bat iniwan mo ako?
Hindi lang yon! Napaka-dami ng mga tanong na pumasok sa isip ko.
Higit kumulang, hindi mabilang, mga salitang hindi ko mabitawan...
Dahil kapag ginawa ko? Ako lang din ang masasaktan.
Kase mahal, matagal ka nang walang pakialam! Matagal mo na akong pinalitan.
Naisin ko mang itanong sa yo kung bakit, Alam ko na kahit kailan ay di ka na tatablan ng sakit.
May mahal ka ng iba, masaya ka na sa kanya.
May mahal Nang iba yung taong para sa akin ay pinakamahalaga.
Sana balang araw, magkita tayo. Sa pagdating ng panahon na yon, sana Kayo pa din. Sana sulit yung Sakit. Sana may silbi yung hindi mo pagsagot sa aking nga bakit.
At sana pagdating ng panahon na yon, hindi ko na ramdam itong SAKIT.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now