Mula Sa Akin

792 11 0
                                    

Mula Sa Akin
ni Lana Pangilinan
...

Magsisimula ako sa gitna.
Magsisimula ako kung saan tayo natulala.
Sisimulan ko ito sa kung saan nawala yung tayo ng parang bula.
Sisimulan ko to sa gitna kasi pagod na akong alalahanin ang simula.

Masaya tayo.
Masaya tayo.... Masaya tayo dati.

Nandoon tayo sa gitna, sa pagitan ng wakas at simula, sa pagitan ng walang hanggan at katapusan, sa pagitan kung saan hindi tayo sigurado sa kung ano tayo pero sigurado tayo na merong tayo.

Nandoon tayo sa gitna.
Nandoon tayo sa kabanata kung saan napunit ang isang pahina dahilan para hindi na maituloy ang akda.
Nandoon tayo sa pahina na nawala.
Naiwan yung tayo sa pahinang nilipad na sa kung saan o sa hanganan ng walang hanggan.

Andun tayo sa gitna, sa kabanata at sa pahina na hindi na muling mababalikan pa dahil wala na. 

Naiwan kita sa gitna...

Binitawan kita sa gitna.

Ako ang unang bumitaw, ako ang siyang umayaw at tumapos sa ating sayaw.
Ako ang pumutol sa kalagitnaan ng ating kanta dahil napagod na ang paa ko na sumabay sa ritmo mo.
Napagod ako sa walang hanggang gitna ng kanta na tila walang katapusan. Napagod na akong maghintay sa magiging dulo ng kwento na ito.

Mahal, pagod na akong sumayaw sa isang kanta na hindi ko alam at Hindi ko maintindihan.
Hindi ko kayang sabayan ang gusto mo na sayaw kung saan kuntento ka sa kung ano tayo.
Hindi ko kayang makuntento sa gitna kung wala ka namang balak pumunta sa dulo. Hindi ko kayang makampante lalo na't Hindi naman kita matawag na pag-aari ko.

Mula sa akin na siyang nang-iwan.
Mahal kita, mahal. Patawad. Paalam.
Mahal kita kahit bumitaw ako.
Mahal kita kahit nahinto sa gitna ang kwento na ito.
Mahal kita, pero mahal ko din ang sarili ko.

Mahal... Kung maisipan mo man akong suyuin, parang awa mo na ay huwag. Mahal kita, oo pero alam ko na kahit ako ang nangiwan ay Hindi ako sapat para sayo.

Hindi ako sapat para tumigil ka sa paglalaro.
Hindi ako sapat na maging dahilan para harapin mo ang totoong mundo.
Hindi ako sapat para tumayo ka sa mga paa mo at sabihing mahal mo ako.
Hindi ako sapat para maituloy yung gitna ng kwento.

Mula sa akin na siyang bumitaw.
Lumaban ako, napagod lang akong marinig ang ako at ikaw.

Spoken Word PoetryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora