Tapos

1.9K 20 1
                                    

Tapos
by Lana Pangilinan

Sa tagal nating nagsama, minsan masaya. Minsan malungkot.
Habang kasama ka, naranasan ko yung maging masaya.
Sayo ko naramdaman na espesyal ako.
Sayo ko naramdaman yung matagal kong ginustong makuha mula sa pamilya ko.
Naranasan ko na maging Malaya habang nasa tabi mo.
Naranasan Kong mamuhay ng walang masyadong problema basta magkasama tayo.
Masaya Naman tayo eh.
Masaya Naman tayo dati.
Kaso wala ngang forever.
Sayo ko din naranasang magtiis.
Sayo ako natutong magtanim ng galit.
Dumating tayo sa punto kung saan lahat ng bagay salungat na tayo.
Magkaiba na tayo ng gusto hanggang sa nagkaroon na din tayo ng magkaibang Mundo.
Lumayo ang loob ko sayo, mahal.
Nawalan na ako ng gana sumugal.
Kase Mahal, hindi na ikaw yan.
Hindi na ikaw yung lalaking sinagot ko ng oo.
Hindi na ikaw yung lalaking masaya na makatabi Lang ako.
Hindi na ikaw yung lalaking handang gumising ng maaga masorpresa Lang ako.
Hindi na ikaw yung lalaking handang kalabanin yung pamilya ko at pamilya mo maging totoo Lang yung tayo.
Hindi na ikaw yung lalaking gandang-ganda sa akin kahit bagong gising ako.
Hindi na ikaw yung lalaking walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
Hindi na ikaw yung lalaking handang intindihin ako kapag sinusumpong ako.
Hindi na ikaw yung lalaking susuyuin ako pag nagtatampo ako.
At higit sa lahat? Hindi na ikaw yung lalaking minahal ko.
At siguro nga, hindi na ako yung babaeng para sayo.
Kaya kahit di ko gusto, oras na siguro para tapusin natin to.
Bigyan na natin ng Tapos yung kabanata nang buhay natin kung saan ang bida ay ikaw at ako.
Tapusin na natin yung pagmamahalan nating dati'y halos perpekto.
Tanggapin na natin Mahal, matagal nang tapos yung tayo.

Spoken Word PoetryUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum