"Ay nako, sa pagdedecide pa lang aabutin na tayo ng siyam siyam. Kung ano na lang mabunot. Lahat naman napanood na natin halos." Sabi ni Kuya.

"Sige game." Sabi namin lahat.

The grudge una naming pinanood since lagi namin nilalagtawan panoorin yun. Nakakatakot kaya. Grabe nakatago na ko sa unan eh. Napapasigaw pa kami. Kahit yung mga lalaki napapasigaw. Pero ganto lang sasabihin nila pag inaasar namin ni Ayin.

"Bakit? Nakakagulat kaya." Yan sinasabi ni Nico.

"Nakakahawa kayong dalawa eh." Yan naman sinasabi ni Per.

"Ano? Kayo lang ba pwede sumigaw at matakot? Kami bawal? Ganon? Tao rin kami noh" Sabi ni Kuya. Oha daming satsat ni Kuya eh.

Pinanood din namin yung Letters to Juliet. Ang ganda grabe eh. Tapos yung What to expect din. Grabe tawa kami ng tawa sabay sabay sila nabuntis at nanganak. Matindi yung isa kasi umatching lang lumabas na baby. Dami naming tawa dun eh. hahahah. Medyo awkward lang sa boys. Pero dun nga sa part na umatching lang eh natawa rin sila. Tapos last yung Three Idiots. Grabe naiiyak ako dun. Ang daming moral lesson. Nakakahiya nga eh kasi katabi ko si Kuya tas si Per sa kabila. Sabi nila masyado ko daw dinadamdam. Eh sa nakakaiyak magagawa nila. Sabi pa ang cry baby ko daw. Tanda tanda ko na masyado daw akong iyakin.

***

Grabe tinatamad pa ko pumasok pero kelangan eh. Heto nga't nakabihis na ko ready to go na. Enjoy kagabi eh. Puro kalokohan habang nanonood kami pati si kuya game na game. After 5 mins pumunta na kaming campus ni Ayin. Pumunta na din kami ng locker para ibalik yung iba naming libro.

Pagkabukas ko na naman ng locker ko may napansin akong sulat. Yun na naman yung nagpadala.

I'm not a photographer but I can picture us together. 

                                                                                                            LessthanThree Ü

Napangiti ako ng bahagya sa totoo lang. Kahit di ko siya kilala kung sino siya natutuwa pa rin ako kasi uso pa pala tong ganto. Hello 20th century na tapos may tao pa palang ganto na marunong pa din magpakilig kahit sa simpleng pasulat sulat lang. Natutuwa ako kasi may lalaki pang ganto. Bihira na lang kasi talaga yung ganto.

Dumiretso na ko ng room after. Puro discussion lang tapos may surprise quiz pero infairness nakakuha akong mataas na score. Nung break time namin magkakasama kaming apat. Kwento kwentuhan as usual. After ng klase namin ni best, dumiretso ko ng headquarters ififinalize na namin kasi yung ipupublish namin newspaper.

"O game, kumpleto na tayo. Tapusin na natin to." Sabi samin ni Elise.

Kanya kanya kami ng gagawin. By partner. Kung ano yung nakatokang gawin dati yun pa rin so kami pa rin ni Kyle ang partner.

"Ano na gagawin natin?" Tanong ko kay Kyle ng di natingin sa kanya.

"Ayes, bat ang cold mo sakin?"

"Ako cold? Kelan pa? Eh ang hot hot ko."

"Suppose to be alam kong nagpapatawa ka pero ang cold ng pakikitungo mo sakin."

"Ano bang ginawa ko?" Dagdag pa niya.

ano raw ginawa eh. bat di mo kaya sa sarili mo itanong yan?

"Ha? Anong sabi mo Ayes?"

"Sabi ko ang bingi mo. Nakakainis ka!"

"Ahh, alam ko na. Sorry pala nung nakaraan. Sabi ko pa man din nun magiging okay na tayo sa wakas. Kaso dumating yung babaeng nagtapon ng juice sayo."

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now