Breaking Part: Twelve

4.7K 208 84
                                    

"You are the wave
I could never tame"

TWELVE

On Thursday night, Ice found out on Twitter that DMU won. Harmony even sent tons of messages in their group chat saying she's already on the hunt for tickets at binabara na rin ito ni Ella. The Game 1 is scheduled this Saturday. SAU and DMU are pretty high on school spirit, and who doesn't love basketball? Bago palang mag Friday sigurado si Ice na ubos na ang mga ticket.

When Ice went to SAU on Friday, halos lahat ng makakasalubong niya ay ang game ang pinaguusapan. Even the kids sa elementary department. Na cancel ang class nila kahapon because Ma'am Claud had an important business meeting to attend so Ice spent her free time with Lex as usual. Susulitin na niya ang mga oras na andito pa ang Kuya niya.

Nag lalaro ang mga bata ng basketball sa isang mini hoop sa play room at si Ice ang naatasang mag bantay sa kanila. May isang batang talon nang talon nang maka shoot ito. Ang tanging naalala lang dito ni Ice ay si Cast dahil sa picture nitong tumatalon sa court like a hyperactive bunny after they won the game yesterday.

Ice heard from Lex that Cast was asking about her, si Stellar daw ang nagsabi na galing naman kay Stefan. Sa tatlong tao pa dumaan ang simpleng pangangamusta ni Cast. He wasn't asking for her number or any way to contact her which was pretty weird. Why not ask her directly diba?

Cast is weird. What did she expect?

Who knows what's in that guys head. Siguro natuwa pa 'yon na sa tatlong tao pa dumaan ang simpleng tanong niya bago makarating sakin.

"Teacher Ice! Teacher Ice! Will you play with us please?" Naka ngusong request ng isang babaeng student kay Ice. Nasa kabilang corner ito, nag lalaro kasama ang tatlo pang babae, they're all wearing blue scrubs like cute little nurses.

Walang nagawa si Ice kundi sumali. She's supposed to interact with students not just watch them.

They spent almost half an hour "Operating" on a teddy bear. Tumigil lang sila when the boys made a commotion by the door. Halos pagkaguluhan ng bata ang dumating.

Hindi pa bumabalik si Ma'am Claud sa meeting nito sa faculty kaya si Ice lang ang nag ma-manage sa mga bata. Akala niya ay si "Teacher Claud" ang dumating.

Imagine Ice's shock when she saw Uno leaning by the door with his arms crossed over his chest, watching her.

Anong ginagawa dito ni Uno?

"Kuya Uno!" The boys exclaimed, looking all excited. Tumatalon pa nga ang iba hindi mapakali sa bagong dating.

Ice checked her watch. She must've been carried away dahil hindi niya napansing malapit na pala mag time. The kids should've been packing their stuff by now.

Nahiya siya bigla dahil first time lang na may makakakita sa kanya na kumanta bukod kay Ma'am Claud and the parents of the kids. Mukhang walang balak umalis si Uno so whether she likes it or not, she has to sing the pack up song.

Tinanggal ni Ice ang kanyang face mask and gloves at nagsimula nang kumanta.

Automatic na kumilos ang mga bata nang marinig ang kanta, kanya kanyang ligpit na ang mga ito ng gamit. Iyong iba ay tumatawa pa at nag uunahan dahil kailangan tapos na din sila pagkatapos ng kanta.

Ice tried to ignore Uno's presence habang kumakanta siya.

Nagawa pa niyang pumunta sa bag niyang malapit lang sa pinto kung saan ito naka tayo and get her phone. May text na dito si Ma'am Claud na hindi pa tapos ang meeting, si Ice daw ang bahalang mag dismiss sa mga bata.

Breaking IceWhere stories live. Discover now