Chapter 40 (part 2)

2.3K 49 3
                                    

(Before the incident)

Belle’s POV

Nag aayos na ko ng gamit ngayon para sa pag alis ko papuntang Canada. Sinabi na naman ni mommy na wag na since pinag shopping nya na naman daw ako pero syempre gusto ko pa ring dalhin yung mga mahahalagang gamit ko para hindi ako masyadong malungkot pag nandun na ko. Sinara ko ang zipper ng maleta ko. Isa lang naman ang dinala ko eh.

Narinig ko ang malakas  na pagbagsak ng pinto galing sa baba at nagulat ako. Walang tao sa bahay dahil nagkataong nag extend pa ang parents ko sa ibang bansa at day off din lahat ng maids since may usapan kami ng barkada na magkikita dito. Kinuha ko ang baril sa drawer ko. Maalam akong gumamit nito since tinuruan ako ni daddy at ni kuya Erik para daw marunong ako magdepensa sa sarili ko kung sakaling may mangyari. Kinasa ko ito at bumuntong hininga bago bumaba.

Parang wala namang kakaiba sa bahay bukod sa main door na nakakawang. Binuksan ko yun at agad na tinutok ang baril pero wala namang tao. Lumabas pa ko ng kaunti para tignan pero wala. Napatingin sakin yung gwardya.

“Bakit po ma’am Belle?” tanong nya. Binaba ko ang baril ko.

 

“Wala bang tao dito kanina?” tanong ko din.

 

“Wala naman po.” Tumango na lang ako at umalis na sya. Napansin ko naman ang dalawang kahon sa paahan ko. Kinabahan ako. Nakatanggap na kasi ako ng kahon dati na may laman na patay na pusa at natakot ako. Pero ngayon, para nagkaroon ako ng urge na buksan ang mga ito. Kinuha ko yun at tumingin ulit sa paligid bago pumasok. Nilapag ko ang baril sa sofa at binuksan ang unang kahon.

May laman itong mga pictures ng barkda at halos lahat ng mukha naming ay barado. Madami ito at may pagkaka sunod sunod ayon sa mga nangyari sa buhay ko. Nagulat na lang ako ng makita ko ang larawan nila Myca, Aaron, Andrew at Luis na pawang mga naka gapos at sugat sugat ang katawan. Tinawagan ko kaagad si Vincent.

 

“H-hello?”  mas lalo akong kinilabutan ng may larawan si Andrew na may nakatutok na baril sa bandang puso at utak nito. Binuksan ko ang kahon at may patay na pusa na naman sa ilalim pero sa ibabaw nito ay mga pictures namin ng puno ng dugo. Parang sinadya itong lagyan.

 

“HELLO BELLE? AYOS KA LANG BA? BAKIT GANYAN YUNG BOSES MO? MAY NANGYARI BA?”sigaw nya na para bang may nangyayari.

 

“May nagpadala sakin ng picture ni Myca na nakagapos pati na rin nila Aaron at Luis na parang nabugbog. Tapos yung isang kahon may patay na pusa tapos nandun yung picture natin at puro dugo yon. Yung part mo lang ang wala. Vincent please pumunta ka na dito. Natatakot na ko. Baka mam ---mmmphhh *toot *toot *toot!”

 

May nagtakip ng panyo sa bibig ka at naghagis ng cell phone ko. Nakapa ko pa ang baril pero naramdaman ko na lang ang masakit na pagtama ng isang bagay sa ulo ko bago ako mawalan ng malay.

 

(Recent)

Nagising ako at kaagad kong naramdaman ang sakit ng katawan ko na parang nakatali. Sinubukan kong gumalaw pero halos malaglag ang puso ko ng maramdaman ko na parang bumaba ako. Anong nangyayari? Nasan ba ko?

“MPPPPPH!” sinubukan kong gumawa ng tunog para may makarinig sakin.

 

“BELLE!” V- Vincent? Bakit sya nandito. Kinakabahan na talaga ko. Gustuhin ko mang gumalaw ay hindi ko magawa. “BELLE WAG KA MUNANG GUMALAW PLEASE. MAY TUBIG SA ILALIM MO!” sigaw nya ulit. “WALANG HIYA KA ANONG GAGAWIN MO SA KANYA?”  naiiyak na ko. Muntikan na naman kasing lumaglag ang kinauupuan ko kahit hindi ako gumagalaw pero tumaas din naman ako at may nagtanggal ng piring sa mata at bibig ko.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon