Chapter 29

3.3K 70 13
                                    

Vincent's POV

A year of training and enhancing our skills.Buong taon naming pinagaralan ang mga ginagawa ng mga dating lumaban sa gang war para alam namin kung ano ang dapat naming paghandaan. Sa isang taon na yun, mas lalong tumibay ang samahan namin ng Dark 5. Marami kaming natutunan sa isa’t – isa at alam ko na magagamit namin yun sa mga makakalaban namin.

Naging confident kami sa first 10 fights dahil kahit malakas sila, lumang strategies ang ginamit nila at lahat ng yun ay napagaralan namin. Akala ko nga mamamatay kami dun eh. Maswerte na rin kami sa tingin ko kasi busy lahat ng gang masters kaya halos parang mga ka –level lang namin ang pinalaban samin ng gang elders. Ang saklap lang kasi natamaan ng sobra si Luis. Yun yung surprise samin. Hindi sila gang masters pero medyo matagal na sila sa gang world kaya nahirapan kaming kalabanin sila.

Binisita din ni Kyzelle si Luis sa hospital and I’m surprised na sya pala yung kinekwento ni Luis samin. Bumait si Kyzelle ng makita ko ulit sya pero nakikita ko na sobrang nasasaktan sya kasi hanggang ngayon hindi parin gumigising si Luis.

Sa last fight namin, kulang na kami pero nanalo parin kami. Isang connection na lang ang kailangan namin at makukuha na namin ang hinahanap namin for almost 4 years. Napuruhan din si Aaron pero buti na lang at malakas sya. Nung nag – uusap sila ni Belle, narinig ko yun. Ni loud speaker nya kasi. Ako mismo ang nagsabi na may kausap ako dahil hindi pa ako handang kausapin sya.

Nung isang araw naka salubong ko ang tatay nya at nag – usap kami.

“You’re Dave Roxas right?”tanong nya na puno ng awtoridad ang boses nya. Tumango lang ako. “I wonder kung bakit sumasama ka pa sa mga gang fights na ‘to kung alam mo namang may company ka na hahawakan soon.”

                                                                                                                                                                                     

“I know that you know everything sir. This is for my family.”Sinusibukan kong maging magalang kahit hindi ko ugali ‘tong ganto.

“You better hurry up doing things Dave. Pag nabalitaan ng business world na sumabak ka sa gang war, pwede mong mapabagsak ang sarili nyong company. At isa pa, kung gusto mong makasama ang anak ko, prove to me that you’re worth it.”

 

“I will sir.”Sabi ko habang nakatungo. I know what he means.

“This is the invitation for Belle’s debut. At isa pa, wag kang puro salita dahil kahit sabihin pa ng anak ko na mahal kanya, as long as I can’t see that you’re worth it, I will never allow you to be together.”Sabi nya at umalis na.Tiningnan ko ang invitation at halatang halata na engrande ang magiging birthday nya. Nagtataka nga ako kung bakit naging mabait si Belle kahit sobrang spoiled nya.

Napaisip ako ng sobra sa sinabi ng tatay nya.

“Kung gusto mong makasama ang anak ko, prove to me that you’re worth it.”

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon