Chapter 38 (part 3)

2.5K 50 8
                                    

Kyzelle’s POV

F*ck!

Hindi ko masara yung zipper sa tagiliran  ng gown ko. “AAAAAARGH!” I shouted out of frustration. Kasya pa naman ‘to nung binigay sakin ni baboy (Luis) eh. Bumukas ang pinto at pumasok sya.

 

“Bakit?” sinamaan ko sya ng tingin.

 

“Hayop na’to. Pinasikipan mo ‘to no?” tanong ko.

 

“Of course not. Ni hindi mo nga ako pinapayagang pumasok dito sa kwarto mo tapos tatanungin mo ko ng ganyan?” he smiled naughtily tapos niyakap ako sa likod at pinisil ang tyan ko. “Pano ba yan babes, mukhang tama talaga ng babes ang tawag ko saya dahil tumataba ka na. Baka nga mas magmukhang baboy ka pa sakin eh.” Sinikmuraan ko sya kaya napabitaw sya.

 

“Gago! Itutulad mo pa ko sayo eh inahing baboy ka na nga.” Pumasok ako ng closet at nagpalit na lang ng pambahay. Ayoko ng um – attend.

Paglabas ko nakangiti na naman sya. “Babes. Lika dali.” Tapos yung mukha nya parang nang aasar dahil parang nagpipigil lang sya ng tawa. Lumapit ako sa kanya at hinigit ang buhok nya.

 

“G-gago ka talaga. Sige asarin mo pa ko. Break na tayo letche.” Sabi ko sabay labas ng kwarto. Nagpunta ako ng garden at nagpatuloy na magmura sa  isip ko. Nakakairita! Kasalanan ko bang matakam ng sobra sa mga pagkain? Saka binibigay nya rin naman kasi sakin lahat kaya ako tumataba eh.

Suddenly I felt so weak at bigla na lang tumulo ang mga luha ko. I brushed it harshly but they won’t stop. F*ck! And since when did a Kyzelle Go become sensitive? Naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko at dahan dahan nya kong tinayo.

 

“Hey hon stop crying na okay? Sorry na.” then he kisses my hair dahil nakayakap sya sakin.

 

“S-stop calling those stupid f*cking names. I’m not one of your whores.” Reklamo ko.

 

“Of course you’re not. I call them darling.” Tinulak ko na sya at umupo ulit sa swing. Napaka gago talaga. Hindi nya ba talaga nararamdaman na naiirita na ko sa ugali nya? Parang pinamukha nya na rin sakin na marami na nga syang na ikama. Tinayo nya ulit ako pero nagpupumiglas ako but in the end natayo nya ko. “Sorry na Zelle. I was only trying to tease you that time. At isa pa you’re the first one to call me jerk, assh*le, stupid tapos naging baboy pa. Kung ayaw mo then I will just call you by your name okay?”

 

“So ganun ginagantihan mo na ko. Akala ko ba susundin mo lahat ng gusto ko eh bakit ngayon nakikisabay ka na ha?” reklamo ko ulit. Aish! Why won’t these tears stop flowing?

 

“Hindi naman sa ganun. Minsan kasi feeling ko natatapakan mo na yung ego at pagkalalaki ko kaya hindi ko maiwasan na barahin ka. At isa pa nasanay na kasi ako na lagi kang lumalaban at nananalo sakin eh. Bakit ka ba umiiyak ngayon?” tanong nya habang pinupunasan ang mga luha ko. Tumingin ako sa isang side.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon