Chapter 7

7K 131 2
                                    

Vincent's POV

"Pre ba't dyan pa tayo mag - aaral? Masyado daw strict dyan ah." reklamo ko kay Andrew.

Si Andrew Go ang pinaka matalino samin. Pero sa academics yun. Napakatahimik din nyan pero lagi mong maaasahan sa mga problema mo. Kaso minsan nakakakilabot din yung paraan ng pag resolba nya sa problema dahil kumplikado syang mag isip.

Si Luis Tan ang pinaka chick boy samin. Pinaninindigan masyado ang pagiging gangster kaya madaming flings. Matinik din yan sa mga labanan. Kaso pag nang - iinis sya yung unang napipikon.

Si Miguel Smith ang pinaka madaldal samin.Mahilig yang mang - trip at mang - asar ng babae kaya madaming bwisit dyan.

Si Aaron Tolentino ang sporty samin. Kaya ang mga stunts nyan sa battles masyadong madugo. Masyado din yang seryoso.

At syempre ako, si Dave Vincent Roxas. Ang leader ng gang. Mabilis mag - init ang ulo ko at hindi uso sakin ang salitang pasensya. Kaya madalas, may kaaway ako. Ganun ako sa mga taong hindi ko ka - close. Sa pamilya ko lang at sa mga ka - gang ko ako mapagkumbaba pero minsan short - tempered talaga ako. Moody din ako kaya walang nakakatagal sa pakikipag - usap sakin.

Magpipinsan kaming lima. Lima kasing magkakapatid sina papa at yung apat ay babae.Kaya ang family name namin Roxas.

Kilala ang Dark 5 dahil wala pang nakakapag patumba samin. Kinatatakutan din kami sa Korea kaya walang bumabangga samin. 3 years ago, normal na mga tao lang naman kami. Pero matapos ang aksidenteng yun, ginusto na naming maghiganti. Hindi kami pinipigilan ng mga pamilya namin dahil kahit sila hindi rin nila matanggap ang nangyari. Kaya binigyan nila kami ng pera at mga gamit para makapag hanap.

May kapatid akong babae, si Michelle Roxas.

Halos magkakadikit na ang bituka namin ng Dark 5 kasi sa isang condo lang kami nakatira. Malaki naman yun.

"What's wrong with that? Come on bro. We've been playing a lot this summer, it's time to take academics seriously." buhay nga naman oh. Hindi naman pwedeng tanggihan to kasi lagot din ako sa tatay ko. Porket matalino sya eh. Matalino rin naman kami kaso tamad lang.

"Oo na." sabi ko with irritated voice. First day namin ngayon at putcha, ang daming babae eh.Ang gugulo pa. Kaya halos 20 minutes bago kami makapasok.

Sa classroom naman may babaeng galit na galit na tinawag pa kaming mga peste kaya ayun napag salitaan ko. And I guess she is the great "Coleen Isabelle Miranda". Sya daw ang pasimuno ng lahat ng strict rules dito. Tss, hindi nya ko kaya.

Ayun nag - uwian na kami. Psh. BORING. Kumuha na lang ako ng beer at iinom dapat ako ng pigilan ako ni Aaron.

"Brad may pasok tayo bukas. Tiisin mo na yan hanggang Friday." nak ng! Sumbungero din 'tong mga 'to eh.

"Aish. Bahala na nga." tapos tuluyan nya na ngang kinuha yung beer at binalik sa ref. Ahhh. Bwisit!

Kinabukasan papasok na naman. Hindi naman pwedeng hindi kasi election. Gusto kong maging officer pero kahit vice president lang. Matindi kapit nung Belle sa pagiging presidente eh. Yun nga nagbotohan na. Langya huli pa vice president gusto ko ng mag ditch.

Nung na nominate ako sa escort tumanggi agad ako. Walang kwenta naman yun eh. Tapos nung naging nominee na ko bilang V.P. dinaya ko saglit yung botohan. Wala trip ko lang bored na ko eh. Tinakot ko yung kaklase ko at sinabing mag double vote sila. Nakakatawa nga yung mukha ni Belle eh. Inis na inis na.

Nung na tally naman yung mga votes, hindi nya matanggap na ako ang nanalo. Actually tinakot ko ulit yung iba naming mga kaklase kasi malakas din kapit nung James na yun.

Nung pauwi na kami may nakita kaming 4 na babae at isang lalaki. Namukhaan ko yung lalaki kasi member yan ng isang gang dati. Mga ex - convict nga yan mga yan.

"Pre sundan natin 'tong mga 'to. Parang may biktima ngayon eh." yun nga sinundan namin. Kanina lang atat na atat akong umuwi pero na - curious talaga ako dun sa mga yun eh.

Tumigil sila sa may playground. Lintik na! Ano 'tong mga 'to maglalaro? Pero may nakita akong babaeng nakatalikod. Naka upo sya sa may swing at naka - uniform katulad ng sa university namin. Inintay ko muna kung anong gagawin nila. Tumakbo yung babae at nakita ko na si Belle pala yun. Nahuli naman sya nung lalaki at tinali gamit ang kawad. Hinintay ko ulit kung ano pang gagawin nila.

Sinampal sya nang dalawang beses at iyak na sya ng iyak. Pero nung nakita kong maghuhubad na ng sinturon yung lalaki sinabi ko na sa mga ka - gang ko na tulungan si Belle. Sinimulan na naming bugbugin yung lima kahit pa babae yung apat sa kanila. Nabigla na lang ako ng makita kong may kutsilyo yung babae pero nasipa ko naman agad yun. Maya- maya dumating na yung mga pulis.

Si Andrew na lang ang kumausap sa kanila. May connection kasi yan sa pulisya kaya pinakinggan agad sya. Inuwi ko muna si Belle sa condo ko para lang gamutin yung mga sugat nya kaso nahirapan sya kasi naka motor kami. Nahimatay naman sya pagkababa ng motor sa tapat ng tower ng condo ko kaya binuhat ko na lang sya. Medyo mabigat din sya pero malakas ako kaya kaya ko sya.

"Do you need any help sir?" tanong nung isang guard. I just shook my head to say no. Inakyat ko na sya sa condo ko. Akin lang talaga 'to. Dun kasi kami natutulog ng Dark 5 sa condong bigay samin ni papa.

Pinunasan ko yung mukha nya habang tulog sya. Parang anghel yung mukha nya. Nagising naman ako sa katotohanan nung gumalaw sya. Nakaramdam din ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko at inisip ko na imposibleng mangyari yun dahil kahapon lang kami nagkakilala. At isa pa ...

Hindi pa ko pwedeng mag mahal......

May misyon pa kong kailangang gawin kaya hindi pa ko pwedeng magka gusto sa kahit sino. Madi - distract lang ako at alam kong mapapahamak din ang babaeng mamahalin ko kung sakaling mas gagamitin ko ang puso ko kesa sa utak ko.

May container ng coffee beans akong nakita sa tabi ng kama kaya pinaamoy ko yun sa kanya. 7 p.m. na din kasi. 5 : 30 pa awas namin baka hinahanap na 'to.

Nung nagising sya, ginamot ko saglit yung sugat nya sa kamay at naramdaman kong nakatitig sya sakin. Sinita ko kaagad sya kasi pag nagka gusto sya sakin alam kong masasaktan lang sya at malalagay lang ang buhay nya sa alanganin.

After 10 minutes natapos ko na yung pag gamot ko sa kamay nya. Grabe, ang daldal nya.Pero yung kamay nya ang lambot parang pambata tapos ang kinis nya pa. Haist.... ano ba 'tong iniisip ko? Pero para matahimik din sya nginitian ko sya at ayun tunaw ahahaha...

Corny ko!

Tinuro nya sakin yung daan sa bahay nila kaya bumaba na rin ako para magpaliwanag. Gentleman din naman ako kahit papano. Ano namang kayang sasabihin ng mga magulang nya?

Written by: dazzledeyez

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon