Chapter 35 (part 1)

2.8K 51 7
                                    

Belle’s POV

 

“WOOOOH! Ang lamig eh.” Reklamo ni Anne.

 

“Tss, Malamang December na eh.” Hay! Eto na naman ‘tong dalawang ‘to. Wala ng nagbago. Pareho kasi silang nagkakatoyo kapag may dalaw. Buti na lang ako madalang lang. And yes, December na. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang nag – 18 ako tapos ngayon magpa – pasko na, and to think pa na 3 months na lang eh gra – graduate na kami.

“May damit na ba kayo para bukas?” tanong ko sa kanila.

 

“Yeah, sabay kaming bumili last week eh.” tanong ni Anne. Tumango na lang ako. Lately, napapansin ko na mas cheerful na si Anne. Cheerful parin naman si Myca pero hindi na katulad ng dati. Parang may tinatago syang something eh. Nung tinanong ko naman sya wala naman daw.“Ah guys, anong plano nyo for college? I mean sang university kayo?”

                                                                                                                                                                                    

“Baka mag – Manila ako eh. Ewan ko lang. Bahala na kung san makapasa.” Walang buhay na sagot ni Myca. Tumingin naman ako kay Anne.

 

“Ewan? Baka magkasama parin kami ni Myca. Ikaw Belle, wala kang nakwe – kwento samin eh.”

 

“Nag – exam ako sa ibang university sa Manila pero nag – exam ako sa Princeton Academy.” Paliwanag ko.

“Ha?!? Eh diba sa ibang bansa yun?” gulat na tanong ni Myca.

“Ah – yeah. Gusto kasi nila daddy na dun ako mag college kasi mas maganda daw dun.” Napatahimik na lang kami. Pag kasi si daddy na ang nag decide wala na kong magagawa. Saka isa pa, malaking advantage din naman kasi talaga pag sa mga ganung school ako mag – aaral eh. Ako pa naman magmamana ng halos kalahati ng mga business namin dahil kay kuya yung 60 % ata o 65 %. Ayos lang naman sakin yun eh. Mas konting stress hehe.

>>kinabukasan>>

 

“Okay guys, dahil hindi natuloy ang Christmas Ball natin, our principal allowed everyone na magkaron ng Christmas Dating mamayang 5: 30 p.m. hanggang 9:00 p.m. Pwede kayong bumalik mamaya tutal hanggang 3 p.m. lang naman tayo. So enjoy everyone.” Announce ng assistant principal namin. Rinig na naman yun sa buong school dahil may speaker kami sa bawat side ng school.

“Tss, daming kaartehan eh. Nawala nga yung ball may dating naman, corny! Eh diba parehas lang yun?” reklamo ni Myca. Magkakasama kaming 3 sa isang table pero kasama din namin lahat ng members ng Dark 5.

 

“Ang bitter mo masyado ah! Hoy Aaron! Kung ako sayo yayayain ko na ‘tong si Myca. Ayaw nyo na lang kasing umamin na mahal nyo na isa’t – isa eh. Dami pang kaartehan.” Pang –aasar naman ni Anne. Natawa kaming lahat at namula yung dalawa. Totoo naman kasi. Obvious na obvious na mahal na nila ang isa’t – isa pero walang gumagawa ng moves kaya nganga lang sila. “Oh kayong dalawa? Anong balak nyo? Bat kasi hindi nyo na lang ituloy yung mga gusto nyong gawin. Kung makapag – on and off kayo parang mag syota lang ah.” Sermon naman sakin ni Anne. Samin pala ni Vincent.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon