Chapter 13

4.8K 98 2
                                    

A/N: guys first  update ko po ito for this day. One month na kasi ang M.S.A.G. kaya gumawa ako ng special chapter for the main characters parin naman. Kaya 7 chapters ang ia - update ko ngayong araw. Pinagsama ko na lang yung 17 at 18 para hindi masyadong mahaba. Chapter 19 po yung monthsarry special ^_^V

Vincent's POV

"Pre ano ka ba? Hindi mo ba napansin yung bakal na dala nya? Bakit nawala ka sa focus ha?"sabi ni Andrew habang inaayos yung gamit nya. Nabangasan kasi ako kanina. Langyang yun madaya! May dala pa lang bakal. Buti na lang nanalo kami. Kaso konting connection lang binigay nya samin.

Wala naman pa lang kwenta! Nabangasan pa mukha ko. Hindi ko rin alam kung bakit nawala ako sa focus.

"Hoy Dave, ayos na ba gamit mo? Kanina ka pa busy sa laptop mo ah!" sita sakin ni Luis. Nyemas tong mga to. Pakialamero eh. Nagre research kasi ako sa blog ni Belle. Main informations lang naman nandito. Walang mga favorites, likes and dislikes. Ang gusto nya daw kasi, pag liligawan sya, magpapakahirap yung lalaki na maghanap ng info. tungkol sa kanya. Choosy! Babae talaga oo!!!

"Ayos na kahapon pa!" Ka chat ko kasi si Myca ngayon. Nagawan ko ng paraan na mag salita sya kasi may gusto sya dito sa Korea. Yun binili ko, tapos sinabi nya lahat ng kailangan ko.

"Pre, napag desisyunan mo na ba?"sabi ni Aaron sabay akbat sakin. Actually hindi pa eh.

"Hindi pa pre. Pero nagta tanong tanong na rin ako."kay Aaron ko nasasabi lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng sikreto ko alam nyan. Sya kasi pinaka close ko. Pag dun sa tatlong kumag wala akong mapapala eh. Pag kay Aaron marami 'tong alam.

"Geh ayos yan tol. Pero out mo na yan aalis na tayo." ginawa ko yung sinabi nya. Pauwi na kasi kami ng Pilipinas ngayon. Hayy makikita ko na ulit si Belle bukas.

Naamin ko na rin sa sarili ko na gusto ko sya. Sa dami ng nangyari last week, nag iba na talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero tama si Aaron, wag munang unahin ang puso. May kailangan pa kaming tapusin eh. Nilagay ko sa bag ko yung kwintas na ibibigay ko kay Belle. Mahal din yun pero ayos lang basta para sa kanya.

Kainis, nagiging corny na ko! Kabanas lang!

Grabe ilang hours na flight din to. Parang sayang lang lakad namin. Wala ring silbi yung nakausap namin. Hilata na naman ako pag uwi. Kamusta na kaya si Belle?

»»»»Kinabukasan

"Hoy Dave! Atat kang pumasok ah. Excited kang makipag harutan kay Belle eh." sabi ni Miguel.

"Lul. Wag ka ng mangialam pre. Una na ko ha. Kukupad nyo eh!" nag motor ako papasok para mabilis. Naks, alas syete pa lang. First time ko to eh. Lagi kasi kaming pumapasok pag malapit ng mag bell. Pero maaga namang pumasok sina Belle eh, kaya okay lang din.

Nagtitinginan sakin yung mga estudyante. Katangahan ba naman ni Myca ang pinabili malaking stuff toy na domo. I just glared sa mga tumitingin. Hindi naman daw mahilig si Belle sa domo kaya hindi sya magseselos kung bibigyan ko ng domo si Myca. Saka ang mahal kaya ng binili ko sa kanya.

Nakita ko si Belle pero may katabi syang lalaki. Si James. Lintik na! Nagtatawanan pa eh. Naka upo kasi sila sa para balluster sa tapat ng room nilampasan ko lang sila.

Binigay ko naman agad kay Myca yung domo."Wahhh thank you Dave ang bait mo!!!" At yun, mukha syang tanga na niyayapos yung domo. Napatingin naman ako kay Anne. Binigay ko sa kanya yung dalawang kahon ng Meiji na chocolate. Nagtanong pa kasi si Myca dito ng ibang impormasyon eh.

"Thank youuu."tapos parang kumikinang pa mata nya. Parang bata psh. Nakita ko namang pumasok si Belle.

"Ow, Mr. Roxas your back!"sabi nya sarcastically.

"Miss me?"pagbi biro ko. Para naman syang nabagsakan ng kung ano kasi sumimangot sya.

"Of course not. May balak ka pa pa lang pumasok ha?" bat ba ang sarcastic nya? Ayoko ng mag salita baka kasi mag init pa ulo nya. Moody daw to sabi ni Myca. Binigay ko na lang sa kanya yung red box na may laman na kwintas. "Ano to? suhol?" ugh I hate that tone already.

"Bahala ka, isipin mo na lang kung anong gusto mong isipin." then I walked out. Naiinis na nga ako kasi kasama nya si James tapos ang sarcastic at cold nya pa.

Nyemas.

Inisip ko ulit, baka naman masaktan lang ako kasi parang may James na sya eh. Kaso parang hindi nya naman gusto?

Hay ewan!!!

Pero I think I've made my decision.
 
I'll be her admirer,

Her secret admirer...

Written by: dazzledeyez

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon