Chapter 4

7.2K 121 0
                                    

Belle's POV

"Wow sis, ang haggard mo na ah. Bat kasi ayaw mo pang ipamigay yang posisyon mo? Nakakapagod masyado yan diba?"tanong ni Anne.

"Haggard na ba? Oo nga nakakapagod at nakaka stress ang posisyon ko. Pero nakita mo naman siguro yung past group of officers diba? Ayokong mangyari ulit yun satin kaya enjoy na lang kahit mahirap." dati kasi ang mga officers namin nung elementary sa ibang school, they just use their positions for fame and connections. Pag ayaw nila sayo, ibu - bully ka nila.


Kaya nga I'm trying to be strict when it comes to our school rules.

"Nakakatakot  ma - bully. Sis, sorry ha. Hindi ako makakasabay sayo. Text mo na lang driver mo, may pupuntahan kasi kami ni Myca. May pinapaayos yung mommy nya." mag pinsan kasi si Myca at Anne kaya madalas samin nasama si Myca. Obvious din naman na magpinsan sila sa ugali kasi pareho silang kalog.

"Maglalakad muna ako, Kailangan ko ng fresh air eh. Sa playground na lang ako pupunta, Bye, ingat." sabi ko then nagbeso beso at umalis na. I started walking out of the school. "Bye kuya guard." bati ko kay kuya. Sumaludo naman sya sakin. Close din kasi ako sa mga tauhan sa school aside from the teachers and our principal. Pero hindi ako sipsip ha.

Naglakad ako papuntang playground. Dito kasi, I feel realxed. Walang bata ngayon. I stared at the space blankly and it leaded me from reminiscing the past.

6 years ago

"Ate please, regalo po kasi sakin yan ng papa ko eh." nakita ko si Anne na umiiyak habang inaagaw nya kay ate Patricia yung bag nya na galing pang New York.

"Hindi mo bibitawan ha?Akin na kasi, ang damot mo naman eh." grade 5 kami nun. Si ate Patricia 2nd year na. Sya ang vice president ng student council namin.Ibang school pa 'to. Nakita ko naman na may hawak na belt si ate kaya tumakbo na ko at tinulak ko sya.

"Ate ang sama sama mo. Bata pa yan pinapatulan mo? Bad ka." pinagpapalo ko sya gamit ang kamay ko. Nahuli naman nya yun at tinali.

"Pasaway kang bata ka ha." tapos tinali nya ko sa puno ng mangga sa garden. Sa kabilang side ko naman si Anne. Iyak na kami ng iyak kasi maraming langgam dito. Pula pa naman. Tumawa ng tumawa si ate Patricia pati yung mga alipores nya na kadadating lang. Bigla namang sumipol si Ma'am Leah. Ang school principal namin. Sa tabi nya si Carlo.

Siguro si Carlo ang nagsumbong sa kanila. Ang balit ko na kick out na yung mga officers. Pero kahit ganon, nilipat pa rin kami ng parents namin ni Anne at Carlo sa ibang school.


Dun ko siguro talaga na realize na crush ko si Carlo. All in one na kasi sya eh. Matalino, gwapo, mabait, gentleman, basta lahat na. Kaso nung grade 7 kami nagka gusto sya kay Myca at nalaman ko na crush din ni Myca si Carlo kaya medyo nagalit ako kay Myca. Pero peace na kami ngayon.

Ang hindi ko lang alam kung bakit ngayon, gusto ko parin si Carlo. Pero hindi na katulad dati. Buhay nga naman diba. Ako kaya kailan ako mamahalin?Well hindi naman sa pagyayabang pero I have a lot of suitors. But then, that was last year pa, biglang nawala eh.

Minsan nga lang naiiyak na talaga ako kasi M.U. si Carlo at Myca. Si Anne naman may ka M.U. din sa ibang section. Nakalimutan ko lang yung name. Forever alone ata ako eh.

Out of nowhere may nakita akong apat na babae at isang lalaki.

Written by: dazzledeyez

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon