Chapter 40 (part 1)

2.6K 52 1
                                    

Luis’ POV

Nagdilim ang paningin ko sa nakita ko.

Ang larawan ni Kyzelle kasama ang nanay ni Vincent na si tita Jasmine. After all this years na naghahanap kami nasa kanya lang pala ang nanay ng pinsan ko? Baka naman nasa kanya rin ang mga nanay nila Andrew. I stormed to our house as soon as possible. Nakita kong napatalon sa gulat si Kyzelle.

 

“What the f*cking hell is this?” binato ko sa kanya ang  mga larawan na natanggap ko at pinulot nya naman ang isa dito.

 

“Picture ko with ate Jasmine, bakit?” sabi nya na parang takang taka pa. Nasipa ko ang lamesa kaya nagulat na naman sya. “Pwede ba wag mo kong gulatin! Kasasabi lang ng doctor na masama akong nagugulat tapos ikaw naman yung gumagawa ng paraaan. Ano ba kasing problema mo ha?” huminahon ako ng kaunti dahil ayoko rin namang mawala samin ang baby namin.

 

“Kelan mo pa sya nakasama?” tanong ko habang tiim ang bagang.

 

“Hindi ko na maalala. Basta ang natatandaan ko lang eh pinakilala sya sakin ni daddy bilang katulong. Simula non sya na ang nag alaga sakin. At isa pa, nung kinausap ko sya tungkol sa buhay nya tanging first name at yung dalawang anak nya lang ang naaalala nya. Ano ba kasing problema?” tumaas na rin ang boses nya.

 

“F*ck it! Why didn’t you even tell me? Alam mo ba sya ang nanay ni Vincent?” sigaw ko ulit. Parang nagulat naman sya.

“Of course not. Edi sana una pa lang sinabi ko na sayo. At ano bang gusto mong palabasin dito ha.”

 

“Umamin ka nga. Ang tatay mo ba ang dahilan kung bakit nawala ang mga nanay namin at kaya namatay si mama?” As if on cue tumulo ang mga luha nya.

 

“W-what? Alam kong masama si daddy pero he only hurt people physically but it doesn’t mean he can already kill anyone!” nanghina na sya.

 

“That’s impossible Kyzelle. You know that’s f*cking impossible.” Sinampal nya ko.

 

“Gago ka! Binigay ko sayo lahat lahat sakin tapos eto igaganti mo sakin. Alam kong masamang tao tatay ko pero mahal nya ko at hindi nya kayang pumatay.” Sabay takbo. Natauhan lang ako ng bumagsak ang picture frame naming dalawa dahil sa lakas ng pagbagsak nya sa pinto. Mali ito! Shit! Why did I even accuse her! F*ck!

Tatawid sana sya ng may humarang na van at nilagyan sya ng panyo sa bibig. Ang bilis ng pangyayari dahil pagkaandar ng van ay bumukas ang bintana nito at bigla na lang may nagpaputok. Saka ko lang naramdaman ang sakit sa may tyan ko.

 

Vincent’s POV

Pumunta kaagad ako kayna Luis dahil tumawag sya kanina at may tao na lang na kumausap sa kanya. Parang delivery ata. Kinakausap ko sya pero parang binato nya pa ata ang cell phone nya dahil hindi ko na sya matawagan.

Pagkadating ko dun ay nakita ko ang mga bakas ng dugo. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Dali dali akong pumasok sa bahay at nakita ko ang basag na picture frame. Kinabahan na ako. Pinasok ko lahat ng kwarto sa bahay pero wala. Isa na lang, ang kwarto ni Kyzelle. Nag deretso ako sa banyo at nakita ko ang tumutulong dugo sa salamin at ang patay na pusa sa lababo. Mukhang dun nanggaling yun.

My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon