Hello NINETEEN

890 26 7
                                    

Hello NINETEEN

THIRD PERSON'S POV


'MOM, PARAAN SA 'TO?'

'Can't you see? It's a carnival passes. It's for you, for Mau and for the kids.'

Naka-upo lang sa sofa na parang donya ang Mommy ni Exe habang siya ay nakatayo pa din at gulat na gulat.

Kahapon ay kausap lang niya ang Mommy niya sa telepono. Ngayon, umagang-umaga pa lang ay bigla na lamang itong bumisita sa bahay niya. Ang himbing-himbing ng tulog niya ng bigla siyang ginising ni Mau at sinabing nandito ang Mommy niya.

'Umuwi lang po kayo dito galing Singapore para ibigay ito? Nagsasayang lang kayo ng pera at oras, Mom.'

'I'm not and it's okay sweetie. I'm used to it already.'

'Pero hindi na po namin kailangan pang pumunta sa carnival. Masaya at nage-enjoy naman po kami dito sa bahay.'

'Liar. The kids requested it. Gusto raw nilang mag-enjoy at gusto nila sa carnival.'

'Okay, fine. 3 passes will do.' inilapag niya ang isang pass sa mesa na nasa pagitan niya at ng kanyang Mommy.

'And why?'

'I'm not going.' biglang napatayo si Mommy Mands dahil sa sinabi ng anak.

'WHAT DID YOU SAY EXEQUIEL LINESES? DON'T YOU DARE SAY THAT YOU'RE NOT GOING OR ELSE I WILL KILL YOU!'

Ang mala donyang Mommy ni Exe ay naging si Godzilla. Isipin niyo na lang si Godzilla na natatakam na kumain ng isang tao. 

'O-o-okay Mom. N-no need to shout.'

Dahil sa takot walang nagawa si Exe kundi pumayag na lamang. Kinuha niya ulit ang isang pass sa mesa.

Kumalma naman si Mommy Mands.

'That's good sweetie.' inayos nito ang sarili at kinuha ang bag at coat na nasa sofa. 'Well, aalis na ako at babalik pa ako sa Singapore. Mag-enjoy kayo, okay?'

Hinalikan nito sa pisnge si Exe at naglakad na paalis ngunit bigla itong tumigil at lumingon ulit kay Exe.

'Oh, I forgot to tell you. I also gave passes to Jeur and Clark. That's all. Bye, sweetie.' tuluyan na nga itong umalis.

Sinabunutan ni Exe ang sarili dahil sa inis.

 'Nakakainis na buhay 'to. Makatulog na nga lang ulit at baka may pag-asa pang maging panaginip lang ang nangyari.' nagdadabog na bumalik ito sa kwarto niya.

------------------

CARNIVAL DAY


'WOW MAY FERRIS WHEEL.' mangha-manghang saad ni Fern.

'Mayroon ding Roller Coaster.' excited ding sabi ni Gorby habang tumatalon.

Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ni Exequiel. At yun ay ang araw na ito. Magkasama sina Mau, Fern, Gorby at Exequiel ngayon habang sina Jeur at Clark ay papunta pa lang.

'Daddy, sasakay tayo sa lahat ng rides na yan hindi ba?'

Nakasimangot na napatango lang si Exe sa tanong ni Gorby. Ayaw na ayaw niya talagang pumunta sa carnival. 7 years old siya nun ng magkaroon ng phobia sa isang ride.

'EXEQUIEL.'

Napalingon naman silang lahat sa direksyon nung sumigaw. Si Jeur at Clark na pala. Lumapit naman ang dalawa sa kanila.

HELLO DADDYWhere stories live. Discover now