Hello TWENTY FOUR

474 19 3
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


HELLO TWENTY FOUR


Bumaba ako sa kotse sabay tanggal ko sa aking Bentley Platinum Sunglass.

'We're here!' rinig kong sigaw ni Mommy na nasundan naman ng malakas na sigawan.

'Wow. So cool! Totoo ba 'to? Nandito na ba talaga tayo?' manghang sambit ni Jeur.

'Yes. The Logan Vacationland. The most expensive resort in our country.' pagmamalaking sabi naman ni Clark.

'Beach! Gusto ko na po pumunta sa beach!' excited na sabi ni Gorby sabay turo niya sa direksyon ng dagat.

'Ako din po! Gusto ko na maligo sa beach!' second demotion naman ni Fern na mukhang tuwang tuwa dahil tumatalon-talon pa ito.

'If ready at excited na ang lahat then, let's go!' nagsigawan ulit silang lahat sabay taas ng kanilang mga kamay.

'I'm not excited.' sabi ko. Natahimik silang lahat dahil sa narinig nila. Napatingin sila sa direksyon ko at unti-unting binaba ang kanilang mga kamay.


'But majority of us are ready and excited, let's go guys!' muling nagsalita si Daddy at tuluyan ng naglakad. Sumunod naman ang iba maliban kay Clark at Jeur.

Naglakad sila papunta sa direksyon ko. Inakbayan ako bigla ni Jeur.

'Exe, 'wag ka na kasing KJ. Andito na tayo o. Let's just enjoy this outing. Pa minsan-minsan lang 'to bro.' pangungumbinsi niya.

Ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa outing na'to. If meron man akong dahilan hindi rin 'yun big deal. Hindi ko lang talaga siguro trip ang ganito.

Simula kasi nung nasa 3rd grade na ako, biglang nahinto ang lahat. Trips, vacations, celebrations at kung ano-ano pang 'tions-tions' yan, lahat ay biglang nahinto.

Naging busy na si Daddy at Mommy sa business kaya panay ang byahe nila sa ibang bansa at ako naman laging naiiwan sa bahay (Cool East Village. If not remembered please scan Chapter 1). Lagi ko lang kasama ay ang maid at butler ko.

Minsan kapag birthday ko or sa pasko, laging ang maid at butler ko lang ang kasama ko. Nakakasama ko din naman sina Mommy at Daddy minsan kapag holidays pero hindi kami naga-outing ng kagaya nito.

'Yes, Exe. Let's just enjoy it. After ilang months ga-graduate na tayo ng highschool at magiging busy na tayo sa college. Baka hindi na tayo makakapag-outing ng ganito. Come to think of it, it's our very first outing. Us three.' sabi ni Clark na kahit boring at ang cold niya, mukhang masaya naman siya sa outing na'to

I think, I don't have a choice.

So, I just nodded back at them and smile. Let's--- enjoy it.

Naglakad na kami papunta sa resthouse na tutuluyan namin.

The resort was very peaceful. Wait. Teka. Nage-english na naman ako. Baka isipin niyo galit ako. Sorry po.

Ang tahimik ng resort. Mukha ngang kami lang ang tao dito pero sa tingin ko hindi. Ang mahal mahal naman kasi ng bayad each person. Thousands. Pero dahil sina Mom at Dad yung magbabayad kaya okay lang.

'Resthouse ba talaga 'to or mansion? Ang laki at ang presko tingnan. Puwede bang 1 year tayo dito?' sobrang manghang saad ni Jeur. Kung titingnan mas malaki pa rin naman yung bahay nila kaysa rito, O.A lang talaga maka react tung panget na 'to.

'1 year ka ring hindi kakain dahil yung pangkain mo ipambabayad mo dito.' sabi ko.

''Wag naman ganun. Food is life bro.'

'Oo kasi baboy ka.' nagtawanan naman kaming dalawa ni Clark.

'Yan, diyan kayo magaling e. Yung asarin ako. Okay lang kasi ako naman yung pinaka gwapo sa ating tatlo.' siya naman ngayon yung tumatawa na parang nanga-asar.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Clark at sabay na naglakad. Iniwan namin si Jeur na parang baliw kakatawa.

'Daddy!'

'Oh, Gorby. Hinay hinay lang sa pagtakbo baka madapa ka.'

'I'm just excited Daddy. Sabay tayo mag swim mamaya a. Turuan mo kami mag swim ni Fern.'

Nagkatinginan ulit kami ni Clark sabay ngisi ng nakakatakot. Binaling ko ulit yung tingin ko kay Gorby at umupo ng bahagya para magka-level kami.

'Paano kung si uncle Jeur niyo ang magtuturo sa inyo? Alam mo ba ang galing nung lumangoy.'

'Talaga Daddy? Then we should ask him.' nabaling yung tingin niya sa likuran namin ni Clark. 'Yaya Mau!' muling sigaw nito na nakapagpalingon sa amin.

'Gorby. Ah-- hello Clark, Exe. Pumasok na din pala kayo. Nakita ko sa may sala si Jeur, anong nangyari sa kanya?'

'Bakit ano bang nangyari sa kanya?' tanong naman ni Clark.

Lumapit siya ng bahagya sa amin at umaktong may ibubulong.



'Tawa siya ng tawa. Mukhang nababaliw.'

Napahalakhak kami ng malakas dahil sa sinabi ni Snake (A/N: she's reffering to Mau. Snake because of their school's name. Masama kasi ugali ng Exe. Hayaan niyo na.)

Hanggang ngayon pa rin ba tawa pa rin ng tawa yung panget na yun? 'Tong si Jeur iba kapag nakatawa abot isang oras.

'Hoy mga panget.' napalingon kami sa direksyon ng sumigaw. Si Jeur hari ng panget pala. 'Ba't niyo ako iniwan dun? Alam niyo bang tawa ako ng tawa then wala na pala akong kasama. Mukha akong baliw. Mga bro, walang iwanan. Okay?'

Pinipigilan naming dalawa ni Clark yung tawa namin.

'Okay Bro. Pfft.'

'Uncle Jeur. Uncle Jeur.' andito pa pala si Gorby. Tinawag niya si Jeur sabay kalabit sa suot nitong beach shorts.

'Yes, Gorby? Alam ko kung anong sasabihin mo. "Uncle Jeur, ang gwapo mo po."' tumawa naman ulit siya. Isa nalang talaga at mauupakan ko na 'to. 'Joke lang. Ano yun, Gorby?'

Nag-isip isip muna si Gorby bago magsalita ulit. Mukhang alam ko kung anong sasabihin nito. Napalingon ako kay Clark at siya rin pala ay napalingon sa direksiyon ko (A/N: Intimate stare. The End. De, joke lang hihi). Napangisi kami dahil tuwa.

'Uncle Jeur, turuan mo kami ni Fern mag swim please. Magaling ka daw kasi mag swim.'

Napalunok ng laway si Jeur at mukhang kinakabahan.

'H-Ha? Swim? As in l-lumangoy?' pautal-utal na sabi ni Jeur.

Tumango naman si Gorby.

Namutla bigla si Jeur at nanginginig.

Habang kami ni Clark ay sobrang nagpipigil na sa tawa.

------------------------

HELLO DADDYWhere stories live. Discover now