Hello NINE

1.4K 35 11
                                    


Hello NINE

Dalawang linggo ko na silang kasama at ito lang ang masasabi ko:

ANG HIRAP MAGING DADDY.


Nakakapagod at nakakahilo.

Hahabol-habulin niyo kasi ang kukulit. Paglulutuan niyo pa, papaliguan, papatulugin ang masama pa dun kailangan niyo pa silang basahan ng mga kwento bago makatulog.

Ayan tuloy nakabili ako ng mga story books. Malapit na ngang maubos yung pera ko. Lagi silang nagpapabili ng icecream at saka paubos na din dahil sa pamasahe. Umuuwi na kasi ako sa bahay tuwing lunch.

Buti na lang pag-uwi ko nakaligo at nakapagbihis na sila kaya lang yung bahay ko naman ang marumi. Sobrang kalat lalo na sa sala.  In the end, yung mga bata pa rin naman ang pinaglilinis ko. Disiplina kumbaga.

Kwento ako ng kwento. Late na nga pala ako.

'Daddy, ma le-late ka na, wag ka nang tumunganga diyan.' ayan na, pinagalitan na ako ni Gorby.

'Daddy, magchuot ka na ng polo.' iniabot naman ni Fern sa akin yung polo ko.

'Oh eto daddy yung bag mo.'  -Gorby

Araw-araw tuwing may pasok ganito ang nangyayari. Mukha tuloy ako yung bata kasi ako ang inaalagaan tuwing umaga. Ang bagal ko kasi talagang kumilos lalo na tuwing umaga kaya na le-late ako. Minsan din nakakalimutan kong isuot yung polo ko, o kaya naman makalimutan ko yung bag ko. Kaya bumabalik pa ako sa bahay para kunin.

Hinarap ko sila at lumuhod.

'Thank you'

'You're welcome daddy.'  -Gorby&Fern

'Sige, aalis na ako. Bantayan niyo ng mabuti ang bahay at huwag kayong magkalat.'

'Chige daddy, mag-ingat ka. /kiss/' -Fern

'Bye daddy. Ingat po. /kiss/' -Gorby

Pagkatapos nilang humalik sa pisnge ko tumayo na ako pero hindi pa rin ako umaalis sa harapan nila.

'Whatch wrong, Daddy?' -Fern

'May hinihintay ako.'

'Ano pong hinihintay niyo?' -Gorby

'Yung sasabihin niyo.'

Nagkatinginan naman silang dalawa tapos nagngitian.

'Wala na po kaming sasabihin daddy.' sabay nilang sabi.

'Weh? Hindi nga?'

'Opo daddy. May aychkrim pa naman sa ref eh.' -Fern

'Mabuti naman. Inubos niyo na pera ko.' sabay kamot ko sa ulo ko. 'Sige, aalis na ako. Bye, ingat kayo dito. Ang mga pinggan huwag niyong kalimutang hugasan.'

'Yes, Daddy.' nakangiti nilang sabi.

So, umalis na nga ako.

Baka iniisip niyo na inaalila ko sila. Oy, hindi ah. Ang bait-bait ko kaya sa kanila. Sila yung may gusto nun, pinapa remind ko lang. At saka, DISIPLINA ulit.



Nandito na ako sa room namin. Buti na lang at wala pa yung masungit na teacher namin.

'Exe.'

'Oh Jeur. Clark.'

'Kamusta?'

'Gwapo pa din /wink/'

'Ulol. Hindi ikaw. Yung mga bata. Kapal nito.' -Jeur

'Sorry naman. Di mo kinompleto eh. Ayun, mabuti naman. Nakakahinga pa rin naman sila.'

'Sira ka talaga.'

'Haha. Joke lang. Sasama ba kayo sa bahay mamayang lunch?'

'Aba. Siyempre. Nami-miss ko na si Gorby at Fern.'

Hindi kasi nakapunta si Jeur sa bahay nung sabado at kahapon. Sinamahan niya yung kapatid niya.

'Siyempre, sasama rin ako. Ayoko namang maiwan dito.' -Clark

'Sige. Hoy, andiyan na si Mrs. Meno! Bumalik na kayo sa upuan niyo.'

Mabilis namang nag evacuate sa harapan ko yung dalawa.

Nandito na nga yung first teacher namin, si Mrs. Meno. Bagay sa kanya yung apelyido niya parang Mrs. MENOpausal lang, ang sungit kasi.

'Good Morning class. First of all, yung mga cellphones niyo itago niyo na kung ayaw niyong may maconfiscate na naman ako ngayon. I'off niyo na rin o ilagay niyo sa silent mode para hindi maka-istorbo sa klase natin. Kilos na! Bilis.'

Inilagay na namin yung mga cellphone namin sa loob ng bag.

At ang pinaka-ayaw ko/namin sa lahat.

HINDI SIYA MARUNONG MAGTURO. Hindi namin siya maintindihan. Nagtuturo siya pero yung board ang lagi niyang kaharap at kausap.

Hawak-hawak ko lang yung scientific calculator ko ngayon. Paano ba naman, nagpa surprise quiz si Meno. Nagalit siya kasi raw HINDI KAMI NAKIKINIG. Yung board nga lagi niyang kaharap eh, kulang nalang halikan niya rin yung pisara. Badtrip.

8 over 10 items lang yung nakuha ko sa quiz. Sayang yung 2 points.

Nasa last subject na kami para sa morning class. Pagkatapos nito ay lunch na. Mabilis ba? Nagmamadali ako eh at isa pa wala namang importanteng nangyari sa oras na lumipas kanina. Ni hindi ko nga nakita yung crush ko eh!

Araling panlipunan class namin ngayon. Hindi ko na kailangan pang makinig sa lesson na yan. Magaling na ako diyan eh. *wink*

Makapaglaro na nga lang muna ng angry birds. Asan na ba yung cellphone ko? 

Ah! Nasa bag pala.

Woah. May missed call.

Eh? Si daddy lang pala. Ba't naman kaya siya napatawag?

May text din. Mukhang galing din to kay Daddy.

1 message recieved *click*

Pagpasensyahan niyo na. Wala akong textmate kaya isang message lang. 


Galing pala kay mommy yung message. Bakit kaya napatawag at napatext sila?



From: Mommy'LabLab

  Sweetie, papasok na kami sa eroplano ngayon. Uuwi kami ng daddy mo. 2 hours yung flight so baka makakauwi kami ng 12:30. Sa bahay mo kami dederetso kaya umuwi ka ngayong lunch niyo ha? Sige, see yah baby! :)







OH NOOO! HINDI PUWEDE!

Tiningnan ko naman yung time kung anong oras sinend ni mommy yung message niya. 10:30AM. So that means 12:30 nga sila makakauwi.

Tiningnan ko naman yung relo ko, 11:45 pa. May 15 minutes pa bago matapos yung klase namin.

*face palm*

Lagot na.

Patay ako nito! Paano na yung mga bata?

Paano ko ito ie-explain?

Bakit ang tagal matapos ng klase na 'to.

Sir, alis ka na po please.



Hindi pa ako ready. 


HINDING-HINDI PA AKO READY!


---------------------------------------------------------

(edited: November 26, 2016)

HELLO DADDYWhere stories live. Discover now