Hello SIX

1.7K 35 0
                                    

Hello SIX

Nagulat ako sa sinabi niya kaya binuhat ko si Fern paalis kay Clark at pinatayo sa harapan ko.

'Ulitin mo nga yung sinabi mo.'

'Shi uncle Clark ay galit na.'

Hindi ako bingi.

'Fern, nagtatagalog ka pala?'

'Yesh daddy.'

'Pero bakit lagi kayong nagi-English? Hindi niyo rin sinabi sa akin na nakakapagtagalog pala kayo.'

'Hindi niyo naman kami tinanong.'

'Pero kita niyo naman siguro na nahihirapan akong makipag-usap sa inyo kasi hindi ako mahusay sa Englishan.'

'I don't think sho daddy. You are good in English naman po eh.'

'Weh? Di nga? Haha. Narinig niyo yun? Sabi sa inyo eh magaling ako sa English.' pagmamayabang ko kina Clark at Jeur

'Exe, pinapagaan lang ni Fern yung loob mo. Wag kang assuming' saad ni Jeur

'Hindi marunong magsinungaling ang mga bata. Kaya Jeur wag kang eng-eng diyan. Epal nito.'

'Hoy Exequiel, tulungan mo ko dito. Kanina pa ako kinukurot ni Gorby. Ang sakit na ng pisnge ko.'

'Ang arte mo pre.' lumapit si Jeur kay Gorby para kunin ito 'Gorby, come to uncle Jeur.' sabi niya sa bata sabay pa cute

Kadiri.

'Aaaaayaw. Gushto ko kay uncle Clark.'

'Eh? Bakit ayaw mo sakin?'

'Gwapo sha eh kagaya ko.'

'Gwapo din naman ako ah.' sabay pa pogi niya.



'Hindi naman po eh.' natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Gorby.

'HAHAHA! Paano ba yan Jeur, hindi marunong magsinungaling ang mga bata.' natatawa kong sabi sa kanya

'Tse'

Tawa pa rin kami ng tawa kasali yung mga bata habang si Jeur naman ay nagdadabog sa sahig na parang bata.

Pero sa huli binuhat pa rin ni Jeur si Gorby. Mismong si Clark na kasi ang nagbigay kay Jeur.

'Nagugutom na ako, hindi pa tayo nagla-lunch.' -Jeur

'Ako nga rin eh.' -ako

'Ako rin daddy.' -Gorby

'Me too.' -Fern

Sabay sabay kaming apat na napatingin kay Clark.

'O-Oh? B-Baket?' -Clark

'Tutal naman ikaw lang ang walang ginagawa dito, ikaw na ang bumili ng makakain natin.' -Jeur

'Bakit ako?'

'Kasi nga ikaw yung walang ginagawa diyan. Paulit-ulit?' -ako

'Bakit? Wala bang makakain diyan sa ref mo?'

'Wala na yang lamang pagkain, hindi pa ako nakakapag-grocery.'

'Ang dami mong tanong. Bumili ka na lang ng makakain natin. Nagugutom na kami oh.'

'Tss. Oo na. Kung maka-utos naman 'to. Buti nalang mas gwapo ako kaysa sa iyo.'

'Anong konek nun sa pag-utos ko sa iyo?' naiinis na sabi ni Jeur

'Wala naman. Gusto ko lang ulit-ulitin.'

'Tama na nga yan. Bumili ka na ng makakain.' -ako

'Teka muna. Money down. Money down. Libre mo kami ngayon diba.'

Akala ko naman makakalimutan na nila. Binigyan ko na siya ng pera para makaalis na.

Napagdesisyunan na rin namin na hindi na papasok ngayong hapon. Tatlong subjects lang din naman ang meron mamaya. Dahil tunay kaming mag-aaral siyempre kailangan din naming may absent paminsan-minsan.


Nakabalik na rin si Clark at ang loko inunahan kami sa pagkain. Pagkapasok na pagkapasok niya lumalamon na siya ng burger.

'Kumakain ka na agad. Yung sukli akin na.' sabi ko

'Anong shukli? Wala nang shukli no.' sabi niya habang may lamang pagkain yung bibig niya.

'Don't talk when your mouth ish full uncle Clark.'

Ayan pinagalitan tuloy ni Gorby.

'Sorry naman.'

'Anong sabi mo? Wala ng sukli? Ano bang binili mo ba't naubos agad ang pera?'

'Siyempre kinunan ko rin doon yung pamasahe ko. Nag-taxi kaya ako papunta at pabalik dito.'

'Ba't ka nag-taxi? Puwede ka namang mag-jeep.'

'Ayoko ngang mag-jeep. Mausok.'

'Ang arte mo talaga.' -Jeur

'Gwapo naman.' -Clark

Bago pa humaba yung asaran dito. Nagumpisa na lamang kaming kumain.

Yung mga bata parang ilang araw ng hindi kumakain wala na silang pakealam kung ang dungis dungis na ng mga mukha nila. Basta ang alam lang nila, KAIN LANG NG KAIN.

'Exe' tawag sa akin ni Clark

'Baket?'

'Alam na ba ito ng mga magulang mo?'


Oo nga pala. Paano ko ito sasabihin kina mommy at daddy?

Paano kung ma misinterpret nila?


MAY PROBLEMA PA PALA.

_______________________________________

Edited: July 16, 2016

HELLO DADDYWhere stories live. Discover now